CHAPTER 68
> CHELSA’S POV <
Sana nandito siya. Muling nahiling ko sa isip ko habang pinagmamasdan ang bawat ngiti at tuwa sa mukha ng bawat isa nang salubungin namin sina Cristy at Kristan.
“Hindi mo parin ubos yan?” tanong sa’kin ni Cristy nang makaupo na kaming lahat. Yung hawak kong bote ng flavored vodka ang tinutukoy niya na nasa kalahati palang ang bawas.
Unang tikim, matamis at lasang fruits juice na di ko ma-explain. Sabi ni Carly parang guyabano daw. Eh, di pa naman ako nakatikim nun kaya di ko rin alam. May sipa nga ng init sa katawan sa unang lagok ko palang ng alak. So yun, nakatikim na nga ako ng alak. Alak na sabi ko nga amazing na invention ng tao dahil kaya kang pasayahin at palungkutin, at makakalimutan mo pa daw ang problema mo, at makapangyarihan pa dahil kaya nitong kunin ang katinuan mo kapag nasobrahan ka. At dahil dun medyo natatakot ako. Pa’no kung masobrahan ako at kung ano ang masabi ko? And worst, baka di ko mapigilan na ipakita ang ibang anyo ko at gumamit pa ako ng powers? Kaya naman moderate lang ako. Sabi nga di ba, drink moderately. Kaso sabi nila dapat makadalawang bote man lang daw ako. Masarap daw malasing kapag may dinaramdam ang puso mo. Parang gusto kung subukan, madi-dead na din naman. Eh, kaso nga pa’no naman ang secret ko?
Ngumiti-ngiti lang ako kay Cristy. Nag-cheers kami at sabay uminom sa hawak naming bote. Nagkantahan kami, at pati ako napabirit din. Nagsawayan na parang mga timang. Nang mapagod tamang kwentuhan naman. Sa saya ng usapan di ko namalayang pangalawang bote na pala ang hawak ko at halos maubos ko na. At yun na nga, tinamaan ang lola mo at nawala sa sarili.
~~~
Huli akong natulog pero ako rin ang unang nagising. Narito ako ngayon sa tabing-dagat at nakaupo sa buhangin. Hilalanghap ang sariwang hangin at ang aroma ng tinimpla kung kape habang pinagmamasdan ang papasikat na araw. Nilibot ko ang aking paningin sa ganda ng paligid at malalim na lumanghap ng sariwang hangin nang muli kong ibaling ang aking tingin sa araw na mistulang humahalik sa dagat. Napapangiti ako dahil mistulang nakangiti rin sa’kin ang haring araw. Isang bagong umaga. Isang bagong araw na mababawas sa aking buhay.
Napabuntong-hininga ako. Naririto nanaman siya sa utak ko. Sana maayos siya kung nasaan man siya ngayon. “Nate, miss na talaga kita.” Nakangiting mahinang nasabi ko. Napalingon ako sa likuran ko nang marinig kong may tumawag sa’kin, sina Carly at Cristy, papalapit sila.
Tumabi sila sa’kin at pinagitnaan ako. Nasa kanan ko si Carly, sa kaliwa naman si Cristy. “Kanina ka pa gising?” tanong ni Cristy.
“Kagigising lang din.” Sagot ko. “Kape?” alok ko sa kanila.
“Nagpatimpla na kami kina Lhyn at Evy.” Sagot ni Carly. “Pangarap talagang mag-barista ni Evy. Super hilig nun sa kape. Sabi nga ng mommy niya baka kape ang napainom dun nang paglabas niya palang sa sinapupunan.” Natawa kami sa kwento Carly. Kung tutuusin talaga, ang dami ko pang di alam sa ugali ng mga kaibigan ko. Sayang baka di ko na sila mas makilala pa isa-isa. Gusto ko nalang i-enjoy ang moment na ‘to na kasama ko sila.
Maya-maya kasama na namin sina Lhyn at Evy. Katabi ni Lhyn si Cristy, sa tabi naman ni Carly si Evy, at lahat kami may hawak na kanya-kanyang tasa ng kape. Pinagmamasdan namin ang araw na nakaangat na sa dagat. At lahat kami may ngiti sa mukhang nilalangahap ang malamig at sariwang simoy ng hangin habang panay papuri sa likas na ganda ng kalikasan.
BINABASA MO ANG
The Girl From Nowhere
Fantasía~[COMPLETED]~ INIBIG NIYA AKO. INIBIG KO SIYA. PERO BIGLA SIYANG NAWALA. Ganun nalang ba yun? Matapos niya akong paibigin at matapos ang masasayang pinagdaanan namin iiwan niya ako? Ginago niya ako. Ni di ko alam ang dahilan. I REALLY HATE HER! BUT...
