> THIRD PERSON' POV <
NAGSITAYUAN ANG LAHAT para sa cotillion dance nila at pumuwesto na sa dance floor. Si Chelsa, napatingin lang sa mga schoolmate niyang pumunta na sa unahan.
Si Nate napatingin sa kanya. Di siya sasali? Sa isip nito. Naiwan kasi siyang nakaupo lang.
Binalikan siya ni Carly na nauna na sa dance floor. "Halika na!" anyaya nito at hinila ang kamay niya.
"Pero, isang beses lang ako nakapag-practice. Baka magkamali ako?" pagtanggi niya. Pero wala rin siyang nagawa sa pangungulit nito. Ayun, nakapwesto na siya sa dance floor.
Nag-umpisa na ang tugtog at nagsimula nang sumayaw ang lahat. Nangangapa si Chelsa sa ikikilos niya. Si Nate naman, pasimpleng nakasulyap pa rin sa kanya kahit habang hawak nito ang kamay ng nobya
Dahil sa step ng sayaw na magkakaiba-iba ng partner at paiba-iba ng puwesto, may pagkakataong nagkakasalubong sina Nate at Kristan. Sama ng tingin nila sa isa't isa. Ganun din ang iba, sina Carly at Cristy, sina Jasper at Awin, at Evy at Lhyn. At sina Edward, Kyle, Karl at Zab kapag kasalubong sina Awin, Arvin at Melcho, nagkakasamaan din ng tining. Sa practice pa lang ganun na ang magkabilang grupo. Mukhang pinagpraktisan din nilang gawin yun. Kung siguro walang mga guro at di sila winarningan ng principal baka rambolan na. Kabataan nga naman.
Si Cristy, mas lalong sumasama ang mukha kapag si Chelsa ang nakakasalubong. Pasimpleng siniko pa siya nito. Kulang na lang sabunutan siya. Si Nate nagiging seryoso kapag nakakasalubong siya, pero masaya ito sa loob-loob nito. Siya naman as usual, napapayuko. Si Kristan iba rin ang mga titig kay Cristy. Si Awin naman di matago ang ngiti kapag kaharap na si Lhyn. Kaya si Jasper kitang gigil.
Kailangan maghawak ng kamay ng bagong magkapareha. Si Awin saktong si Lhyn ang naging partner. Si Jasper naman si Evy. Si Awin tuwang-tuwa. Si Evy naman ganun din, kasi nga gusto nito si Jasper. Pero sina Lhyn at Jasper, parang naiinis sila sa isa't isa. Sama ng tinginan nila. O baka nagkakaselosan lang?
Si Kristan, si Cristy ang naging partner. Iba ang pagkakahawak ni Kristan sa kamay ni Cristy. May haplos pa. Nakanaks! "Sana araw-araw na lang prom. Para kahit pa'no nahahawakan ko ang kamay mo." seryosong banat ni Kristan.
"Tigilan mo ako. At pwede ba, wag masyadong mahigpit ang hawak." Pagtataray naman ni Cristy.
Sumeryoso ang mukha ni Kristan. "May utang ka pa sa 'kin." May paniningil sa tono ng boses nito.
Di na sumagot si Cristy. Galit kasi itong nakatingin sa magka-partner na nasa harapan, sina Chelsa at si Nate.
Di maitago ang pamumula sa mukha ni Chelsa. Medyo nagkahiyaan pa sila ni Nate sa isa't isa. Pero ngayon, nakatingin sila sa bawat isa habang magkahawak-kamay na. Nag-smile si Nate at gumanti naman siya ng ngiti. Nawala pa sila sa step kaya naman natawa sila. Pagharap nila, ang talim ng tingin ni Cristy ang tumambad sa kanila. Si Kristan naman halatang masaya sa eksenang yun.
Magkakasalubong sila, si Cristy nakangiting may balak. Nang makatabi na siya nito, pinatid nito ang paa niya, nawala siya sa balanse.
Pero tulad sa mga fairytale, kapag mapapahamak ang prinsesa ay may prinsipeng handang magligtas sa kanya. Sinalo siya ni Nate. At dahil sa pasubsob ang tumba niya, sa dibdib niya ito napahawak.
