CHAPTER 72
> NATE’S POV <
Nagising ako sa isang maliit at madilim na kubo. Tumatama sa mga mata ko ang liwanag ng apoy na mula sa siga sa di kalayuan. Napaupo agad ako at naalala ko ang mga nangyari bago ako mawalan ng malay. Bumalik ang takot sa dibdib ko nang maalaala ko ang nakakatakot na mukha ng lalaking diwata at ang mga alagang lobo nito na mala-halimaw sa laki. Agad akong lumabas sa maliit at bukas na kubo. Nilibot ko ang aking paningin. Nasa kagubatan ako na ngayon ko lang narating.
Tumakbo ako upang tumakas. Sa kung saan ako patungon, di ko alam? Basta ang nais ko ay makalayo at iligtas ang buhay ko. Gusto kong bilisan ang pagtakbo, ngunit dahil sa madilim at nasa kagubatan ako alalay lang ang aking pagtakbo para di ako madapa o tumama sa puno. May mga malalaking bato pa sa daan na nagpapahirap para makalayo ako agad. Iniisip ko kung sino ba talaga ang diwatang iyon at kung ano ang pakay niya sa pagdakip sa’kin? Dahil kung utos yun ng magulang ni Chelsa, bakit tila hinayaan lang akong makawala. Pero ayaw ko parin pakasigurong nakalaya na nga ako, dahil patuloy ko paring nararamdaman ang sobrang takot sa dibdib ko.
Di paman ako gaanong nakakalayo, narinig ko ang alulong ng mga aso. Di pangkaraniwan ang mga alulong at pamilyar sa’kin ang tunog na iyon. Hindi ako nagkakamali, galing yun sa malalaking lobo na kasama ng lalaking diwata. Haist! Shit! Pinilit kong bilisan ang pagtakbo ko. Malamig pero pinagpapawisan ako dahil sa takot.
CHELSA! CHELSA! CHELSA!
Paulit-ulit kong tinatawag sa isip ko si Chelsa, pero di siya sumasagot. Papalapit na papalapit ang tahol ng mga aso. Alam kong hinahabol nila ako. Nilingon ko ang likuran ko, at nakita kong tama nga ako. Yung dambuhalang mga lobong yun at sakay nung isa ang diwata, sinusundan nila ako. Shit naman! Madilim pero alam kung sila yun dahil sa laki ng mga asong yun at sa kumikislap-kislap na pakpak ng diwata. Mabilis ang pagtakbo nila at lumulundag pa. Alam kong madali lang nila akong maabutan, pero sinikap ko paring makalayo. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Naluluha na ako at hangos na hangos na naghahabol ng hininga. Hindi ko akalaing magkakaganito ang love story namin ni Chelsa. Pero ito na ang pinili kong kapalaran. Oo, tanggap ko na maari akong mamatay pero ayaw kong basta na lamang tanggapin yun. Dahil umaasa parin ako na may iba pang paraan para mabuhay si Chelsa at di siya kunin sa’kin. At ayaw kong mamatay na di ko man lang siya nakikita. Mahawakan ko man lang sana ang kanyang malambot na mga kamay at mahalikan ang kanyang mapupulang labi, at mayakap siya nang mahigpit bago ako mawala.
Kanina pa ako tumatakbo pero nanatiling kakahuyan parin ang tinatahak ko. Nasaan ba ako at anong lugar ‘to, parang walang katapusan ang gubat? Napapadaing nalang ako sa paminsan-minsang pagsabit ng mga nadadaan kong naka-usling kahoy at ilang matinik na halaman at halamang baging sa iba’t ibang bahagi ng katawan ko. Naririnig ko ang halakhak ng diwata na tila tinutuya ako. Para niya akong pinaglalaruan at huminto sila.
“Sige, takbo bata!” sigaw ng diwata. Shit! Pinaglalaruan nga ako! May oras karin, minsan ka sa’kin!
Mas binilisan ko ang pagtakbo sa pag-asang makalayo ako dahil sa pagtigil nila. Asar lang talaga dahil parang maze ang tinatakbuhan ko dahil sa mga puno na kailangan kong ilagan at sa mga batong maaring matapilok ako, at di pa pantay ang tinatakbuhan dahil pababa ito.
“Haist! Shit!” dismayadong sambit ko nang makita kong nasa tapat ko na ang mga humahabol sa’kin. Nakakapikon ang ngiti ng diwata. Para siyang villain sa isang superhero movie, daig pa niya si Joker sa pang-aasar. Nag-iba ako ng direksyon ng takbo. Nagulat ako at napahawak sa maliit na punong-kahoy nang muntik na akong bumangga sa kasunod na puno sa harap ko. Napahinto ako saglit at muling tumakbo nang makita kong papalapit na sa’kin ang mga tumutugis sa’kin. Parang sanay na sanay na sila sa takbuhan sa kakahuyan. Mabilis ang kilos nila na tila di man lang nag-aalala na bumangga sa mga puno o matisod sa mga bato.
BINABASA MO ANG
The Girl From Nowhere
Fantasy~[COMPLETED]~ INIBIG NIYA AKO. INIBIG KO SIYA. PERO BIGLA SIYANG NAWALA. Ganun nalang ba yun? Matapos niya akong paibigin at matapos ang masasayang pinagdaanan namin iiwan niya ako? Ginago niya ako. Ni di ko alam ang dahilan. I REALLY HATE HER! BUT...
