CHAPTER 62
Pagdilat ko, nasa ibang lugar na ako. Nasa kagubatang di pamilyar sa’kin. Natakot ako nang makita ko si Nate. Nakahiga siya sa malapad na bato. Tulog parin siya at napupuluputan ng mga halamang baging ang katawan niya. May mga kandila sa lupa na nagsisilbing ilaw. Hindi ako makagalaw. May mga halamang baging din na nakapulupot sa katawan ko. Nakatali ako sa malaking puno.
“Nate! Nate! Nate!” sigaw ko nang paulit-ulit para gisingin siya. Umiiyak na ako sa takot. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko sina mama at papa, papalapit sila kay Nate. Puti ang suot nila. May hawak na patalim si papa. “Wag! Wag!” iyak ko. Pero tiningnan lang nila ako.
“Chelsa!” sigaw ni Nate. Pinipilit niyang kumilos pero nahihirapan siya. Nakita ko ang takot sa mukha niya.
“Nate!” takot na takot na tawag ko sa kanya. “Papa, mama, pakiusap, wag!” muling pakiusap ko kina mama para wag nilang ituloy ang binabalak nila.
“Para sa’yo ‘to, anak. Para sa buhay mo,” madiing sabi ni papa na di niya ako nilingon. Nakaharap siya kay Nate at dahan-dahang inangat ang kanyang mga kamay hawak ang patalim. Si mama pinagmasdan niya lang ako ng luhaan niyang mga mata. Napapailing nalang ako sa pag-iyak at pulit-ulit na sumisigaw para pigilan sila.
Si Nate nanlaki nalang ang mga mata niya. Alam kong naguguluhan siya sa mga nangyayari. Nararamdaman ko ang takot sa puso niya. Umiiyak siya. Nakatingin siya sa’kin. Hinihingi niya ang tulong ko pero wala akong magawa.
“Wag!” malakas kong sigaw nang ibabaon na ni papa ang patalim sa katawan ni Nate. Pero hindi niya ako pinakinggan. Itinurok niya ang patalim sa dibdib ni Nate. Tumalsik ang maraming dugo mula sa dibdib niya. May lumabas ring dugo sa bibig niya. Binawian siya ng buhay na nakadilat parin ang luhaan niyang mga mata habang nakatingin sa’kin. Para narin akong binawian ng buhay. Gusto kong isigaw ang pangalan niya ngunit walang lumalabas na boses mula sa bibig ko. Napahagulhol nalang ako sa pag-iyak. Hindi ko naipagtanggol ang lalaking mahal ko. Ako ang nagdala sa kanya sa kamatayan.
~~~
Sa pagdilat ko maliwanag na. Takot na takot parin ako. May luha sa mga mata ko. Hindi ko alam kung sabay kaming nagising ni Nate – kaharap ko siya ngayon. Hawak parin namin ang kamay ng isa’t isa. May luha rin sa mga mata niya at kitang may takot sa mukha niya. Sapo ng isang kamay niya ang dibdib niya na tila may iniinda siyang sakit doon. Niyakap ko siya. Niyakap ko siya ng sobrang higpit. Buhay siya. Panaginip lang. Salamat at panaginip lang.
“Ex daw?” napalingon kami sa nagsalita, si ate. Naka-crossed arms siyang nakatayo sa harap namin. “Gawain ba ng mag-ex yan? Magkatabing natulog? Kabataan nga naman!” ngiwi ni ate. “At parang gulat na gulat kayong makita ang beauty ko? May crying scene pa? Anong drama yan? Umaga na, nganga pa.” at inirapan kami ni ate. Naglakad siya patungong kusina.
Napangiti nalang kami ni Nate at nagkatinginan. May kung anong bumabagabag sa kanya. Nararamdaman ko yun. Parang galing rin siya sa isang masamang panaginip.
“Good morining!” nakangiting bati nina Kristan at Edward pagkababa nila ng hagdan.
BINABASA MO ANG
The Girl From Nowhere
Fantasy~[COMPLETED]~ INIBIG NIYA AKO. INIBIG KO SIYA. PERO BIGLA SIYANG NAWALA. Ganun nalang ba yun? Matapos niya akong paibigin at matapos ang masasayang pinagdaanan namin iiwan niya ako? Ginago niya ako. Ni di ko alam ang dahilan. I REALLY HATE HER! BUT...
