CHAPTER 53

5.3K 74 26
                                    

SHIT! ANO 'TO? Sa isip ko. Nablangko ako sa nabasa kong sulat ni Chelsa para sa 'kin. Totoo ba 'to? O baka naman prank lang? Loko yun, hah! Pinapakaba niya ako.O baka extended ng panaginip ko? Baka nananaginip pa rin ako?



PAK! Sampal ko sa sarili ko. Pero shit, masakit! "Haist, shit!" daing ko sa ginawa ko. Napangiti ako sa kalokohan ko habang himas ang mukha ko. Baka jino-joke lang ako nun? Ang kulit kaya ng babaeng yun. "Loko ka, Chelsa, hah." I smirked. Tumayo ako para itapon ang papel sa trashcan na nasa ilalim ng study table.



~NATE, HINDI PALA KITA LOVE. SORRY, MAG-BREAK NA TAYO. SIGURO SIKAT KA SA SCHOOL, KAYA LANG KITA NAGUSTUHAN? PERO DI TALAGA LOVE YUN. AT HINDI KA RIN MASAYANG KASAMA. ITURING MO NA LANG AKO TULAD NANG DATI NA HINDI NAG-I-EXIST. PEACE OFFERING KO NA LANG ITONG ASHTRAY SA PANGGUGULO KO SA INYO NI CRISTY AT NG TROPA MO. ALAM MO MAS BAGAY KAYO NI CRISTY, PROMISE. SORRY TALAGA.

BYE, NATE!~



Yun ang nakasulat sa papel. Tsk! Sinong niloko niya? Alam kong mahal niya ako kaya di niya ako kayang iwan. At ako? Si Nate? Iiwan ng girlfriend? No way! Lagot talaga siya sa 'kin sa Monday. Lakas ng trip niya, hah. Sabihan pa akong di masayang kasama? Siraulo. Humanda kang Chelsa ka. Di kita papansinin. Sasakyan ko ang trip mo. ngiti ko sa isip ko.



"Nate, hijo, okay ka lang?"



"Hah?" Nagulat ako sa tanong ni manang Grace, ang yaya ko na kasabay ko sa pagkain. Kasabay rin namin si manong Billy at ang isa pa naming kasambahay na si ate Jane, at si ate Wendy, ang cook namin. Dahil sila lang ang madalas kong kasama sa bahay kaya gusto ko magkakasalo kami. Ang lungkot naman kasi kumain mag-isa.



"Hindi mo kasi ginagalaw ang pagkain mo. Kanina ka pa nakatulala lang. Okay ka lang ba?"



"Okay lang, po ako." Sagot ko.



"Minsan ka na nga lang dito kumain sa bahay ganyan ka pa." patampong saad ni manang. "Hindi mo ba gusto ang pagkain? Palitan na ba natin ang kusinera natin?" pabiro nito.



"Manang naman," Angal ni ate Wendy. Natawa lang si manang at ang iba.



Napangiti rin ako. "Masarap po. Na-miss ko rin pong kasabay kayo. Kaso busog pa po ako." Tumayo ako. "Tapos na po ako. Gusto ko nang matulog," Paalam ko. Di ko alam kung busog ba ako o wala lang akong ganang kumain? Parang di ko kasi magawang ngumuya.

                                  

"Sir, parang nagiging antukin kayo?" bahagyang ngumiti lang ako sa sinabi ni manong Billy.



"Ayos ka lang talaga?" Pag-aalala ni manang. Sad smile lang ang naging tugon ko. Pinipilit ko lang kasing ngumiti sa nararamdaman ko.



Iniwan ko na sila at tahimik akong naglakad paakyat ng hagdan patungo sa aking kwarto. Pagpasok ko, pabagsak akong nahiga sa kama. Nakatulala lang akong nakatingin sa kawalan. Napabuntong-hininga ako kasabay ng luhang di ko napigilang dumaloy mula sa mga mata ko. Napaupo ako nang sumikip ang paghinga ko kasabay ng kabang nararamdaman ko. Sapo ko ang dibdib ko at napatingin ako sa trashcan.



