CHAPTER 34

5.6K 121 16
                                    

~~~{(> CHELSA'S TALE <)}~~~



AKO SI FRACHESCA ELISA ODEA, 16. Chelsa, na lang. Half human, half fairy. And I am dying.



Kilala niyo na siguro ako. Pero di n'yo pa alam kung sino talaga ako at ang pagkatao ko. Hayaan niyong ikwento ko ang pinagmulan ko. At kung paanong mamatay na ako. Simulan natin sa pagtatagpo ng mga magulang ko.



Si mama ay isang pangkaraniwang babaeng napakamasiyahin. Isa siyang teacher na mahilig sa adventure. Buwan ng Mayo noon nang in-invite siya ng naging classmate niya nung college sa province nito sa Bicol dahil may fiesta doon. Isa iyong isla, ang Catanduanes. Sa baryo ng Igang sa bayan ng Virac sila tumungo. Naisip ni mama mag-trek mag-isa isang araw sa kabundukan doon dahil di naman daw mapanganib sa lugar na yun. Ngunit biglang umulan ng malakas. Pababa na noon si mama nang madulas siya at gumulong pababa sa kakahuyan. Nawalan siya ng malay. At doon siya nakita ni papa.



Si papa ay isang fairy mula sa mundo ng mga diwata. Mundong sa mga kwentong pambata lang nabubuhay, ngunit totoong mundo pala. Isang uri ng 'Fixer' na fairy si papa. Sila ang mga fairy na tumatawid sa mundo ng mga tao para gamutin ang nasisirang kabundukan – mga manggagamot sila. Binubuhay nila ang mga halaman at ginagamot ang mga ilang na hayop na may karamdaman. Labag sa kautusan nila ang magpakita sa mga tao. Pero nang makita ni papa ang walang malay na si mama, nabighani siya sa ganda ni mama. Kaya di na iniwan ni papa si mama.



Pinagbabawal din ang pagtulong ng mga diwata sa mga tao. Dahil maaring ikapahamak ito ng lahi nila. Dahil sakim ang tingin ng mga uri nila sa mga tao at kapag gumamit sila ng powers sa tao labis na manghihina sila. Pero talagang tinamaan si papa kay mama. Kaya di niya naatim na iwan na lang si mama nang basta. Pinagaling ni papa si mama kahit pa maaring buhay niya ang kapalit dahil maaring maubos ang kanyang lakas.



Dahil sa labis na panghihina, di na nagawa ni papa na makabalik sa mundo nila. Nang magising si mama, laking gulat niya nang makita si papa dahil sa antena nito sa ulo at mala paruparong mga pakpak sa likod, medyo patulis ang dulo ng mga pakpak bilang pagkakaiba ng lalaking diwata sa mga babaeng diwata. Inakala ni papa na natakot si mama. Pero hindi – namangha si mama sa hitsura ni papa. Hinawakan ni mama ang mukha ni papa at nakangiting nagpasalamat. Dahil alam ni mama na si papa ang tumulong sa kanya.



"Ano ka?" yun ang unang salitang narinig ni papa mula kay mama.



"Isa akong diwata. Isa akong manggagamot." Nakangiting sagot ni papa.



"Salamat… A-Anong pangalan mo?"       



"Chelo. Ikaw?"



"Melisa…" sagot ni mama at hinaplos niya ang magandang pakpak ni papa. Na ikinatuwa ni papa dahil hindi natakot si mama. "Nakakalipad ka?" tanong ni mama.

                          

"Oo."



"Ang galing!"



"Kaso, nanghihina pa ako. Kaya di ko mapapakita saiyo."



"Dahil ba sa 'kin?" may lungkot sa mukha ni mama.



"Huwag mong sisihin ang sarili mo." nakangiting sabi ni papa.



"Anong powers mo?"



"Powers?"



"Yung mga nagagawa mo?"



"Nanggagamot ng mga halaman at mga hayop. Pinapanatili ko ang kaayusan sa kabundukan at pagkapantay-pantay."



