CHAPTER 79
"Alam mo bang ayaw kong maging astronaut?" tanong ni Nate. Nakahiga na kami para matulog.
"Bakit?" tanong ko.
"Dahil ayaw ko ng space. Kaya alisin mo na yang harang sa gitna natin. Para wala nang space between us." Korni, pero natawa parin ako sa hirit niya. Saan niya kaya napulot yun? Parang narinig ko na kasi yun somewhere.
Ang tinutukoy niyang harang ang mga unan sa pagitan namin. Parang sira, kanina niya pa inaaway ang mga unan.
"Please, tanggalin na natin 'to. Pasikip pa 'to. Mahuhulog na ako," Pamimilit niya.
Natawa nalang ako. "Okay," Sabi ko at inalis ko ang mga unan. Siya pala nag-alis. Di naman siya excited. Tinago niya sa kabinet mga unan na parang isang kurap lang wala na. Bilis niya.
Nakaharap kami ngayon sa isa't isa na magkahawak-kamay. Siguro dahil sa antok at dim na ilaw kaya lumalabo ang paningin ko. Naaaninag ko parin naman ang matamis na ngiti ni Nate.
"Bakit?" tanong niya. Napakurap-kurap kasi ako at bahagyang sumakit ang ulo ko.
"Wala. Naaantok lang ako," Sagot ko.
Humalaik siya sa pisngi ko. "Goodnight. Tulog na tayo," Sabi niya.
"Um," nakapikit na tugon ko.
~~~
Napangti ako pagkagising ko. Wala si Nate sa tabi ko at isang note ang nakita ko. Sticky note na dinikit niya sa ilong ko. Di man lang sa noo o pisngi ko, sa ilong talaga?
~ HI, CHELSA!
HAPPY MONTHSARY!
YUN LANG. BYE!
LOVE, NATE ~
"Parang sira," Sabi ko pagkabasa ko ng notes niya. "Happy monthsary, Nate," Matamis na ngiting sabi ko. Niyakap ko ang note at napahiga sa kama. Kinikilig talaga ako sa lalaking yun. Nang basahin ko ulit ang note habang nakahiga medyo malabo. Siguro nahiga ako bigla kaya lumabo paningin ko.
~~~
(>=~ MONTHSARY DATE ~=<)
Hapon na dumating si Nate. Kaninang umaga paglabas ko ng kwarto may nakita ako ulit na note. 'BAHALA KANA SA PAGKAIN MO. MALAKI KANA. SEE YOU LATER. LOVE, NATE', yun ang nakasulat. Nakakainis. Pero alam kong may plano siya for our monthsary. At di nga ako nagkamali. Pagdating niya, pinapasok niya ako sa kwarto at wag daw ako lalabas. Sumigaw nalang daw ako kung may kailangan. Lalabas daw ako kapag sinabi niya na at dapat naka-dress na ako. At suot yung bagong bili niyang sapatos para sa'kin na dala niya kanina. Couple shoes na para sa'ming dalawa. Converse All Star na purple and blank color, at pinasadyaan niya pa ng tatak. 'Nate' sa sapatos ko. 'Chelsa' sa sapatos niya. Kahapon niya pa daw 'to pinagawa. Kaya pala nawala siya nun at pinaghintay ako.
7:08 pm. Kumatok si Nate. Tumayo ako. Naka-dress na ako. Isang simpleng purple strapless short tulle dress na may butterfly sa waist. At suot ko narin ang sapatos. Perfect for evening party ang dress ko pero naka-sneakers ako. Humarap muna ako sa salamin. Double check sa hitsura ko. Tinali ko pataas ang buhok ko. Pinagmasdan ng maigi ang hitsura ko. Tingin-tingin sa bawat angulo ng mukha ko. Wala akong make up o lipstick o ano paman na nilagay sa mukha ko. Sabi kasi ni Nate mas gusto niya ang natural beauty ko – ang pagiging simple ko. Bago ko buksan ang pinto nagpahabol pa ako ng spray ng grapes scent na pabango.
BINABASA MO ANG
The Girl From Nowhere
Fantasy~[COMPLETED]~ INIBIG NIYA AKO. INIBIG KO SIYA. PERO BIGLA SIYANG NAWALA. Ganun nalang ba yun? Matapos niya akong paibigin at matapos ang masasayang pinagdaanan namin iiwan niya ako? Ginago niya ako. Ni di ko alam ang dahilan. I REALLY HATE HER! BUT...