***FLASHBACK
MATAPOS NAMIN MAG-USAP ni Chelsa, parang napakagaan ng lahat. Ang saya lang. Pero kailangan ko munang iwasan siya. Kailangan ko munang ayusin ang lahat sa 'min ni Cristy.
Habang nasa klase, suot niya pa rin yung straw na tinali ko sa buhok niya. Pero parang nagsisi naman ako ng kunti dun – para kasi siyang tanga. Lalo tuloy siyang pinagtawanan.
At di niya talaga inalis hanggang uwian.
~~~
KINABUKASAN, DI KO na siya pinansin. I treat her as if she never exists. Kailangan kong gawin yun. Ayaw kong maging unfair sa kahit kanino sa kanila ni Cristy. Girlfriend ko si Cristy – pero siya ang laging nasa isip ko at laman na rin siya ng puso ko. Siya ang nasa isip at puso ko – pero si Cristy ang girlfriend ko.
At my young age, siguro may mga dapat pa akong matutunan o malaman about love. Pero alam ko naman na dapat isa lang. Di dapat pinagsasabay ang mga babae. Sa mga kaedaran ko dyan! Mas astig kapag, one woman man.
Pagpasok ko pa lang ng classroom napansin ko na siya sa upuan niya, nakatali ang buhok niya. Ngumiti siya sa 'kin – pero di ko siya pinansin at naupo lang ako sa tabi ni Cristy.
Natapos ang klase ng araw na yun na di ko man lang siya tinitingnan. Pero minsan napapansin ko siya, parang nagpapansin naman kasi? Pasimple na lang akong napapangiti.
Nakita kong hinila ni Joyce ang buhok niya nang uwian na. Narinig ko ang pag-aray niya – pero binalewala ko lang. Dinaanan ko lang siya.
~~~
KINABUKASAN, SAME ROUTINE. Binalewala ko lang siya. But I already decided that day.
Uwian na – naglalakad kaming buong tropa palabas ng gate para tumambay muna kay Nicole. Nasa unahan namin naglalakd si Chelsa. Nakatingin lang ako sa kanya sa malayo at pasimple akong napapangiti. Nakatali ang buhok niya gaya nang sabi ko sa kanya – at buti naman di na yung straw.
"Cristy, can we talk?" ako at sumenyas ako sa kanya. Sumunod naman si Cristy. Humiwalay kami sa tropa at nauna na silang pumunta kay Nicole.
~~~
HALOS FIVE MINUTES na kaming nandito sa coffee shop. Naka-order kami, I ordered iced coffee at iced mocha kay Cristy. Di ko pa rin masabi ang dapat kung sabihin. I hate to do this – but I have to.
"I'm sorry." Pagsisimula ko.
"For what you did in prom?"
"I already said sorry about that."
"So, tungkol saan 'to?"
"I'm sorry," bakas ang pagtataka sa mukha niya. "I think I fall out of love." diretso akong nakatingin sa mga mata niya nang bitawan ko ang mga katagang yun.
"Fall out of love? Sa 'kin?" nakita ko ang galit sa mga mata niya. Napuna ko ang pagkuyom ng mga palad niya. Muli ko siyang tiningnan ko siya mata sa mata at tumango ako. "Dahil ba 'to sa di ko pagpansin sa 'yo this past few days?" naguguluhang tanong niya.
"No. Pero nakatulong yun para ma-realized ko kung ano talaga ang tunay na nararamdaman ko."
"What do you mean?"
"I'm falling in love with someone."
"And that someone is Chelsa?" madiing sabi niya na para nang ibabato sa 'kin ang baso ng inumin niya.
Tumango lang ako. Ayaw kong makita siyang ganito. Pero alam kong lalo ko lang siyang sasaktan kapag pinatagal ko pa. At magiging unfair lang ako sa kanila ni Chelsa at sa sarili ko mismo.
"That freak?!" pasigaw niya.
"She's not freak." sagot ko.
"Whatever!" talagang galit na siya.