"Nakakausap mo ang mga halaman?" may kislap sa mga matang tanong ni mama.



Pinagtawanan lang siya ni papa. "Kung nakakapagsalita ang halaman, malamang. Kaso hindi. Kaya di ko sila makakausap."



"Ganun? Ba't sa TV? Eh, ang mga hayop nakakausap mo?"



"Hindi rin namin sila nakakausap. Pero nauunawaan namin sila at naiintindihan namin ang kanilang damdamin."

                               

"Ah, ganun lang? Akala ko pa naman."



Natawa na lang si papa kay mama. At natawa na lang din si mama. Doon nagsimula ang pagkakaibigan nila. Itinago ni mama si papa sa mga tao hanggang sa maibalik ang lakas ni papa. Buti na lang mabait ang classmate ni mama at tinulungan din sila nito.



Nang bumalik na ang lakas ni papa, bumalik na ito sa mundo nila. Pero di dun natapos ang pagkakaibigan nila ni mama. Sa pagbabalik ni papa sa mundo ng mga tao, palihim silang nagkikita ni papa. Pagkakaibigang nauwi sa pag-iibigan. Pag-iibigang nalaman ng lahi ni papa at hinadlangan. Dahil ang pag-ibig na yun ay isang mortal na kasalanan.



Pinarusahan si papa, pinutol ang mga antena niya at mga pakpak na halos ikamatay niya. At di na rin siya pinabalik sa mundo ng mga tao. Pero di sumuko si papa. Pinaglaban niya pa rin at pinanindigan ang pag-ibig niya para kay mama. Araw-araw niyang hiniling sa kanilang reyna na payagan siya nitong maging tao. At dahil sa wagas at tapat na pagmamahal ni papa kay mama, naantig ang puso ng kanilang mahal na reyna, na si reyna Kheizhara.



Pinagbigyan nito ang kanilang kahilingan. Pinatapon si papa sa mundo ng mga tao at nabuhay siyang isang pangkaraniwang tao sa piling ni mama. Ang classmate ni mama, wala nang maalala sa katauhan ni papa dahil sa magic dust na pinalanghap dito ng isang diwata. Kaya naging sekreto ang pagkatao ni papa, at sila lang ni mama ang nakakaalam dahil walang bisa kay mama ang magic dust.



Akala nina mama at papa, isang happy ending na ang meron sila. Dahil makalipas ang isang taon, nagsilang ng batang babae si mama, si ate Kheizhara na sinunod nila ang pangalan sa reyna ng mga diwata bilang pasasalamat. Normal si ate, isang pangkaraniwang batang tao.



Makalipas ang tatlong taon, isinilang ako. Dahil nga isang kasalanan ang pag-iibigan nina mama at papa, at tulad ng lahat ng kasalan, dapat may kabayaran. Lahat ng ligaya, may katumbas na kalungkutan. At ako yun. Sinabi na noon ng reyna kay papa na ang pag-ibig ng tao at diwata ay may sumpang katapat. At ako na ang sumpang yun.



Isinilang akong may mga antena at mga pakpak na kulay purple. Dahil nga nasa dugo pa rin naman ni papa ang pagiging fairy niya kaya naging bunga ako. Tuluyan nang naging tao si papa dahil nalipat na sa 'kin ang dugong iyon. At nang isilang ako, di na naging normal ang pamumuhay ng pamilya namin. Naging mailap kami sa mga tao para lang maitago ako. Naging lihim ang pagdating ko sa mundo. Isa akong batang babaeng hindi nag-i-exist. At inakala nilang iyon na ang sumpa.



Lumayo si mama sa mga kamag-anak niya at kakilala. Hanggang sa napunta kami dito sa bahay na 'to kung saan kami nakatira. Imbes na magtago sa liblib na lugar, pinili nina mama at papa sa mataong lugar, sa City. Sa lugar na moderno, kung saan walang mag-iisip na ang tulad ko ay nabubuhay. Malawak ang lupa ng bahay namin at pinataasan ang bakod. Wala rin kaming gaanong kapitbahay at di rin kami kumuha ng kasambahay.



Lumaki akong busog sa pagmamahal at ang pamilya ko lang ang nakikita ko dahil ilag ako sa mga tao. Pero di naman ako takot sa kanila. Marami akong mga katanungan sa pagiging iba ko.



"Bakit ako may pakpak at sungay?"



"Bakit kayo wala?"



"Bakit di ako pwede lumabas ng bahay? Ba't si ate pwede?"



"Ano po ba ako?"



"Pinaglihi po ba ako sa paruparo?"



Yan mga katanungan ko. Pinaliwanag naman sa 'kin nina mama at papa nang maayos ang lahat. Kaya sa murang edad ko, alam ko kung pa'no ako naging iba at dapat di ako makita ng iba. Ipinaliwag din nilang di sungay ang nasa noo ko kundi antena na tulad ng sa mga paruparo. Hindi ko alam kung ano ang function ng mga kakatwang bagay na nakakabit sa katawan ko? Para kasing nakakabit lang ito sa katawan ko. Siguro dahil sa kalahating tao ako, kaya wala itong gamit sa katawan ko. Nasabi rin ni papa na espesyal ako at pinakamagandang diwata na nakita niya dahil ako lamang ang kulay purple na diwata at wala akong katulad sa mundo nila.



Buti may TV at internet kaya naman di ako naging ignorante sa mundo sa labas, at tinuturuan din ako ni mama. Di na siya nagturo pa at ako na lang ang pinagtuunan niya ng pansin. Si papa, dahil sa kaalaman niya sa mga halaman at hayop nagamit niya yun para sa negosyo. Si ate, lumaking may galit sa 'kin. Dahil di rin naging normal ang buhay niya dahil sa sekreto ko. Ni di daw siya makapag-celebrate ng birthday sa bahay at di makadala ng mga kaibigan. At hinigpitan din siya nina mama at papa.



Sa paglaki ko, unti-unting lumiliit ang antena at pakpak ko kaya naman di ko naranasan magamit ang pakpak ko sa paglipad. Ikinatuwa iyon nina mama at papa dahil nagiging normal na ang hitsura ko. Minsan, nakakalabas na ako ng bahay. Pinapasyal ako ni papa sa labas sakay ng kotse. Ang mga sandaling yun ang pinakamasayang araw sa buhay ko. Akala nina mama at papa natapos na ang sumpa. Dahil halos normal na tao na ang hitsura ko.



Pero pagsapit ng 15th birthday ko, may mga paruparong nagsidatingan sa bahay. At iyon pa lang pala ang simula ng sumpa. Dumating ang reyna ng mga diwata mula sa liwanag na nakakasilaw kasabay ng mga purple na paru-paro. Imbes na matakot, natuwa ako dahil sa kagandahan niya. Kulay ginto ang malalapad niyang pakpak sa likod at maging ang kasuotan niya, pati nga ang antena niya. Napakaliwanag niya at talagang ibang-iba ang pagiging diwata niya sa hitsura ko noong may pakpak pa ako at antena – sobrang ganda niya. Pero ang kagandahang yun ay may nakakahilakbot at nakakatakot na balita.



"Sinikap kung pigilan ang sumpa. Ngunit hindi ko nagawa, dahil iyon ang tadhana." Isang musika ang tinig ng mahal na reyna. Tinig na di ko makalimutan. Malamyos na tinig na ang dalang balita ay hilakbot. "Kapalit ng kaligayahan, kalungkutang panghambuhay. Ang ikalawa ninyong anak, Chelo at Melisa ang kabayaran ng inyong kasalanan."



Sa sinabi ng mahal na reyna, nabalot ng iyak ang kabuuan ng aming bahay. Pero ako, di ko pa nun maunawaan.