Tumayo ako at nagpunas ng luha. Pinulot ko sa basurahan ang kapiraso ng papel na tinapon ko kanina. Muli ko yun binasa pagbalik ko sa kama. Yun pa rin ang nakasulat sa papel. Non-reader na ba ako? Yun ba talaga ang nakasulat? Di ba, 'I love you, Nate?'. Shit! Shit, naman talaga. Joke lang naman talaga siguro 'to. Prank niya lang 'to. Baka may hidden camera?



Parang tanga lang! Pinapaniwala ko ang sarili ko na wala lang ang sulat ni Chelsa para sa 'kin. Naniniwala ang utak ko, pero hindi ang damdamin ko. Niloloko ko lang ang sarili ko. Nasasaktan ako. Hindi ko alam kung ano ang iisipin ko? Ito na ba yung kutob ko? Talaga bang nakikipag-break siya? Napahawak na lang ako sa ulo ko at tuluyan na akong naiyak. Gusto kong isiping joke lang talaga yun. Pero hindi, eh. Ang sakit, eh. Napakasakit. Hindi ko talaga alam kung anong mararamdaman ko? Sana sinabi niya na lang nang harapan. Pero handa ba akong marinig sa kanya yun? Ewan, naguguluhan talaga ako. Napaisip tuloy ako. Ganito siguro ang mga naramdaman ng mga naging ex ko nung nakipag-break ako sa kanila sa text? Baka karma ko na 'to? At mas masaklap naman 'to kaysa sa text. At least sa text pwede pa kayong magkausap at pwede mo pang tawagan. Yun nga lang bababaan ka.



Kanina bago ako pumunta sa kusina para kumain, text na ako nang text sa kanya. Pero wala siyang reply. Nang tawagan ko siya di ko ma-contact ang number niya. Muli ko siyang tinatawagan ngayon, pero di ko pa rin siya matawagan. Parang pinapamukha talaga sa 'kin yung mga ginawa ko sa past relationship ko. Kung di ko nga siguro tropa si Cristy sa text din ako sa kanya makikipaghiwalay. Shit naman, oh!



Hindi ko talaga alam kung ano ang iisipin ko? Lupaypay akong nahiga sa kama hawak ang lukot na papel sa kaliwang kamay ko at hawak naman ng kanang kamay ko ang cellphone ko na sinusubukan pa rin tawagan siya. But still out of coverage.



"Bakit mo ba ginagawa 'to? Chelsa, naman… Chelsa?" parang tangang napahagulhol na lang ako. Para akong batang iniwan sa gitna ng dilim. Napaka-clueless ko. Iyak na lang ako nang iyak. At di lang luha ko ang tumutulo pati uhog ko. I really don't know what to do? This is shit!. Talaga bang nagpapaalam siya? Ito ba ang ibig sabihin ng panaginip na yun? Ito ba yun kung bakit siya nagso-sorry dun? Sana panaginip pa rin 'to.

~~~

PAGDILAT KO MALIWANAG na. Agad akong bumangon. Di pa man ako nakakatayo sa kama nakita ko na ang lukot na papel at ang cellphone sa tabi ko. Kinuha ko ang papel – napahinga ako nang malalim nang mabasa ko ang sulat. Hindi panaginip. Totoong nakikipag-break siya. Lupit naman niya. Hindi niya ako love? Dahil lang famous ako kaya siya attracted sa 'kin? Yun lang? Saklap talaga. Nakakablangko ng utak. Ni di ko nga alam kung pa'no ako nakatulog kagabi? At di ko sigurado kung nakatulog ba talaga ako?



"Shit, shit, shit!" shit talaga! Kanina pa ako palakad-lakad lang dito sa kwarto ko. At kanina pa ako tumatawag kay Chelsa pero di ko pa rin talaga siya ma-contact. Nagmadaling lumabas ako ng kwarto dahil walang mangyayari kung tutunganga lang ako.



"Manong Billy, may pupuntahan tayo." Utos ko kay manong at nagmadali akong pumasok sa kotse.

~~~

> EDWARD'S POV <



"SA WAKAS OL na siya." tuwang-tuwa ako. Kanina pa kasi ako nag-aabang sa reply ni AnnieMAZING. Dito na ako natulog kay Nicole kagabi dahil may tinapos akong chapter sa ongoing story ko na, Saving my Sunshine. Kinukulit niya na kasi akong mag-update. Di daw kasi kompleto ang araw niya na di nababasa update ko. Ako naman di kompleto araw ko na di siya maka-chat sa wattpad.



AnnieMAZING: Wew! Tnx sa UD ^____^

Xiunoxku: WC. ANONG GINAGAWA MO?

AnnieMAZING: reading your story. Kaso abala ka. JK ^__-

Xiunoxki: LOL. MAMAYA ANONG GAGAWIN MO?

AnnieMAZING: Magbabasa pa rin. Hehe!

Xiunoxki: HILIG MO TALAGANG MAGBASA, 'NO?

AnnieMAZING: syempre. Alam mo naman ako lalo na kapag mga love story. Kaya mag-ud ka pa mamaya. Kasi kapag sat&sun wala akong ibang ginagawa kundi basahin stories mo.

Xiunoxki: MAKAUTOS! TAMA NA ANG PAGBABASA NG LOVE STORY NG IBA.

AnnieMAZING: hah? bakit?

Xiunoxki: ORAS NA PARA SIMULAN ANG SA'TING DALAWA.

AnnieMAZING: LOL! Sira! Sinasabi mo?

Xiunoxki: LILIGAWAN KITA.

AnnieMAZING: LOL! ^___^ adik!

Xiunoxki: SERYOSO AKO.

.

.

.

.                                                      



Tagal naman ng reply niya. Ayaw niya ba sa 'kin? Parang nakakaramdam ako ng hiya, ah? At nakakaamoy ako ng basted. Tagal ko kayang pinaghandaan maka-segway ng ganung banat. Dapat ba di ko na lang sinabi? Baka nabigla siya? Baka sabihin nun niloloko ko siya? Seryoso kaya talaga ako.



Hindi nga pala ako galit niyan sa chat namin. Sanay lang talaga ako sa caps lock. Nung una ko nga siyang naka-chat na-intimidate siya sa 'kin dahil parang galit daw ako at ang hyper ko daw. Sabi ko naman trip ko lang talaga ang caps lock at intense lang talaga ang pagkatao ko.



Xiunoxki: HEY? ANO NA? BUHAY KA PA?

AnnieMAZING: KINIKILIG AKO! Wag mo nga akong lokohin! Nakakainis ka!

Xiunoxki: SERYOSO NGA AKO.

AnnieMAZING: weh? nakita mo na kaya ako.

Xiunoxki: OO NGA. IKAW SI ANNIE ANG MAY APAT NA PAA.

AnnieMAZING: LOL! Baliw! Kahit pilay ako? Seryoso ka talaga?

Xiunoxki: OO! PAULIT-ULIT? AT SABI KO DI BA WAG MONG MAMALIITIN ANG SARILI MO. NANG MAKITA NGA KITA NASABI KO NA MAY PERFECT PALA SA MUNDO. AKALA KO WALA?

.

.

.

.

                                                               

Nawala na naman siya. Mahina ba internet connection nila, turtle net? O baka di talaga siya naniniwala? Mukha ba akong nagloloko? Siguro sounds like, ganun na nga na parang nang-uuto lang ako? Pero seryoso talaga ako. Nagpaalam narin ako kay Nicole. At talagang napapasaya niya ako. At alam kong love na 'tong nararamdaman ko. Dahil ang love nga para sa 'kin, parang ulan, na bigla na lang dumarating sa di inaasahang panahon. At gusto ko siyang makasamang i-enjoy ang ulan na yun.



Xiunoxki: HEY, ANO NA? KINIKILIG KA PA RIN?

AnnieMAZING: oo! Pero Seryoso ka talaga?

Xiunoxki: OO NGA. PROMISE! CHECK MO PA HEART KO.

AnnieMAZING: bahala ka, papayag ako! Si Edward ka na 'no! aarte pa ba ako? Tsaka crush ko kaya si xiunoxki ^__-

Xiunoxki: DAPAT LANG NA PUMAYAG KA DAHIL BUMUHOS NA ANG ULAN.

AnnieMAZING: nararamdaman ko nga.

Xiunoxki: SASAMAHAN MO AKONG MALIGO?

AnnieMAZING: manligaw ka muna! LOL! ^____^

Xiunoxki: WATCH OUT!



Nung unang magka-chat kami napakapormal namin mag-usap. At puro serious matters ang pinag-uusapan namin about love and heartbreaks. Pero ngayon, ganito na kami mag-usap. Na parang magkaharap lang.



"Bro! Samahan mo ako!" biglang sulpot ni Nate. Nagulat naman ako dun. Ba't ba lagi kong nakakalimutan i-lock ang pinto? Asar!



"Saan? At pa'no mon nalaman na nandito ako?"



"Basta!" at hinila niya ako.



"Sandali! Relax, off ko muna 'to." In-off ko yung laptop. At walang tanong-tanong pa na sumama na lang ako. Mukha kasing may mabigat na pinagdaraanan si Nate? Yung tipong kahit kilitiin mo, di ngingiti.



Habang nasa byahe nag-log in ako sa wattpad app sa cellphone ko para magpaalam kay Annie. Panira naman ng moment ang Nate na 'to. Pero pumayag na lang ako. Dahil alam kong di naman siya magiging ganyan kung walang problema. Parang hinigop niya na ang lahat ng problema sa mundo? At mukhang may balak pa siyang isama pati problema ng universe? Napakalungkot ng hitsura niya. Napakaseryoso. Para siyang munumento na walang emosyon ang mukha. Gusto kong biruin kaso baka manapak.



"Magkwento ka." ako kay Nate, nang ibulsa ko ang cellphone ko. Di niya ako nilingon. May inabot lang siyang lukot na papel sa 'kin. Napayuko siya nang lingunin ko siya pagkabasa ko ng nakasulat dun. Yun pala ang dahilan kung bakit ganyan siya. "Sa kanila tayo pupunta?" tanong ko. Tumango lang siya at inabot ko sa kanya pabalik ang papel. May pinagdaraanan nga. sa isip ko.



"Ano sa tingin mo? Expert ka rito, di ba? Seryoso ba siya?" tanong niya sa 'kin. Parang iba ang kausap ko ngayon. Parang di si Nate. Sa boses niya pa lang malalaman mo nang napakalungkot niya at nasasaktan siya. Na anumang segundo dadaloy ang luha sa mga mata niya.



"Mas mabuting magkausap muna kayong dalawa." payo ko lang at tinapik-tapik ko siya sa balikat bilang suporta. Alam ko ang pakiramdam nang maiwan. Alam ko kung gaano kasakit yun. Dahil halos taon kong naramdaman ang pakiramdam na yun. Lalo pa't tunay kang nagmamahal.



Narating namin ang isang subdivison.



"Sigurado kang iisa-isahin natin ang lahat ng bahay rito?" di makapaniwalang tanong ko kay Nate pagkapasok namin ng gate sa subdivision kung saan nakatira ang ninang niyang duktor na kung saan din daw nakatira si Chelsa.



"May iba kang naiisip na paraan? Kailangan ko siyang mahanap, bro. Kailangan ko siyang makausap."



"Pero sabi ng ninang mo pati na yung guard walang Odea family dito."



"Pero dito siya nagpahatid. Sabi niya pa kagabi, malapit lang ang bahay nila rito. Mula sa gate, lalakarin na lang daw niya. Baka bagong lipat lang sila rito? O kaya nakikitira lang sila sa kamag-anak nila na taga-rito?" Di na lang ako kumibo at napabuntong-hininga na lang ako. Lumabas na siya ng kotse at sumunod ako. Kung di pa namin sisimulan ang paghahanap sa bahay nina Chelsa baka umagahin pa kami sa pag-isa-isa sa mga kabahayan dito. Ang laki kaya ng subdivision na 'to.



Bago kami papasukin ng mga guard, tinawagan muna ni Nate ang ninang niya na president ng homeowners dito para payagan kaming maghanap. Yung ninang niya na mismo ang nakiusap sa mga gwardya na papasukin kami. Pina-escort-an pa kami sa isang guard na nagsabing wala siyang kilalang Odea family rito. Halos lahat daw na pamilya na dumadaan sa gate na kung saan kami pumasok na sinasabi ni Nate na pinasukan ni Chelsa nang ihatid nila ito ay kilala ng gwardya. Maging ang ninang ni Nate sinabi na walang Odea rito. Pero siya, nagpupumilit pa rin. At sumang-ayon din naman kasi si manong Billy sa kanya na talagang dito nila hinatid si Chelsa kagabi. Iba ang naka-duty kagabi kaya di makilala nung tatlong guard na on duty ngayon si Chelsa nang ipakita namin ang picture nito.



Nagsimula kaming maghanap. Nag-doorbell kami sa bawat bahay at nagtanong. Si Nate, ang sigasig niya sa paghahanap. Di ko akalain magkakaganyan siya sa isang babae. Pati si manong Billy pinarada muna ang kotse at tumulong din. Maging yung gwardya na kilala ang mga nakatira rito nagtanong-tanong pa rin sa bawat bahay baka sakaling nakikitira lang ang pamilya nina Chelsa sa isa nga mga bahay rito.



Halos dalawang oras na kaming naghahanap wala pa rin, at walang nakakakilala sa pamilya Odea. At kung pagbabasihan ang sinabi ni Nate na sinabi ni Chelsa na lalakarin na lang nito mula gate ang bahay nila, malayo na 'tong narating namin. Napaupo na kami sa gilid ng kalsada nina manong Billy at manong guard para magpahinga at uminom ng tubig dahil sa pagod. Pero si Nate, walang pagod na nagtatanong-tanong pa rin sa mga kabahayan. Ganun na pala katindi ang pagmamahal niya kay Chelsa. Hindi talaga ako makapaniwala na ginagawa niya yan. Almost a week pa lang ang relationship nila pero ganyan na pala kalupet ang pag-ibig niya. Pero sabagay, di naman talaga masusukat ang pagmamahal sa tagal o ikli ng inyong pinagsamasahan. Nasa nararamdaman ninyo yan. Pero bakit ba nagawa ni Chelsa yun? Naramdamam ko naman kasing mahal niya talaga si Nate. Kaya nga hinayaan ko lang sila at di ako nakiayon sa tropa na paghiwalayin sila. May naaamoy akong matinding rason sa hiwalayan ng love story na 'to.



"Pag-ibig nga naman," Biglang sambit ni manong Billy habang sinusundan namin ng tingin si Nate.



"Parang gate. May papasok, may lalabas. Minsan naman wala, nganga," Banat ni manong guard. Natalbugan yung ulan ko dun, ah.



"Haay…" sabay-sabay namin bagsak ng balikat.



Balik sa paghahanap. Yung dalawa magkahiwalay na naghanap. Ako naman sabi ni manong Billy samahan ko na lang si Nate.



"Bro, pahinga ka muna." Ako kay Nate at inabutan ko siya ng tubig.



"Okay lang ako. Di pa ako pagod." Pilit ngumiting sagot niya. Yung mga mata niya parang maluluha na.



"Di pagod? Eh, halos naligo ka na sa pawis. At parang di mo na rin mahakbang ang paa mo, huh?"

             

"Ayos lang talaga ako." Tinalikuran niya ako at nag-doorbell siya sa katapat bahay.



"Ano po yun?" tanong ng nakaunipormeng kasambahayn na nagbukas ng gate.



"Dito po ba nakatira ang pamilya Odea?" tanong ni Nate.



"Hindi po, sir. Valdez po ang nakatira rito. Bakit ho?"



"Kilala n'yo po ba siya?" tanong ni Nate at ipinakita ang picture ni Chelsa sa cellphone niya.



"Hindi po, sir." Iling nito.



"Pero nakikilala n'yo po ba siya? Nakita ninyo na po ba siya? Baka po natatandaan n'yo siya?" insist ni Nate. Umiling lang ang ale at humingi nang paumanhin bago isinara ng gate. Naaawa na talaga ako sa ginagawa niya. Inalalayan ko siya nang napasandal siya sa gate na parang babagsak na siya sa pagod.



"Tama na kasi. Magpahinga ka na. Siguro di talaga siya nakatira rito. Pa'no kung nagsinungaling lang siya? This is crazy, bro. Ilang oras na tayong naghahanap!" Medyo napalakas na ang boses ko. Napaupo siya sa semento at napabuntong-hininga na lang ako. "Para tayo nitong naghahanap ng babaeng di magkaka-crush sa 'tin." Pabiro ko at naupo na rin ako sa tabi niya.



Bahagya siyang ngumiti pero agad din sumeryoso. "Naisip ko naman yun. Na baka hindi talaga siya rito nakatira. Na niloko niya lang ako. Pero gusto ko pa rin magbakasakali."



"Sa Lunes mo na lang kasi siya kausapin."



"Naisip ko rin naman yan. Pero bro, Sunday pa bukas. Tapos mamaya maggagabi pa. Mababaliw na ako, eh. Di ko na alam ang iisipin ko? Ewan ko, pero pakiramdam ko nauubusan na ako ng oras? Yung piling na baka di ko na siya muling makita. Pa'no kung di siya pumasok? Nahihirapan na akong huminga. Gusto ko na siyang makita. Siya lang ang gamot nito, eh." Napaluha na siya. Alam ko ang pakiramdam na yun. Yung pakiramdam na wala ka nang ibang gustong gawin o mangyari kundi ang makita ang mahal mo. Dahil pakiramdam mo di mo na siya ulit makikita. Na parang nauubusan ka na ng oras. Na nagwi-wish ka na sana totoo ang mga wishes para mag-wish ka na makita mo siya. Nakakatawa lang isipin, para kasing ang bata pa namin para sa heartbreak. Pero wala naman talagang pinipiling edad ang pag-ibig. Kapag tinamaan ka, nalintikan na.



"Okay. Naintindihan ko." Nakangiting sabi ko at tumayo na ako para magsimulang maghanap. Uminom siya ng tubig at muli na rin tumayo. Inabot ko sa kanya ang kamay ko para tulungan siya.



Nauna siyang maglakad sa 'kin. Napansin ko na iba na talaga ang paglakad niya. Na parang pinipilit na lang niyang humakbang? Ilang hakbang pa lang ang nagagawa niya, natunugan kong matutumba siya. Buti mabilis ang kilos ko at nasalo ko siya at naalalayan. Nawalan siya nang malay at agad kong tinawagan si manong Billy.

~~~

"ANO BANG NANGYAYARI sa pinsan mong yan?" usisa sa 'kin ng ninang ni Nate na duktor. Dinala namin siya sa clinic nito dahil ito na ang pinakamalapit mula sa subdivision pinanggalingan namin.



"BH." Sagot ko.



"BH?"



"Broken hearted po."



"Aba, basag hampuso?!" nanlaki mga nito. Napangiti na lang ako.



"Basag na basag, ma'am." Singit ni manong Billy.



"Tsk! Haist!" sinamaan kami nang tingin ni Nate. Pinag-uusapan kasi namin siya na parang wala sa harapan namin. Nang dalhin namin siya rito sa clinic ilang minuto lang nagkamalay na siya. Nagpumilit pa nga na bumalik kami sa subdivision pero pinigilan na ng ninang niya dahil kailangan niya ng pahinga. Nakahiga pa rin siya ngayon. Na halata naman na di pa kakayanin ng katawan niyang maglakad pa.



Sabi ng ninang ni Nate dahil sobrang pagod daw kaya na-over fatigue siya. At mukha rin daw wala pa siyang tulog base sa hitsura niya. Sabi pa ni manong Billy, wala rin daw halos laman ang tiyan niya mula pa kagabi. Di raw nag-almusal at di rin nag-lunch. At kahapon sabi niya naulanan sila ni Chelsa. Kaya nga ngayon may mild fever din siya. Yun ang reason kaya di kinaya ng katawan niya kaya siya nahimatay.



"Tsk, tsk, tsk." Ako at napa-crossed arms pa.



Nag-crossed arms din ang ninang niya. "Pag-ibig nga naman." Sambit nito.



"Parang kotse. Aandar, hihinto. May malas pang mabubunggo." Banat ni manong Billy na naka-crossed arms din. Nagpigil kaming tatlo ng tawa. Si Nate napasimangot at tiningnan kami uli ng masama, tapos tumagilid patalikod sa 'min. At di na namin napigilan ang matawa. Padabog na lang si Nate napatakip ng unan sa ulo niya.



Nagkatinginan na lang kaming tatlo nang mapansin namin ang pag-iyak ni Nate. Kita ang paggalaw niya sa ilalim ng kumot at mahinang naririnig ang paghikbi niya. pilit niyang iniiwasang di gumawa ng ingay. Yun nga lang, ang sakit ng maiwan ang isa sa mga bagay na di mo maitatago.



Pero pansin ko lang, kapag pag-ibig ang pinag-uusapan ang dami natin alam. Kanina si manong guard. Tapos ngayon si manong Billy. Hay, pag-ibig nga naman. What is love? Parang universal charger, panlahatan.