"Maging magkaibigan na lang tayo." Diretsong sabi ko.
"You're breaking up with me?!" muling pasigaw na tanong niya. Buti walang gaanong tao at nasa dulo kami. Haist! Dyahe 'to!
"Yes." Muling paglilinaw ko na nakatingin sa mga mata niya.
"Is that for real, Nate?" matigas na pagkakasabi niya na may nagbabadyang pumatak na luha sa mga mata. Pero ngumiti pa rin siya na halatang nagpipigil ng galit. Tumango ako. "Miss, may tubig kayo? Yung malamig na malamig?" tanong niya sa dumaan na service crew sa tapat namin.
"Wait po, mam." Sagot naman nito.
Pagbalik ng service crew sa table namin may dala na itong isang basong tubig na puno ng yelo. Nilapag nito ang baso sa tapat ni Cristy at agad naman na itong umalis.
Akala ko iinumin niya yung tubig para mahimasmasan siya sa pagkabigla. May clue na siguro kayo kung ano ang ginawa niya? Bingo! Binuhos niya sa 'kin ang isang basong tubig na puno ng yelo. Talagang nanginig ako sa lamig. Ano 'to, ice-bucket challenge? Haist!
"Oh, shit!" mahinang nasambit ko habang binubuhos sa 'kin ang tubig.
Di ako nagsalita pagkabuhos niya sa 'kin ng tubig. Ngumiti ako sa kanya, na parang sinasabi kong, ayos lang, di ako galit sa ginawa mo. Kinuha ko na lang ang panyo ko sa bulsa at nagpunas ako. Tapos sipsip ako sa in-order ko. Di ko kasi alam ang magiging reaksyon ko. Brain freeze! Medyo nakaramdam ako ng hiya. Alam kong pinagtitinginan na kami ng mga tao ngayon sa loob ng coffee shop.
Inabutan din ako ng tissue ng service crew na umalis din agad nang tingnan ng masama ni Cristy.
"Ubusin mo na yan, para makaalis na tayo." Malumanay na sabi ko na ang tinutukoy ko ay ang order niya. Naubos ko na kasi yung order ko.
Tahimik lang siyang tumayo at di ako pinansin. Tumapat siya sa 'kin at kinuha ang iced mocha niya. Di ko alam na ganun siya kaeskandalosa. Ayun, binuhos niya sa ulo ko yun. Haist! Ano 'to, iced mocha-bucket challenge naman?
"Ayan, ubos na. Tara na! Nate!" sarcastic siyang nakangiti at nauna na siyang lumabas.
"Miss, pahinging tissue." Nakangiting pakiusap ko sa service crew.
"Ayos lang kayo, sir?" tanong nito nang inabot sa 'kin ang tissue.
Tumango ako. "Fresh!" pabiro ko. "Buti pala, di mainit na kape in-order ko." Nasabi ko habang nagpupunas ako. Ngumiti na lang ang service crew na halatang naawa sa kalagayan ko.
"Cristy, wait!" ako nang sundan ko si Cristy sa labas ng coffee shop. Hinawakan ko siya sa braso – pagharap niya sa 'kin umiiyak na siya.
"What?!" sigaw niya.
"Sana, wag mong idamay si Chelsa rito. Pakiusap lubayan n'yo siya."
"Ang kapal mo! Hinabol mo ako para dyan? Para sabihin yan?!"
"I'm sorry." Sincere na paghingi ko ng tawad. Ayaw ko talaga siyang saktan – pero ayaw ko ring maging unfair sa kanya.
"I hate you, Nate!" Tinanggal niya pagkakahawak ko sa kanya. "I'll make sure, na magiging hell ang buhay niya sa natitirang araw niya sa high school!" madiin na banta ni Cristy at nagmadali na siyang umalis.
Di ko na siya sinundan – alam kong galit siya. Pero pinagdarasal ko pa rin na walang mabago – lalo na sa samahan ng tropa. Naramdaman ko na parang ang bilis ng lahat. May side na parang di ako makapaniwala. May side na okay na dahil nagawa ko na.