Lumapit ang mahal na reyna sa 'kin. Nakangiti kong binati siya at hinawakan niya ang kamay ko. "Kung ilan ang bilang ng mga paruparo, iyon na lamang ang mga nalalabi mong araw mo sa mundo. Sa paglipas ng mga araw, unti-unting lalabas ang iyong mga kakayahan. At lilitaw ang tunay mong kaanyuan. At iyon na ang hudyat ng iyong kamatayan." Malungkot ang mukha ng reyna sa balitang ibinigay niya sa 'kin.



Pero ako, nakangiti pa rin. Ngiting unti-unting nawala at nagkaroon ng pagdaloy ng luha mula sa aking mga mata. "Mamamatay ako?" mahinang usal ko. Hanggang sa mawala na lang sa paningin ko ang mahal na reyna kasabay ng pagliwanag niya.



Dahil sa half fairy, half human ako. Walang mundong tatanggap sa 'kin. Ikamamatay ko kapag nanatili ako sa mundo ng mga tao. Dahil magiging lason ang dugo ng diwatang nananalaytay sa mga ugat ko kapag nagtagal pa ako rito. At ganun din kapag pumunta ako sa mundo ng mga diwata, dahil magiging lason din sa ugat ko ang dugo ng tao sa katawan ko. Wala akong choice, kundi tanggapin ang kamatayan ko.



Iba ang kalagayan ko kay papa. Dahil fairy siya na naging tao, walang lason sa kanyang dugo. Sa 'kin meron, dahil nabuo ako sa pinagsamang dugo ng magkaibang uri ng nilalang – ng tao at ng diwata.



At sa mga lumipas na araw, unti-unti ko nang nararamdaman ang lason sa dugo ko. At paunti-unti nang nauubos ang mga paruparo, kasabay ng mga kakayahang nadidiskobre kong taglay ko. Wala ba talagang lunas ang lason na yun? Yan ang lagi kong tanong. Pero di pa rin ako nawawalan ng pag-asa. Pero talagang natatakot ako. Takot na takot. Ayaw kong iwan sina mama at papa, at si ate. Ayaw kong mawala, dahil alam kong sisisihin nina mama at papa ang sarili nila. Pagsisising dadalhin nila habambuhay. Iyon ang sumpa sa pagmamahalan nilang ipinagbabawal.



Kaya naman habang nandito pa ako, pinapaunawa ko sa kanila na wala silang kasalanan. Na nagpapasalamat ako sa buhay nilang ibinigay.



At tuloy ang buhay. Dahil nakaka-inhale, exhale pa naman ako. At bago ako mawala, hiniling ko kina mama at papa na sana maranasan ko naman maging normal na tao. Kaya hiniling kong mag-aral sa labas. Makisalamuha sa mga tao. Makipag-usap at makahanap ng kaibigan kahit panandalian.



At gusto kong maranasang kiligin tulad ng mga napapanood ko sa Korean drama. At gusto ko rin ma-in love. Gusto kong maranasan ang pakiramdama na yun. Ang love na sinasabi nilang pinakamasarap na pakiramdam. Ang love na di mo maunawaan. Ang love na magpapasaya sa 'yo at magpapaiyak. At love na kung bakit may buhay.



At nakilala ko nga si Nate, ang binatang unang nagparamdam sa 'kin ng kilig. At nagpaiyak sa 'kin. Nasaktan na ako dahil sa kanya. At talagang naging napakasaya ko dahil rin sa kanya. Kaya alam kong love na yun. Dahil natatakot na akong iiwan ko siya. At ayaw ko nang bitawan ang kamay niya.



Kaya sana tulad ng mga sumpa sa fairytale, may lunas na katumbas 'to. Ang sumpang nasa dugo ko, sana may makapigil pa nito. Tulad ng true love's kiss sa mga fairytale na kwento.

~~~

PAGLABAS NI MAMA ng kwarto, agad kong ini-on ang cellphone ko. At pinagmasdan ang picture ni Nate na dinowload ko. Hinalikan ko ang lips niya.



"True love's kiss?" biglang kong nasabi nang halikan ko siya at habang nakatitig pa rin sa picture niya.

The Girl From NowhereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon