CHAPTER 27

6.6K 126 26
                                    

PALINGON-LINGON AKO SA paligid, nanito ako sa likod ng school building. Walang gaanong tao rito, kaya siguro dito siya pumunta. Dahan-dahan ang paglapit ko sa kanya – naisip kong gulatin siya.



"Haist!" napasalubong-kilay ko. Bigla kasi siyang lumingon. Panira ng kasiyahan 'to, eh 'no?



"B-Ba't nandito ka?" halatang gulat na tanong niya. Well, at least nagulat siya dun.



Di ko siya sinagot at naupo lang ako sa tabi niya sa lumang sementong upuan na may malaking planter box sa likod na parang sandalan na rin. Nakatingin lang siya sa 'kin – mali – sa hawak kong soft drinks at burgers pala. May dala kasi akong dalawang plastic ng soft drinks at dalawang burger – with cheese pa, hah.



"Gusto mo?" alok ko sa kanya. Pero kanya talaga ang isang pares nun.



"No, thanks." Nakangiting sagot niya. Lokong 'to! Kung alam niya lang pinagdaanan ko para mabili ko 'to.

~~~

***FLASHBACK



PAGLABAS KO NG classroom naisip kong dalhan siya ng pagkain, kahit burger lang at maiinom. Pero pa'no ako bibili dun, andun pa yung tropa ko.



"Hoy!" tawag ko sa babaeng nakasabay ko sa hallway. Siguro mga forth year na rin siya.



"Ako?" pagharap sa 'kin ng babae at itinuro niya ang sarili. Astig na tumango lang ako tapos konting pa-cute. "Hoy, Nate. May name ako. I'm Sharie Gonzales. Kaya wag mo akong hino-hoy!" Taray naman ng babaeng 'to. Malay ko ba kung sino siya?



"Hmm. Okay, Sharie Gonzales?" ulit ko sa name niya.



Tumango siya. "But you can call me – Honey."



Natawa ako. Akala ko walang epek charming ko rito, tapos ngayon magpapatawag ng honey. Honey? Really? Sa isip ko.



"Wag mo akong pagtawanan. Honey, ang nickname ko. Assuming ka! Ikaw na!" pinandilatan niya ako.



Tumahimik ako. Sasapukin ko 'to, eh! Pero nag-smile lang ako. May kailangan, eh. "Okay. Pwede favor?" tapos kindat ako. Pero di pa rin siya matinag.



"Napuwing ka?" tanong niya. Haist! Tumango na lang ako. "Ano yung favor mo?"



"Papunta ka ng canteen, right?" tumango siya. "Pwede pabili ng soft drinks at burger?"



"Ilan?"

             

"Tig-dalawa."



"Para sa 'tin?" parang lumiwanag ang mukha niya.

"Hindi, akin lang. Mahilig ako dun."


Sumimangot siya. "Akala ko makakalibre na ako?"



Ngumiti lang ako. "Pwede?"   



"Akin na pera mo." Inabutan ko siya ng tatlong-daan, tapos umalis na siya.

~~~

"OH, ITO!" INIS na bigay niya sa 'kin ng pinabili ko.



"Salamat." Syempre binigyan ko siya ng matamis na ngiti. "Pwede, secret lang natin 'to?"



"Ang relationship natin?"



"Hah? Hindi. I mean itong utos ko." Tinaas ko ang pinabili ko.



"Okay. Akala ko pa naman." Tapos may nilabas siya sa shoulder bag niya. "Pa-autograph!" request niya at inabot sa 'kin ang papel at ballpen.



Binigay ko muna sa kanya ang pagkain para pumirma. Napangiti ako. Itulak ko 'to, eh! Ngisi ko sa isip ko.



"Bakit?" mataray na tanong niya.



"Wala." Sagot ko. Tapos palit na kami ng hawak.



"Yung, sukli akin na, hah?" tumango lang ako.



"Thanks, ulit." Pasasalamat ko. Inirapan niya lang ako at umalis na siya. Pagtalikod ko, narinig ko naman yung tili niya. Kinilig naman pala, at nakalibre pa.