***END OF FLASHBACK
~~~
"ANO NA? BA'T di ka magsalita?" tanong ko kay Chelsa nang matapos ang kwento ko. Ang tahimik niya kasi.
"A-Anong, sasabihin ko?"
"Haist! Di matuwa ka."
"Bakit?"
"Dahil available na ako. Gusto mo ako, di ba?" Nagkatinginan kami. "Nung Monday – tinanong mo ako kung may pag-asa ka? Ang sagot ko, may girlfriend ako. Ngayon wala na. Wala kang itatanong?"
"Anong itatanong ko?"
"Haist! Itulak kita dyan, eh!" napalakas boses ko.
"Bakit ka nagagalit?"
"Di ako galit!"
"Ako ba ang dahilan?" tanong niya.
"Hmm? Medyo. Pero, talagang nawala na yung love ko sa kanya. Di ko alam kung kailan nagsimula? Pero di ikaw ang dahilan nun. Nagkataon lang na dumating ka."
"May pag-asa na ba ako?"
Napangiti ako. "Pag-iisipan ko."
"Sira!" ngiwi niya.
"Papayag ka bang maging girlfriend ko?" biglang tanong ko.
"H-Hah? Nanliligaw ka?"
Natawa ako. "Ako? Manliligaw sa 'yo?" tumango siya. "Sasagutin mo ba ako?" diretsong tanong ko.
"O-Oo." Nahihiyang sagot niya at napatingin pa siya sa malayo.
"Yun naman pala. Di tayo na!"
Gulat na napatingin siya sa 'kin. "Ang bilis naman! Di ka pa nga nanliligaw! Ano ako, kaladkarin?"
Natawa naman ako sa sinabi niya. "Okay. Ibigay mo sa 'kin ang address n'yo. Mamayang gabi rin, aakyat ako ng ligaw."
"H-Hah?"
"Liligawan kita sainyo. Magpapakilala ako sa parents mo."
"Hindi pwede!" napalakas ang boses niya.
"Bakit? Ayaw mong ligawan kita?"
"Dito na lang tayo magligawan sa school!"
Natawa. "Ang weird mo talaga."
"Di kasi sila papayag."
"Strict ba sila? Ako ba ang first boyfriend mo, if ever?"
Tumango siya. "Eh, ikaw. Nakailang girlfriend ka na?" tanong niya.
"Di ko na maalala?"
"Hah? Forth year ka pa lang kaya – marami ka nang naging girlfriend?" gulat na tanong niya. Siguro akala niya si Cristy pa lang nakarelasyon ko?
Kibit-balikat lang ako na parang sinasabing, well gwapo. Hinampas niya ako sa braso. Natawa ako, at inalok ko sa kanya ang kamay ko.
"Ano yan?" tanong niya.
"Hawakan mo."
Dahan-dahan niyang inabot ang kamay ko – at mahigpit kong hinawakan ang kamay niya. Napabuntong-hininga ako – napakagaan ng pakiramdam ko. Iba talaga ang tama ko sa babaeng 'to! Nasabi ko sa isip ko habang nakatingin ako sa kanya. Mababakas din sa mukha niya ang saya. "Handa ka ba sa mga consequences na maaring mangyari? Hindi ka ba matatakot? Hindi mo ba bibitawan ang kamay ko?" tanong ko. Haist! Ewan kung saan ko ba hinugot ang mga ka-OA-han kong 'to?
"Basta hawak ko ang kamay mo – okay ako." Sagot niya at humigpit din ang pagkakahawak niya sa kamay ko.
"Yung pangbu-bully nila – ako na ang bahala dun. Kakausapin ko sila. Hahanap lang ako ng tyempo. Kaya tiis-tiis ka muna."
Napangiti siya. "Masama talaga ang loob ko. Nagagalit ako. Pero dahil sa 'yo, dahil hawak ko ang kamay mo – maayos na ako." Lalong humigpit ang hawak namin sa isa't isa.
Nakatingin kami sa malayo habang magkahawak kamay. Parang napakaganda ng umagang 'to. Napakapayapa at napakagaan lang. Sa kanya ko lang talaga naramdaman 'to. At ilang sandali pa, narinig na namin ang bell. Tumayo kami na magkahawak pa rin. Naglakad kami papuntang pinto – pero bigla niya akong binitawan.
"Bakit?" tanong ko.
"Hindi pa tayo, di ba?" sabi niya.
"At talagang magpapaligaw ka pa?" natatawang tanong ko.
Sumimangot siya at hinampas ako sa braso, at nauna na siyang naglakad. Dapat siguro ihanda ko ang sarili ko sa babaeng 'to. Mukhang mabubugbog ako ng hampas nito? Sinundan siya pero di ko na siya hinabol. Naglakad lang akong nakasunod sa kanya pababa ng hagdan. Pinagmamasdan ko lang siya – di maalis ang ngiti sa labi ko. Talagang napakasaya ko.
Hanggang maglakad kami sa hallway papasok ng classroom – nakasunod lang ako sa kanya at pinagmamasdan siya. May mga estudyanteng nadadaanan kami, pero balewala yun. Pakiramdam ko kami lang ang tao sa lugar na 'to. Hanggang sa makapasok na siya sa room. Ako naman dumaan sa front door dahil nasa unahan ang upuan ko.
Wala pa ang buong tropa at si Cristy – mukhang sila na lang ang kulang sa klase. Bago ako naupo, nag-smile pa ako sa kanya, at gumanti naman siya. May mga bulungan sa loob ng classroom – pero binalewala ko na lang. At alam kong balewala din yun sa kanya. Wala naman kaming ginagawang masama. Dahil ang alam ko, walang masamang sundin kung ano ang nararamdaman mo, hangga't wala kang nasasaktan o naaagrabyadong ibang tao.
Sabi niya nga, masyadong maiksi ang buhay. Tama, life is too short para maging malungkot lang. Choice ng tao kung gusto niyang maging masaya o malungkot. At pinipili kong maging masaya.
Nagsimula na ang klase – pero wala pa rin ang tropa. Di ko alam kung nasaan sila, nakapatay kasi cellphone ko hanggang ngayon.
Ilang sandali pa, dumating na rin silang magkakasama. Nag-smile ako sa kanila, pero tiningnan lang nila ako. Naupo na sila, at naupo si Cristy sa tabi ko. Akala ko lilipat siya ng ibang upuan at dahil galit siya, iiwasan niya ako. Gusto kong balewalain muna ang narinig ko sa roof top. Alam kong galit siya. Hahanap lang ako ng tamang pagkakataon.
"Good morning." Nakangiting bati ko kay Cristy.
"Good morning." Tugon niya pero di niya ako tiningnan.
Nilingon ko ang iba, ngumiti ako sa kanila, pero tiningnan lang din nila ulit ako. Si Lhyn, she just rolling her eyes. Sina Karl, Kyle at Zab yung mga tingin nila parang sinasabing, nakaka-disappoint ka. Si Jasper, alam kong galit 'to. Poker face niya akong tiningnan saglit tapos tingin na siya sa board. Si Edward, tumango sa 'kin. Alam kong sa buong tropa, siya lang nakakaintindi sa 'kin.
Ang awkward ng piling ko ngayon sa tropa. Ganito kaaga – naramdaman ko na ang ibang pakikitungo nila. Gustuhin ko man mainis sa pinapakita nila – iintindihin ko na lang. At sana maintindihan din nila ako. Wag sanang humantong na kailangan kong mamili.
BINABASA MO ANG
The Girl From Nowhere
Fantasía~[COMPLETED]~ INIBIG NIYA AKO. INIBIG KO SIYA. PERO BIGLA SIYANG NAWALA. Ganun nalang ba yun? Matapos niya akong paibigin at matapos ang masasayang pinagdaanan namin iiwan niya ako? Ginago niya ako. Ni di ko alam ang dahilan. I REALLY HATE HER! BUT...