CHAPTER 75
Sumulpot ako sa harap ni Nate. Nakaupo na siya sa malapad na bato. May luha sa kanyang mga mata at nararamdaman ko parin ang matinding takot sa puso niya. Pinagmasdan namin ang isa’t isa.
“Hi,” luhaang bati ko sa kanya.
“Hi,” sagot niya. Tumayo siya at humakbang palapit sa’kin. Humakbang din ako palapit sa kanya. Yinakap niya ako at mahigpit ko ring niyakap siya. Wala na kaming nasambit na salita, kapwa nalang kaming umiiyak na dalawa.
“Umuwi na tayo,” sambit ni Nate nang maghiwalay ang aming mga katawan sa pagkakayakap at pinunasan niya ang mga luha ko sa magkabilaang-mukha ng kanyang mga kamay.
Umiling ako at hinaplos ko rin ang mukha niya para punasan ang mga luha niya. “Lumayo tayo. Bumuo tayo ng sarili nating mundo. Iwan natin ang lahat. Lumayo tayong dalawa. Tayo lang dalawa.” Pinilit kong ngumiti pero patuloy parin ang pagluha ko.
“Um.” tumango siya. “Tahan na, hah?” nakangiti siya pero lumuluha rin siya tulad ko. Kapwa kami ngayon pinapawi ang luha sa mukha ng isa’t isa. “Aalis tayo. Lalayo tayo sa mundong ‘to. Bubuo tayo ng sarili nating mundo. Mundong atin. Tayong dalawa lang. Ikaw at ako.” Tumango ako at muling nagyakap kaming dalawa.
Habang yakap namin ni Nate ang isa’t isa, may kung anong pwersa na nagpahiwalay sa’min at lumutang kaming dalawa sa hangin. May malakas na hangin na umiikot-ikot sa’min na nagpalipad sa mga tuyong dahon sa aming paligid.
“Chelsa!” nanlaki ang mga mata ni Nate at pinipilit niyang abutin ang kamay ko.
Inaabot ko rin ang kamay niya ngunit mga dulo lang ng aming mga daliri ang nagtatama. “Nate!” tawag ko sa kanya. Di ko alam kung ano nanaman itong nangyayari. Naisip kong baka kagagawan ni Kabahon kaya natakot nanaman ako.
May lumabas na itim na usok sa katawan ni Nate. Nakita kong nasasaktan siya habang lumalabas mula sa katawan niya ang itim na itim na usok na yun. Naalala ko ang sa panaginip ko, katulad iyon nun. Gumapang ang usok patungo sa’kin at pumasok ito sa katawan ko. Napasakit, mainit, mahapdi at tila hinihiwa-hiwa ang mga laman ko. Yun ang nararamdaman ko habang pumapasok sa katawan ko ang usok kaya napapasigaw ako ng malakas habang si Nate paulit-ulit na tinatawag ang pangalan ko.
Biglang nawala ang malakas na hangin nang makapasok ang lahat ng itim na usok sa katawan ko. Bumagsak kami ni Nate sa lupa kasabay ng mga tuyong dahon sa paligid. Paluhod kaming gumapang ni Nate at nilapitan ang isa’t isa.
“Lumayo na tayo. Layuan na natin ang mundong ‘to.” Iyak ko nang yakapin ako ni Nate sa bisig niya. Yinakap ko rin siya.
“Oo. Lalayo na tayo. Iiwan na natin ang mundong ‘to.” Iyak na sagot ni Nate. Isang malaking kalokohan ang pinagsasabi naming dalawa. Pero alam kong kapwa kami ngayon umaasa na may mundong para sa’ming dalawa lang. Mundong hindi na kami muling masasaktan pa.
~~~
> EDWARD’S POV <
BINABASA MO ANG
The Girl From Nowhere
Fantastik~[COMPLETED]~ INIBIG NIYA AKO. INIBIG KO SIYA. PERO BIGLA SIYANG NAWALA. Ganun nalang ba yun? Matapos niya akong paibigin at matapos ang masasayang pinagdaanan namin iiwan niya ako? Ginago niya ako. Ni di ko alam ang dahilan. I REALLY HATE HER! BUT...