***END OF FLASHBACK

~~~

AYAW NIYA, DI wag! Gutom pa naman ako. Di ko kaya naubos lunch ko.



Nakita kong pasimple siyang napapatingin sa mga hawak ko. Iningayan ko kasi ang pagkain ko. "Mmmm… Sarap!" sabi ko pa habang may nguyang burger, tapos sipsip ng soft drinks. "Aaaahhh!" may sound effect pa. Para kunwarin napawi uhaw.



"Mukhang masarap, hah?" tanong niya, napalunok-laway pa siya at titig na titig sa pagnguya ko.



"Gusto mo?" tanong ko habang ngumunguya pa rin. Nahihiyang tumango siya. "Eh, di bumili ka." Sagot ko sabay kagat sa burger. Walang salita, bigla niyang inagaw ang burger sa tabi ko at kagat agad. Natawa talaga ako sa ginawa niya. "Oh, baka mabulunan ka." Inabot ko sa kanya ang isa pang hawak kong soft drinks. "Kumusta na pala paa mo?" tanong ko.



"Okay na. Nakasayaw na nga ako, di ba?" Nakangiting sagot niya. May naalala ako. Tapos tawang-tawa ako. Yung sayaw niyang chicken dance tapos nag-Gangnam style pa siya kahit di yun ang tugtog. "Bakit?" inis na tanong niya.



"Wala." Pinigilan ko na lang ang tawa ko baka kasi sabihin niya pa patingin-tingin ako sa kanya.



Kumain kami ng sabay. Napaka-refreshing ng pakiramdam ko ngayon. Ba't parang napakasarap ng burger na 'to ngayon? Napapangiti ako – at napansin ko din yung pagngiti niya. Tapos natawa na lang kami. Napakasaya ng mga sandaling 'to. Ibang-iba sa mga lunch na naranasan ko rito sa school.



"Bukod sa gwapo ako, ano pa ang nagustuhan mo sa 'kin?" diretsong tanong ko.



"Wow! Taas, hah?" sabi niya na may laman pa ang bibig.



"Ng ano? Tsaka pwede ba, lunukin mo muna ang kinakain mo!" sigaw ko.



Ayun, lunok siya sabay sipsip ng soft drinks. "Ng confidence mo!" pasigaw niya.



"Haist! Wag malakas ang boses. Seryoso nga kasi."



"Ang korni mo." natatawang sabi niya. "Ba't mo ba natanong?"



Natigilan ako. Haist! Ba't nga ba? "Para…para di ko baguhin kung ano yun. Kung ano man ang nagustuhan mo sa 'kin." Tiningnan ko siya mata sa mata. "Para manatiling gusto mo ako." Ayun, napainom siya ulit ng soft drinks, pulang-pula na siya. Napangiti ako. Ano kayang iniisip ng babaeng 'to ngayon? Sa isip ko.



"Teka, gusto mo na ba ako, Nate?" gulat na tanong niya.



"Feeler?" I smirked. "Nagsu-survey lang ako para di mabawasan fans ko. Kaya, ano nga kasi yun?"



"Wala." Sagot niya. Nadismaya naman ako dun! Ugh! Wala?



"Ano?!" medyo napalakas boses ko at nagsalubong ang kilay ko. Para naman tuloy akong walang magandang katangian bukod sa hitsura ko.



"Ba't ka galit?" napausog siya palayo.



"Kalma ako. Hindi ako galit." Sabi ko at sumenyas akong lumapit siya. Pasimpleng usog naman siya palapit sa 'kin.



"Kasi? Basta…naramdaman ko na lang – na love na kita." Sabi niya. Pasimple namang napangiti ako.



"What is love?" kakornihang tanong ko.



"Mga tanong! Slam book? Batang 90's lang?"       



"Haist! Basta sagutin mo na lang."



Ngumiti siya. "Love is what I feel now."          



"Kanino?" tanong ko.



"Eeee! To you!" nahihiya-hiya pang sagot niya pero sinigaw naman. Buti di ganun kalakas tapos napatalikod siya.



Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat niya. "Humarap ka nga!" ipinaharap ko siya sa 'kin. Nakayuko lang siya at di nagsasalita. Natawa ako sa hitsura niya. Halatang na embarrassed siya sa sinabi at ginawa niya.



"Wag mo nga akong pagtawanan!" pero ngumiti lang ako sa angal niya.



"Tumalikod ka na lang ulit." At muli ko siyang ipinatalikod hawak ang magkabilang balikat niya.



"Ang sama mo! Mas maganda ba ako kapag nakatalikod?" inis na sabi niya.



"Parang?" Pang-aasar ko.



"Loko ka, hah!" haharap sana siya pero pinigilan ko siya.



"Sandali." Sabi ko at inayos ko ang buhok niya – para i-pony tail siya. Pero nasasabunutan ko ata siya.



"Aray! Ano bang ginagawa mo?" daing niya.



"Kinukulot ka." Biro ko.



"Nate, bakla ka talaga 'no?"



"Weh? Gusto mo lang halikan kita, eh. Kaya sinasabi mo yan." Asar ko sa kanya.



"Di, ah!" tapos yumuko siya.



"Wag ka ngang laging nakayuko!" hinila ko ang buhok niya tumuwid siya.



"Aray!" daing niya.



Napangiti ako at naging gentle na ang ginawa ko. Haist! Ang hirap naman nito! Sa isip ko. Di pala ganun kadali magtali ng buhok? Nang maayos ko na – dahil wala naman akong pantali na kahit ano. Kinuha ko yung straw sa wala nang laman na plastik ng soft drinks at itinali sa buhok niya. Napangiti ako ng matali ko 'to nang maayos. Pero ang hirap pala talaga.



"Humarap ka." Utos ko sa kanya. Kusa siyang humarap. Parang slowmo na naman. Iba na naman ang tibok ng puso ko. Pero tibok na gusto ko. "Shit!" mahinang nasambit ko. Napatulala ako nang mapagmasdan ko siya – ang ganda niya.



"Hoy?" siya.



"Hah?" ako. Nasa system malfunction mode kasi ako.



"Ano bang ginawa mo?" siya habang kinakapa ang buhok niya nang nakayuko.



"Wag kang laging nakayuko…  Ang ganda mo." naks. Dapat flattered siyang pinuri ko siya.



"Maliit na bagay." Natawa ako sa sagot niya.



Hinawakan ko siya sa baba niya – yumuyuko na naman kasi siya. "Dapat laging nakataas ang buhok mo gaya nung prom o kaya nakatali gaya ngayon."



"Bakit?"



"Para makita ko nang maayos ang leeg mo."          



"Ang leeg ko talaga?" ngiwi niya.

               

"Alam mo bang weakness ko ang magandang leeg?" sabi ko na nakatingin nang diretso sa mga mata niya.



Medyo di siya agad nakasagot. "T-Talaga?" tumango ako. "Nadali ko ba ang weakness mo?" tanong niya.

                                                                                                            

Ngumiti ako. "Daling-dali." Sagot ko.



"Eeeee! Kinikilig ako!"



"Halata naman kanina pa." smirked ko.



"Ang kapal mo!" sita niya at kinurot niya ako sa tagiliran.



"Aray!" daing ko. Ang sakit kaya. "Ba't ka nangungurot?"



"Eh, ikaw kasi!"



Pero tinawanan ko na lang siya. "Alam mo, di ako makapaniwala sa 'yo?"



"Bakit?"   



"Sabi kasi nila tahimik ka – na di nakikipag-usap – na mahiyain ka, mangkukulam, hukluban, aswang, engkanto, at may tuyo sa utak kaya di ka nakikipag-usap. Weird ka at freak. At kung ano-ano pa."



"Aray, naman!"   



Napangiti ako. May mga dagdag kasi ako sa sinabi ko. "Pero mali pala sila."



"Anong tingin mo sa 'kin?" tanong niya. Napatitig akong muli sa mga mata niya.



"Ang future ko." Seryosong sagot ko.



"H-Hah?" napatulala siya. "Ulitin mo nga. Di mag-sink in." parang temang na sabi niya.



Tumawa ako. "Joke lang! Kinilig ka naman?"



"Siraulo!" napasigaw siya.



"Okay. Makulit ka pala. Maingay. Prangka. Pero weird ka nga." sabi ko.



Napangiwi lang siya. "Ito talaga ako. Pero siguro dahil gusto kita kaya di ako nahihiyang ipakita kung sino ako. Ayaw kong mag-pretend para magustuhan. Masyadong maikli ang buhay para magpakaplastik." Diretsong sabi niya.



Pinukpok ko siya ng mahina sa noo ng palad ko. "Wag masyadong straight forward. Turn off sa 'kin yan." Sabi ko. Pero sa totoo lang natuwa ako sa sinabi niya.



"Aw!" napahawak siya sa noo niya. "Talaga?" tapos yumuko siya. Parang nagpaka-Maria Clara tuloy.



Napangiti ako konti. Pero pinagmasdan ko lang siya. Ang tingin ko sa 'yo, isang babaeng weird na gusto kong makilala pa. Babaeng laging laman ng isip ko. Na nagpapahinto nang paghinga ko at nagpapabilis nang tibok ng puso ko. At gusto ko kung ano ang pinapakita mo sa 'kin ngayon. Yun ang talagang gusto kong isagot sa kanya. Pero di ko masabi.



"Bakit?" tanong niya.



"Wala." Nakangiting sagot ko.



"Bakit mo ba ginagawa 'to?" siya naman ang nagtanong.



"Ang alin?"

                 

"Ito. Nakikipag-usap ka sa 'kin. Sa isang tulad ko."



"Siguro bored lang ako sa buhay ko?" sagot ko at napatingin ako sa malayo.



"Ano?" Naasar na naman siya. Pero bigla siyang sumeryoso. "Alam mo bang dati, pangarap ko lang 'to – ang makausap ka, makatabi – "



"At ang mayakap, at ma-kiss?" Ako na ang nagtuloy sa sasabihin niya. Seryosong tumango siya. Dapat biro ko yun sa kanya. Pero she gave me a sad smile. At tinitigan niya ako. Napakamakahulugan ng mga titig niya. Masaya ba siya? O malungkot? O masayang malungkot?



"Pinagtitripan mo ba ako, dahil alam mong gusto kita?" diretsong tanong niya.



"Di ko rin alam kung ano ba talagang ginagawa ko. Pero sigurado akong di kita pinagtitripan." Diretsong sagot ko. Tumahimik siya. Namayani saglit ang katahimikan. Napabuntong hininga kami habang nakatingin lang sa malayo.



"What is love?" biglang tanong niya. Pero nakatingin pa rin kami sa malayo.



I sighed. "Yan ang nagpapagulo sa isip ko ngayon." Seryosong sagot ko.



Muling namayani ang katahimikan.



"Mauna na ako." Pagbasag ko sa katahimikan.



"Thank you nga pala sa pagkain."



"You're welcome." nakangiting sagot ko at tumayo na ako. "Sige. Baka hinahanap na ako ng tropa. At wag mong iwawala yan. Regalo ko yan." Bilin ko na ang tinutukoy ko ay yung taling straw sa buhok niya. Nakangiting tumango siya. "At sana, wag mong hayaang apihin ka nila." Nakatingin lang ako sa mga mata niya. Tumango ulit siya. Dahil di ko pa pwedeng hawakan ang kamay mo. May kailangan pa akong ayusin. Ayaw kong maging unfair. Hintayin mo lang ako. Sa isip ko. At tinalikuran ko na siya.



Hahakbang na sana ako. "Sandali." Pagpigil niya.



"Hmm?"



"May pag-asa na ba ako?" tanong niya. Na gets ko naman kung ano ang ibig niyang sabihin.



"May girlfriend ako." Sagot ko. Alam kong iba na ang tingin ko sa 'yo. Pero di ko pwedeng balewalain ang sa 'min ni Cristy. Kailangan ko munang ayusin ang lahat. Sa isip ko at naglakad na ako palayo.



"Sandali!" muli ko siyang nilingon. "Pwede ko bang sabihing…?"



"Ano?" tanong ko nang tumigil siya sa sasabihin niya.



"I love you." Diretsong sabi niya. Naramdaman ko ang feelings niya dun. Haist! Parang nanghihina tuloy mga tuhod ko. Pero ngumiti lang ako, tapos nagba-bye sa kanya at tumalikod na.



I love you, too! Oo. Nasabi ko yun sa isip ko habang naglalakad ako palayo. At para sa kanya yun.



Nasagot na ba ang tanong ko?

The Girl From NowhereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon