> CRISTY'S POV <
KASAMA KO NGAYON si Lhyn, pagpasok namin ng school building tinginan na ang mga schoolmate namin. Syempre, alam kong alam nila ang trending topic ng school. Kaya paawa effect ako. Mugto mata ang peg ko. Lungkot-lungkutan ang drama.
"Hi!"
"Hello!"
"Good morning!"
Greet nila sa 'min. Smile lang ako nang kunti, para affected much pa. Lumapit kami sa bulletin board, nakita ko ang mga pictures. Yung kiss ng mga snake! Nakakapanginig ng laman yung malanding higad! Pero smiling with teary eye lang ako. At kinuha ko ang picture at pinunit ko yun, maraming nakakita. Tinapon ko lang sa baba, kaya nagkalat ang mga piraso nito sa sahig. Talagang nakakairita!
"Hey, you said you're okay?" si Lhyn habang himas-himas niya ako sa likod. Feel ko din yung sadness niya for me.
Ako naman, punas-punas ng luha. "I'm okay, don't worry." Mahinang sabi ko. Para talagang nakakaawa. Nakita ko ang picture ni Chelsa na may tatak na virus. Napa-smile naman ako dun. Well, idea ko lang naman yun. Nice! Sabi ko sa sarili ko. Maasahan talaga sina Joyce.
Kina Joyce ako magpapatulong gawing hell ang mga nalalabing araw sa high school ng babaeng yun. Di kasi pwedeng kina Kristan. Mukhang vibes ng babaeng yun sina Carly at Evy. Tsaka, baka lalong gumulo lang between sa 'min ni Nate ang lahat. At alam ko naman na kahit di ko utusan si Kristan his loyalty is mine.
Pag-akyat namin sa second floor papuntang classroom, may parasite akong nakita sa basurahan – si Chelsa. Naghahalungkat siya sa basurahan gamit ang stick. Nagkatinginan kami ni Lhyn at napa-smile lang. Nilapitan namin yung assumengera-pelengera mukhang basura. Bitch mode on.
Kaso napatigil kami, dumaan ang isang teacher. Mukhang ang taray pa naman nito. Teacher siya sa lower level kung di ako nagkakamali? Masyado kasing malaki ang school na 'to para makilala ko lahat ng teachers. Nang makatalikod na yung teacher, sinipa ko ang basurahan – natumba 'to at nagkalat ang basura. Nagulat yung teacher at napalingon sa 'min.
Nilingon ko ang chaka. "Chelsa, ba't mo tinumba yan?" tanong ko. Kunwari nag-aalala.
"Ew! Ang dirty na tuloy." Dugtong ni Lhyn.
Tinaasan ng kilay lang si Chelsa ng teacher, at naintindihan niya naman yun. Pinulot niya yung mga basurang nagkalat sa sahig. Well, may isip naman pala ang Chelsa na 'to. Pero sayang, mga papel at plastic lang ang laman ng basurahan.
Medyo naluluha ang impakta. Well, ako natutuwa! Sa totoo lang gusto kong ilagay sa basurahan ang babaeng 'to! Galit na galit talaga ako sa kanya! Yung pagiging prom Queen ko inagaw niya! Naiinis din ako sa mga Junior at Senior na um-attend sa prom. Ba't di nila ako binuto? Magbabayad din sila. Naiinis din ako kay Nate. Pinagmukha nila akong tanga sa harap ng maraming tao! Pero ngayon, paawa muna ako. Dahil ako ang biktima.
"Tulungan ka na namin." Bait-baitan ko. Tapos kunwaring pumulot kami ng basura ni Lhyn. Pero mga papel lang. Nag-smile sa 'min yung teacher.
Pag-alis nung teacher, muli namin kinalat ang hawak naming basura. Pinunit pa namin yung iba. And we gave her bitches smile. Buti wala nang gaanong student. Nag-ring ang bell, may sinipa pa kaming basura bago namin iwan yung basurera.
Simula pa lang yan, Chelsa! Kulang pa ang sampal! Banta ko sa kanya sa isip ko nang magkatitigan kaming dalawa.
~~~
> NATE'S POV <
BAGO PUMASOK NG school, tinawagan ko ang tropa. Sabi ko sabay-sabay na kaming pumasok at hihintayin ko sila kay Nicole. Pagdating ko nandun na si Edward, dun pala siya natulog. Siguro na-miss na naman si Nicole. Kailan ba makaka-move on ang pinsan kong 'to?
Ilang saglit lang, dumating na rin sina Kyle, Karl at Zab. Si Lhyn, sinabing mauuna na raw sila ni Cristy, ayaw pa raw kasi akong makausap. Si Jasper, paalis na kami nang dumating. Akala ko nga di siya darating. Ayun, hand-shaked lang kami at smile. Alam na naming okay na kami sa isa't isa.
"Basta bro, dapat maayos yan ngayon." Sabi niya sa 'kin. Nakangiting tumango lang ako sa kanya. Pero di ko alam kung pa'nong pakikipag-ayos ang gagawin ko? Parang gusto ko kasi ng space. Pero di naman ako astronaut? Okay, corny lang.
~~~
PAPASOK NA KAMI ng gate, nakasabay pa namin sina Kristan, Awin, Arvin at Melcho. Ayun, titigan nang masama. So, napuruhan ko pala si Kristan, may sugat siya sa ibabang bibig.
"Ladies first!" ayun, si Jasper bumanat na naman dun sa apat.
Tinulak ni Awin si Jasper. Mukhang mainit ulo nung ugok. Selos pa siguro 'to kina Jasper at Lhyn? Kami ni Kristan masama pa rin ang titigan. Medyo tumaas ang tensyon. Nagkaharap-harap na rin yung iba.
"Anong gulo yan?!" sigaw nung guard tapos lumapit sa 'min.
Inakbayan ni Kristan si Jasper. "Wala, boss. Nagkakatuwaan lang." sabi ni bungol. Pero yung ngiti parang gigil na gigil. Tapos tinulak niya si Jasper papasok sa gate. Tumangong umalis lang yung guard – akala siguro naglalaro lang kami? Siguro bago yun at di kami kilala sa school na 'to?
Di naman kami makaporma. Baka kami pa magmukhang nauna. Ngumiti na lang din kami.
"Ladies first?" sabi ni Kristan kay Jasper. Napa-smirked lang si Jasper na nakapasok na ng gate ng school dahil sa pagtulak ni Kristan. Halatang nairita si Jasper.
"Di ba dapat pre, nauna kayong apat?" ako kay Kristan. Kita kong nainis yung mga bungol.
"Tayo na lang mauna?" si Edward at tinapik ako sa balikat at naglakad siya papasok ng gate. "Ladies, give way muna kayo sa mga heartthrobs." Pahabol niya pa. Napangiti ulit kami at lalong nagngitngit yung apat.
Sumunod sina Kyle, Karl at Zab. "Bye, ladies." Pabulong na pang-aasar nung tatlo.
"Sorry nga pala." Ako kay Kristan. At tinuro ko ng ibaba ng bibig ko na ang tinutukoy ko ay yung sugat niya.
Nag-smirked lang si Kristan pero may panglilisik sa mga mata. "Suntok babae lang tumama rito." Tapos mas ngumiti. Medyo nainsulto ako, hah. Loko, hah! Sampolan ko pa 'to, eh!
Pero ngumiti lang ako. "Kaya pala pumutok?" Pang-iinsulto ko. "Bye, girls!" pabulong ko.
Mukhang susugod yung tatlo pero umawat si Kristan. "Malakas lang naman ang loob n'yo kapag nandito kayo." Sabi niya na ang tinutukoy ay ang school.
"Di rin?" sagot ko at kinindatan ko sila. Mukhang umuusok yung mga ilong nila sa galit?
Nag-high five kaming anim at naglakad na parang pag-aari ang daan. Tilian ang mga girls. Lahat nakangiti hanggang pagpasok namin sa school lobby. Siguro natutuwa silang magkakasama kami at okay sa isa't isa despite of what happened in prom.
Lumapit kami sa bulletin board. Umusog naman yung mga nakatingin dun. Mga pictures nung prom ang pinagpepyestahan nila. Pictures namin ni Excuse me girl ang karamihan – kami kasi ang King and Queen. Medyo napangiti ako sa pictures namin na magkasama. Kaso biglang nawala nang makita ko ang isang picture niya na may tatak na virus.
"Tayo na!" sabi ko sabay talikod. Sumunod naman sila at umakyat agad kami ng hagdan papuntang classroom.
Pagdating sa hallway – natigilan ako. Tumigil din sila sa 'ming nakita. Sina Cristy at Lhyn, nakatalikod sa 'min – mukhang kausap nila si Excuse me girl? Paglagpas ng teacher sa kanila, sinipa ni Cristy yung trashcan. Napahinto ang teacher, tapos parang may sinabi si Cristy. Haist! Ano kaya yun? Medyo malayo kasi kami. Pinulot ni Excuse me girl yung mga nagkalat na basura. Pero tumulong din ang dalawa. Pag-alis nung teacher, kinalat nung dalawa ang pinulot nilang basura.
Ugh! Napahinga na lang ako ng malalim. Napatingin sa 'kin si Jasper. Napa-sighed na lang ako. Narinig namin ang pag-ring ng bell at iniwan na nina Cristy at Lhyn si Excuse me girl. Pero may sinipa pa silang basura at nagkalat pa yun. Haist! Ba't ba nila ginagawa yun? Astig ang tropa namin dito, pero di naman kami bully.
"Tayo na!" si Jasper at nauna siyang maglakad at sumunod ang apat. Dinaanan lang nila si Excuse me girl.
Nahuli ako, nakita ko ang pagyuko niya. Ngunit nang mapadaan ako sa tapat niya, lumingon siya. Nagtama ang mga mata namin. Shit! Umiiyak siya?
Wag kang iiyak! Gusto ko sanang sabihin sa kanya yun. Pero sa isip ko na lang nasambit. Tapos tumango siya.
Tumango siya? Narinig niya yung sinabi ko? Pero inisip ko lang yun? Hay, kung ano-ano na naman ang iniisip ko. Ano siya mind reader? Di ko na naman maintindihan ang nararamdaman ko? Ang alam ko lang gusto ko siyang tulungan. Gusto kong hawakan ang kamay niya at itayo siya. Bahagya akong napahinto. Kaso…
"Nate!" tawag sa 'kin ni Jasper. Napalingon ako sa kanya.
At itinuloy ko na lang ang paghakbang ko palayo kay Excuse me girl. Pinilit kong iwasan siyang tingnan. Di ko maintindihan ang sarili ko. Di ko alam kung ano ba talaga ang gusto kong mangyari? Sabi ko, ako na ang protector niya. Pero ba't di ko magawa? Ba't di ko mapakita? Ba't wala akong lakas ng loob? Naguguluhan talaga ako. Ayun, iniwan ko na lamang siyang mag-isa. Habang nagpupulot ng nagkalat na basura na hindi siya ang may gawa.
What is love? Talaga ngang napakahirap intindihin. Haist! Di mo alam if love na o ano ba? Pero sa kanya ko lang talaga naramdaman 'to. Siya ang babaeng, parang ano…parang binaliw ako sa gulo ngayon ng utak ko? Virus nga talaga siguro siya!
Pagpasok namin sa room, syempre agaw atensyon kami. Pero syempre, ako talaga ang pinagtitinginan. Bukod, sa gwapo, eh, may isyu, eh.
Bumati si Cristy sa kanila. Pero ako di niya pinansin. Di niya rin suot ang bigay kung kwentas. Si Lhyn bahagyang ngumiti lang tapos holding hands silang naupo ni Jasper. Aba, official na? Pero binawi ni Lhyn ang kamay niya kay Jasper. Gulo rin ng dalawang 'to?
Ako tahimik lang, nakatingin ako kay Cristy pero di niya ako tinitingnan. Tahimik din ang buong klase – mukhang naghihintay sa next scene namin ni Cristy. Lumapit ako sa tabi niya. Syempre, kasi sa tabi niya ako nakaupo. Tahimik akong naupo. Di niya talaga ako tinitingnan. Talagang malaki ang tampo niya. Siguro nga galit na talaga. Usually kasi 'pag may tampuhan kami, kinaumagahan lang okay na. Siya pa unang pumapansin sa 'kin.
Pero ako wala rin naman ganang gumawa ng effort para pansinin niya ako. Di ko talaga kasi nagustuhan ang ginawa nila ni Lhyn kay Excuse me girl kani-kanina lang. Tahimik lang ako, nakatingin lang sa harapan. Nakikiramdam sa pagpasok ni Excuse me girl, ni Chelsa. Bigla na lang akong napangiti. Chelsa! Chelsa! Wala na kasing awkwardness na banggitin ko ang name niya.
"Chelsa." Patay. Mukhang mahinang nabigkas ko. Kita ko sa gilid ng mata ko na napalingon sa 'kin si Cristy. Narinig niya kaya? Tumikhim na lang ako. Tapos dumating na si sir panot. Thanks, sir!
Halos 15 minutes na, wala pa rin siya – si Chelsa. Nasan ba siya? Di ba siya papasok? Tanong ko sa sarili ko habang nakatingin sa wall clock sa harapan ng classroom.
Tumayo ako. P-Pero saan ako pupunta? Haist! Pati sa isip ko nauutal ako! Pero saan ba talaga ako pupunta? Ba't ako tumayo?
"What, Mr. Lover boy?" tanong ni sir. Nakanaks naman si sir nakikiuso pa. Ayun, natawa mga classmate ko. Pero smile na lang ako.
"CR lang, sir." Paalam ko. Thanks at may naka-embento ng CR kaya may nagagamit na palusot sa gan'tong sitwasyon. Sumenyas lang si sir na, sige. Bago ako lumabas napatingin ako sa hulihan kung saan nakaupo si Chelsa – at wala pa rin talaga siya dun.
Pagkalabas ko, nilibot ko ang paningin ko. Wala siya at maayos na yung basurahan. Naisip ko pang baka pumasok siya sa basurahan at nagtago. Ang stupid lang, pero wag ka, talagang tininggan ko yung basurahan kung nandun nga siya? Sa'n ba siya nagsuot? Sa isip ko nang wala siya dun.
Naalala ko yung picture niya na may tatak na virus. Naglakad ako pababa ng lobby, at habang naglalakad ako, nagbabakasakali akong makita ko siya. Pero di ko siya nakita. Nasaan ba talaga siya?
Pagkababa ko ng hagdan, agad akong tumuloy sa bulletin board. Napabuntong-hininga ako bago ko kinuha ang picture niya. Siguro nasasaktan siya ngayon? Siguro takot na takot siya? Sorry, kung di ko magawang hawakan ang kamay mo. Sorry, kung di ko magawang magpakalalaki. Nalilito pa kasi ako sa nararamdaman ko. Sa isip ko habang pinupunit ko ang picture.
Papunta na sana ako sa may hagdan kung nasaan yung basurahan, kaso natigilan ako nang may makita akong punit na picture sa sahig. Pinulot ko ang dalawang piraso ng picture. Kumabog ang dibdib ko nang makita ko kung ano ang picture na yun nang maipagdugtong ko, ang kiss namin. Woah! Napangiti ako. Parang may sound effect pa akong naririnig sa isip ko. Binulsa ko ang punit na picture namin at nagmadaling itapon ang picture ni Chelsa na may tatak na virus – baka kasi may makakita pa sa 'kin. Pagbukas ko ng trashcan, tumambad sa 'kin ang pamilyar na bag. Tinapon ko ang picture at kinuha ko ang bag. May nakita pa akong lunch box at tumbler. Nagkalat pa yung laman noon Sayang naman. Mukhang may napagtripan?
"Kanino kaya 'to?" tanong ko. Naisip kong baka sa kanya. May butterfly designed kasi. Piling ko kasi mahilig siya sa butterfly. Pero sana naman hindi.
"Bag ko!" narinig kong boses sa likod ko – boses niya. Paglingon ko, nakita ko ang pag-aalala sa mukha niya habang pababa siya ng hagdan. Tama, sa kanya nga ang mga gamit na 'to – kay Chelsa.
BINABASA MO ANG
The Girl From Nowhere
Fantasy~[COMPLETED]~ INIBIG NIYA AKO. INIBIG KO SIYA. PERO BIGLA SIYANG NAWALA. Ganun nalang ba yun? Matapos niya akong paibigin at matapos ang masasayang pinagdaanan namin iiwan niya ako? Ginago niya ako. Ni di ko alam ang dahilan. I REALLY HATE HER! BUT...