CHAPTER 63
“Nate, may sasabihin ako.” Naglalakad na kami papuntang classroom nang bigla kong hinila si Nate. May 20 minutes pa naman bago mag-time. Dinala ko siya sa rooftop. Kailangan ko nang sabihin sa kanya ang lahat. May takot ako sa pwede niyang maging reaksyon, pero kailangan niyang malaman ang lahat para mas maipagtanggol ko siya.
Lumayo ako ng konti sa kanya at huminga ako ng malalim para hugot ng lakas ng loob. Nakakunot-noo siya. Malamang nagtataka siya sa kung anong sasabihin ko. Hindi ko kasi maitago ang worry ko. May 3% kasi sa 100% na nagsasabing wag kong ipagtapat. Pero syempre, para maihanda ko siya sa mga posibilidad na mangyari, kailangang alam niya ang lahat para makapag-ingat siya. At dapat ko siyang ihanda sa nalalapit kong pagkawala. Dahil ayaw kong mawala ng basta. Ayaw kong kamuhian niya ako sa kabilang-buhay. Dati gusto ko nalang mawala nang wala siyang alam, pero naiisip kong mas masasaktan siya at baka hindi na siya muling magmahal. Baka hindi na siya muling magtiwala sa pag-ibig.
Pinukol niya ako ng ‘what? look’ nang nakataas ang mga kilay niya. “Okay,” panimula ko. “Wag kang mag-freak out, okay?”
“Okay.” tumango-tango siya nang nakakunot ang noo.
NATE.
Tinawag ko siya sa isip ko na nakatingin sa mga mata niya.
“Woah?” nagulat siya. “Tinawag mo ako?” tumango ako.
NATE, HI.
“Woah, astig!” lumiwanag ang mukha niya na parang na-excite pa. “Kaya mong makipag-usap sa pamamagitan ng isip?” tumango ako. “Shit, astig! Professor X?” talagang natuwa siya? “Nababasa mong isip ko ngayon?” mas lalong nagliwanag ang mukha niya. Di man lang ba muna siya magtataka?
“Hindi. Kaya ko lang makipag-usap sa isip pero di ako mind reader. Di ko kayang basahin o malaman ang iniisip ng iba.”
“Pero astig parin.” Ngiti niya pero kitang medyo na-disappoint siya.
HI, CHELSA! TESTING, TESTING! NARIRINIG MO?
HI, NATE! NARIRINIG KO.
Lumapit siya sa’kin na tuwang-tuwa. “Ang galing! Mutant ka?” umiling ako. “Pero may powers ka talaga?” tumango ako. Tapos para siyang tatalon sa tuwa. “Ang astig ng gf ko.” At tumalon nga.
“Hindi ka natatakot? Hindi mo ako tatawaging freak?” tanong ko. Di ako makapaniwala sa reaksyon niya.
HINDI. AYOS NGA, EH. DI KO NA KAILANGAN MAG-LOAD. AT ISA PA, LOVE KITA, EH.
Nakangiti niyang sagot sa isip niya. Pero bigla siyang sumeryoso at tiningnan ako na may malaking katanungan, na ewan ko kung ano. “So, talagang kinausap mo ako nun? Yung akala kong nababaliw na ako, dahil naririnig ko sa utak ko ang boses mo?” awkward na tumango ako. Alam ko ang tinutukoy niya, yung araw na una kong na-discover ang powers kong ‘to at yung mga pangyayaring di ko napigilan na sitahin siya sa utak ko na nasabi ko sa kanya sa isip ko. “Haist!” smirked niya at pinitik niya ako sa noo. Napa-aray naman ako at sinamaan siya ng tingin. “Alam mo bang talagang akala ko nababaliw na ako nun!” napangiti nalang ako.
BINABASA MO ANG
The Girl From Nowhere
Fantasia~[COMPLETED]~ INIBIG NIYA AKO. INIBIG KO SIYA. PERO BIGLA SIYANG NAWALA. Ganun nalang ba yun? Matapos niya akong paibigin at matapos ang masasayang pinagdaanan namin iiwan niya ako? Ginago niya ako. Ni di ko alam ang dahilan. I REALLY HATE HER! BUT...