Nanlaki ang mga mata ni Chelsa. "S-Saan ka nakahawak?" gulat at nauutal na tanong niya.
Napalunok-laway na lang binata at di nakasagot sa kanya. Mabalis siyang bumawi sa pagkakatayo. Si Nate parang nagyelo na at di makakilos, naka-freeze mode ata? Nakabuka pa rin ang kanang palad nito na nakasalo sa kanya.
Sila lang nina Nate, Kristan, at Cristy ang napahinto sa pagsayaw. Yung iba tuloy pa rin. At ilang saglit lang, natapos na rin ang musika at tumigil ang lahat sa pagsasayaw.
"Ayos ka lang?" pag-aalala ni Kristan sa kay Chelsa.
Tumango siya. "Napatid lang ako." Nakangiting sagot niya.
Pero tiningnan ni Kristan si Cristy with disappointment, nakita kasi nito ang ginawa ng dalaga. Pero umirap lang ito na parang ayos lang ang ginawa kay Chelsa.
Lumapit si Nate kay Chelsa at hinawakan siya sa nito magkabilaang-braso. "A-Anong nangyari sa 'yo?" nauutal nitong tanong dahil nasa isip pa rin nito kung saan siya nito nahawakan.
"Wala." Sagot lang niya. Nagulat siya sa naging reaksyon ni Nate. Naramdaman niya ang pag-aalala nito sa kanya.
"Y-Yung kanina. W-Wala naman akong nahawakan." Utal na paliwanag ni Nate.
Namula siya at napayakap sa kanyang sarili. "A-Ano bang sinasabi mo?" maang-maangan niya. Pero alam niya kung ano ang tinutukoy ng binata.
"W-Wala?" sagot nito at napakamot na lang ng ulo.
"Nate! Tayo na!" si Cristy at inis itong umalis. Agad naman sumunod si Nate, pero napapalingon pa rin ito sa kanya.
Napanguso na lang siyang pinagmasdang ang pag-alis ng mga ito. Nakakainsulto siya, hah! Di naman ako flat chested, ah? Anong wala siyang nahawakan? bulong niya sa kanyang sarili. Yumuko siya at kinapa ang kanyang dibdib.
~~~
"WHAT HAPPENED?" TANONG ni Lhyn kay Cristy.
"Itong boyfriend ko, nagpaka-Prince Charming na naman!" Iritang sagot nito.
Napatiim-bagang lang si Nate at naupo, sabay inom ng juice.
"Da who?" follow up question ni Lhyn.
"Sa frog!" inis na sagot ni Cristy.
Pabagsak na binaba ni Nate ang baso. "Pwede ba, Cristy?" kunot-noo itong napatingin sa nobya. Pero lumaki lang ang butas ng ilong ni Cristy at naningkit ang mga mata sa galit.
~~~
"ANONG NANGYARI?" TANONG ni Carly pagkabalik nina Chelsa at Kristan sa table nila. Umiling lang si Kristan.
"Wala." Sagot ni Chelsa nang binato siya ng tingin ni Carly.
~~~
NAGSIGAWAN AT NAGTAYUAN ang lahat ng estudyante nang i-play ang sikat na danceable music. Ayun, party-party! Sumayaw ang buong tropa nina Nate. Nag-e-enjoy ang lahat at may patalbugan pa ng dance moves.
Si Chelsa, nakaupo pa at pinipilit nina Kristan at Carly na tumayo. Habang nauna nang sumayaw ang iba nilang kasama. "Ayaw ko talaga. Di ako sumasayaw." Tanggi niya.
"Sige, kung ayaw mo." si Carly.
"Sige na nga!" sabay tayo. Hala, kung kailan okay na tsaka papayag? Papilit lang?
Tinungo nila sa dance floor. Nung una, hiya-hiyaan pa siya. Pero nung nagkakasigawan na at hataw na ang mga kasama niya, aba tumudo na rin siya. Nag-chicken dance pa at Gangnam style, uso pa ba yun? Natawa naman sina Carly. May mga katabi silang natatawa rin at may mga komento pang-iinsulto sa kanya.
"Wag mo silang pansinin!" pabulong ni Carly sa kanya at sinabayan din nito ang hataw niya.
Si Nate, pasimpleng nakatingin kina Chelsa. Kitang-kita ng binata ang pagsayaw niya. Nung una nagpipigil ito ng tawa, pero nang mag-Gangnam style siya, di na nito napigilan ang mapahalakhak. Napahawak pa ito sa tiyan sa kakatawa na pinagtakahan ng mga kasama nito.
"Bakit?" tanong ni Edward.
"Wala!" natatawang sagot ni Nate.
Napatigil sa pagsasayaw si Chelsa. Nahuli niyang nakatingin sa kanya si Nate at tumatawa. Napatalikod siya sa idea na pinagtatawanan siya nito. Loko yun, hah! Ngiwi niya. Pero napangiti siya. Kilig-kiligan dahil nahuli niyang nakatingin sa kanya ang binata, pinagtatawanan nga lang siya.
Biglang naging slow ang music. Pulasan yung walang mga date. Yung iba naghanap on the spot ng maisasayaw. Yung iba naman na magbabarkada nag-trip na lang, may sumayaw ng babae sa babae at lalaki sa lalaki.
Nakita ni Chelsa ang pagsayaw nina Nate at Cristy. Nakahawak sa hips ni Cristy si Nate at nakayakap naman sa leeg ng binata ang dalaga. Mugto ang mata ng lola mo. Ba't di pa kasi umalis sa dance floor, masokista lang? Gusto nasasaktan? Tapos napatingin pa sakanya si Nate. Para tuloy natigilan siya lalo. Ang mga tingin naman ni Nate parang kay lalim ng gustong sabihin.
Sumayaw din sina Jasper at Lhyn. Sina Edward, Kyle, Karl at Zab sinayaw naman ang mga date nila. Si Kristan, inalok ang kamay kay Carly ng paupo na sana ito kasama si Evy. Si Awin naupo na kasama si Evy, at nakatingin lang kina Jasper at Lhyn. Sina Arvin at Melcho naghanap ng maisasayaw. May nakipagsayaw naman, natakot tumanggi, eh.
Nakaupo na si Chelsa. Nakontento na lang siyang pagmasdan ang mga couple na sumasayaw.
"Psst! Sayaw tayo!" yaya ni Awin sa babaeng nakaupo sa likod nito. Agad naman pumayag yung babae. Natakot ata, pero parang kinilig din?
"Punta lang akong restroom." Paalam ni Evy. Tumango lang si Chelsa.
Pagkaalis ni Evy may lumapit sa kanya at niyaya siyang sumayaw. Pero tumanggi siya. May mga lumapit pa at tumanggi ulit siya. Nang mapalingon siya kay Nate habang kasayaw pa rin nito si Cristy, nakita niyang masama ang tingin nito nang may lumapit na guy sa kanya.
Problema niya? sambit ni Chelsa sa sarili niya. Tinanggihan niya ang mga lalaking nagyayaya ng sayaw. Di rin naman kasi niya feel makipagsayaw. May doubt pa kasi siyang baka pagtripan lang siya. Di nga niya alam kung totoo ang pinapakitang pakikisama sa kanya ng grupo nina Kristan. Pero iniisip niyang okay na rin yun, at least di siya OP ngayon. Bahala na sa mga susunod na araw kung papansinin pa rin siya ng mga ito o baka ma-bully pa. Sabi kasi ng super nega niyang ate, may mga bully na sa una kakaibiganin ka. Tapos uuto-utuin ka na at pagtitripan nang di mo namamalayan.
Nakaupo na ang lahat at nakatuon ang atensyon sa inaanunsyo ng emcee.
"Our committee, choice three princes and princesses to be our prom King and Queen. Please stand up when you hear your name. At makikita ninyo naman sa monitor ang name n'yo, it means candidate kayo to be our prom King and Queen for this year." Masayang anunsyo ng emcee.
"Kristan Aguilar!" hiyawan ang ilan. Natawa lang ang mga kaibigan niya. Di kasi nila in-expect na mapapasama ito. Payukong tumayo si Kristan. Ayaw naman kasi nito sa mga ganitong kaartehan.
"Edward Ken Nano!" at proud na tumayo si Edward at pakaway kaway pa. Hiyawan naman ang lahat.
"Donato Hernandez!" at tumayo si Nate. Lalong lumakas ang hiyawan. Nag-apir sina Nate at Edward. Ayaw din ni Nate sa mag ganito. Pero dahil sa yun ang gusto ni Cristy kaya naging game ang binata.
"Sobrang handsome naman ng mga prince ng Brilliant Mind. So that's our princes. Now, for our princesses."
"Cristina Ruiz!" expected na tumayo si Cristy at yumakap ito kay Nate. Hiyawan naman ang mga estudyante. Sa isip ni Cristy, for sure sila ni Nate ang King and Queen.
"Marden Gapasin!" at tumayo ang dalagang tinawag. Naghiyawan din ang mga students di nga lang ganun kalakas.
"Franchesca Elisa Odea!"
Walang tumayo.
"Franchesca?" ulit ng emcee.
Unti-unting itinaas ni Chelsa ang kamay niya. Sobra kasi ang kaba niya at nahihiya siya. Di niya kasi in-expect na mapapasama siya. Although inisip niya rin yun at nangarap na maging King niya si Nate.
"Tayo na!" na-excite na ipinatayo siya ni Carly nang makita ang pagtaas niya ng kamay.
May naghiyawan naman pero may mga nag-boo. Tiningnan pa siya nng masama ni Cristy. Yung mga haters niya parang nag-alburuto. Ang daming side comments na kung ano-ano. Nakangiti namang hinawakan ni Kristan ang kamay niya bilang suporta. Si Nate mukhang nangasim ang mukha nang mapatingin sa kanila.
"Alright! Super pretty naman talaga ng mga princess ng Brilliant Mind Academy!"
Pina-flash sa monitor ang mga candidates. At di pa rin si Chelsa makapaniwala na isa siya sa mga iyon.
"Okay, ladies and gents, write the name of your votes sa papers na nasa table niyo. Nasa monitor ang names ng ating candidates. Then wait for our committee to collect your votes. Vote wisely!"
~~~
AFTER 30 MINUTES, nang makolekta na ang mga boto.
"Okay! Attention, please! We're about to crown our King and Queen for tonight! We have tallied the votes. We have proud to announce our King!
Donato Hernandez!"
Tilian ang mga girls at hiyawan naman ang mga boys. In-escort si Nate ng mga naka-costume na pang-sundalo ng palasyo papuntang stage. Parang tunay na hari lang ang dating, may royal treatment talaga.
Expected na yun ng karamihan, at lalo na si Cristy. Wait there my King! Kilig at excited na bulong ni Cristy sa sarili. At tiningnan pa nito nang nakakalokong tingin si Chelsa.
"Our King, Nate!" pagpapakilala kay Nate ng emcee nang makarating ito sa stage. "What's a King, without a Queen?"
"Tayo na!" excited na pabulong ni Lhyn kay Cristy. Napangiti lang ito na parang kunwari di nag-i-expect.
Pero si Carly sa mga sandaling iyon may ibang ngiti habang nakatingin kina Cristy. Feeler! Sa isip nito at napa-smirked pa.
Si Chelsa naman totally walang expectation. Di nga niya alam kung may ibang bumoto sa kanya maliban sa grupo nina Kristan.
"Our prom Queen!"
"Me! Me! Me! Me!" pabulong nung Marden. Naka-cross fingers pa with two hands at nakatayo na.
BINABASA MO ANG
The Girl From Nowhere
Fantasía~[COMPLETED]~ INIBIG NIYA AKO. INIBIG KO SIYA. PERO BIGLA SIYANG NAWALA. Ganun nalang ba yun? Matapos niya akong paibigin at matapos ang masasayang pinagdaanan namin iiwan niya ako? Ginago niya ako. Ni di ko alam ang dahilan. I REALLY HATE HER! BUT...