~~~

"TAGAY TAYO?" YAYA sa 'kin ni Nate pagkauwi namin sa bahay nila.



"Tagay ka d'yan. Uminom ka nang gamot, kaya tumigil ka. Yung gamot mo laklakin mo." ngisi ko.



"Okay na ako. Tsaka paracetamol lang naman yun." At nagpupumilit pa.



"Okay? Kanina nga halos di ka makaakyat dito sa kwarto mo mag-isa. Ang gawin mo, kumain ka, tapos magpahinga ka, matulog ka. Yun ang sabi ng ninang mo, di ba? Gusto naman kitang damayan, bro. Basta pagaling ka muna nang maayos. Libre pa kita."



"OA lang yun si ninang. Tsaka kahit wag mo na akong ilibre." Tsk, nagyabang pa.



"OA? Nahimatay ka, OA? Dun ka na lang talaga kaya tumira sa ninang mo?"



"Ayaw ko dun. Ang kulit kaya nun. Parang si mama lang. Mag-bestfriend nga sila." Smirked niya. Napangiti na lang ako. Makulit nga ninang niya. Kanina bago kami umuwi inalok siya ng ninang niya na dun na lang muna tumira sa bahay nito. Pero tumanggi siya. Sinabi rin niya na wag nang ipaalam sa mama at papa niya ang nangyari dahil ayaw niyang mag-alala ang mga ito. Total naman daw maayos na siya. Inalok ko siyang dun na lang muna siya sa 'min ayaw niya rin. Tiyak daw na magsusumbong si mommy kina tita.



"Magtanong na kaya tayo sa mga classmate natin? Baka may isa man lang sa kanila na may alam sa bahay ni Chelsa? O kaya telephone number ng bahay nila?" suggest ko nang mapansin kong tumamlay na naman ang hitsura niya.



"Wag na. Isyu na naman yan. Sa 'ting dalawa na lang 'to. Kahit sa tropa wag mong sabihin."



"Okay." Sabi ko "Maiba ako. Kailan mo ba balak kausapin ang tropa?"



"Sila ang di kumausap sa 'kin. Sila ang dapat lumapit."



"Ang pride nga naman. Parang tsinelas, hirap lunukin." Parinig ko.



"Siraulo, nilulunok ba ang tsinelas?"



"Kaya nga parang pride, di mo malunok." Tumayo na ako para magpaalam. "Bro, iwan na kita. May gagawin pa ako."



"Inom tayo!" nagpumilit pa.



"Magpahinga ka!" sigaw ko. Lumabas na ako ng kwarto at isinara ang pinto. May sinabi pa siya pero di ko na narinig. Manliligaw pa kasi ako kaya kailangan ko nang umuwi.



Sarap talagang uminom kapag broken hearted ka. Kaso di maganda ang pakiramdam niya kaya wag pilitin. Pero minsan kapag broken hearted ka, masarap din mapag-isa lang. Para malabas mo ang sakit na nararamdaman mo. Pati na lahat na pwede mong ilabas. Alam kong kailangan niya yun ngayon, ang mapag-isa. Kapag umibig ka, dapat handa ka na rin masaktan. Dahil tulad ng ulan, hihinto yan.



What is love? Parang sakit. Na kapag nasaktan ka, parang unti-unti kang pinapatay.

The Girl From NowhereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon