CHAPTER 28

6.3K 131 12
                                    

~LUMIPAS ANG DALAWANG ARAW~



> CHELSA'S POV <     



"Anak, ba't simangot ka na naman?" tanong ni mama. Naghahanda kami ngayon ng baunin ko sa school.



"Wala po, ma. Medyo naaantok pa po kasi ako." Sagot ko.

                                           

Pero ang totoo, naiinis ako. Siraulong Nate yun! Pinaglalaruan talaga ako. Matapos namin mag-usap di na ako pinansin. May patali-tali pa ako ng buhok. Kapag nagkakasalubong kami tinataas ko pa ang ulo ko para kita leeg ko – pero di man lang ako lingunin! Nakalaklak yata ako ng isang boteng assuming pills mula nang mag-usap kami? Ogag naman kasi ang taong yun! Ako naman kasi si tanga, paniwalain!



Sa nakalipas na dalawang araw ang maintain lang ang pangbu-bully sa 'kin nina Joyce at ng ibang student – in fairness consistent. Akala ko ipagtatanggol niya ako, pero hindi. Napapansin ko na di pa rin sila gaanong okay ni Cristy. Masaya silang magkakasama ng tropa nila pero pansin ko ang ilangan nila. At kinatuwa ko naman daw yun? Sira ka rin talaga, Chelsa!



"Ma, alis na po kami." Paalam ko kay mama at nagbeso ako sa kanya.



"Hindi mo ba itatali ang buhok mo?"       



"Hindi na po." Simangot na sagot ko. Para saan pa? sa isip ko.



"Alam mo Chelsa, parang bagay sa 'yo mag-bangs? Kaysa ganyan." Wow, natuwa naman ako sa concern ni ate. First time 'to.



"Talaga, ate?" masayang tanong ko.



"Oo. Yung hanggang baba, para di kita mukha." Sagot ni ate Zhara. Salbahe, tapos pinagtawan ako. Akala ko seryoso?



Tumalikod ako sabay pasok sa kotse. May sa halimaw talaga 'tong kapatid ko. Ngitngit ko sa isip ko.

~~~

> NATE'S POV <



LOG-IN



CHANGE STATUS, FROM IN A RELATIONSHIP TO SINGLE.



Alam kong masaya ako. Pero di ko makuhang ngumiti. Napa-sighed na lang ako. Alam ko kasing maraming magbabago. Alam kong malaki ang risk ng naging desisyon ko. Pero, pinag-aralan ko naman nang mabuti ang nararamdaman ko – at final na 'to. Nangyari na. Nagawa ko na.



"It's official." Nasambit ko habang nakatingin sa sarili ko sa salamin. Then, I turn off my cellphone.

~~~

PAGPASOK KO NG GATE ng school, tinginan ang lahat.



"Sir, Nate. Single ka na?" si manong guard. Iba yung ngiti niya.



"Ano yun?" napakibit-balikat na lang ako tapos diretso lakad. Sanay naman akong pinagtitinginan, pero parang ang awkward ngayon? Puro sila bulungan – pero diretso lakad na lang ako. Gusto kong makarating agad sa classroom. Handa na akong hawakan ang kamay niya at ipagtanggol siya. Ramdam ko na ang medyo pagbabago. Pero ito ang pagbabagong ginusto ko.



Pagdating ko sa classroom, tinginan ang mga nauna na sa 'kin. Usually, walang pumapasok nang ganito kaaga. Inagahan ko talaga para makausap si Chelsa, nalaman ko kasing maaga siyang pumapasok para iwas bully sa daan ata? Pero ba't ang dami na namin classmate? Haist! Alam na, makikichismis! Pero napansin ko naman sa hulihan na nandun na yung mga gamit niya sa upuan niya – pero wala siya.



Isa-isang lumapit mga classmate ko sa 'kin. Ba't parang nakakailang? Ba't ba kasi nauna pa akong magpalit ng status kaysa kay Cristy? Ayaw ko naman magmukha siyang iniwan. Pero ayaw ko naman lokohin pa sarili ko. Haist! Ang harsh ko ba?



"Nate, wala na kayo ni Cristy?"



"Sino nakipag-break?"



"Anong nangyari?"



"May love triangle?"



"My God! Si Chelsa?"



"No way! That's ridiculous!"



Haist! Shit! Mga tanong nila sa 'kin. Naka-smile ako sa kanila, pero di ba nila napapansin na fake smile lang? Pati mga boys naming classmate nakiusisa din. Ugh! Tumayo ako with smiling face pa rin – kahit medyo irritated na ako. "Guys, I respect my privacy! Okay?" wow, sa mga sagot ko. Parang nililitis lang sa senado. Napatingin na lang sila sa'kin – napalakas kasi boses ko. Naisip kong lumabas na lang, nang nasa labas na ako, daming nagpapa-cute – smile naman ako. Haist! Iba talaga ang nagagawa ng social media. Nasan kaya siya? Baka naman binully nanaman?



Pumunta ako sa likod ng building – baka sakali lang na nandito siya. Dito kami huling nag-usap at dito ko siya madalas masilip. Dito rin siya nagla-lunch sa nakaraang dalawang araw. Pero wala siya rito ngayon.



Mauupo sana ako – pero ba't basa? Di naman umulan. Di naman bagong dilig ang mga halaman. May bahagi ng upuan na di basa, parang may taong binuhusan? Siya kaya? Haist! Saan ba siya pwedeng pumunta? Yung di siya makikita?



Umakyat ako ng hagdan papuntang roof top. Dinala ko na siya dun nang ma-bully siya ni Kristan, naisip kong baka nandun siya.



Pagdating ko sa roof top – paglabas ko ng pinto tumambad sa 'kin ang babaeng naka-uniform. Nanlaki ang mga mata ko at kinabahan ako. Nakaupo siyang nakayuko at di kita ang mukha niya. May kakaibang tunog na nagmumula sa kanya. Parang langitngit ng ngipin? Parang basa rin ang buo niyang katawan. Unti-unti siyang kumikilos paharap sa 'kin. Haist! Di ako makagalaw.



"Wooaah!" napasigaw ako pagharap niya at napahawak ako sa dibdib ko. Medyo napaatras pa ako.



"Nate?"



"C-Chelsa?" haist! Babaeng 'to talaga!



"Ano bang ginagawa mo? Ba't ka sumisigaw?" ngiwi niya.



Humakbang ako palapit at inastigan ko ang paglakad ko para di siya mag-isip na natakot ako. "Wala. Sinigawan lang kita. Natakot ka?" astig kong tanong. Nanginginig siya?



"Baliw!" irap niya. Loko 'to, hah!



Naupo ako sa tabi niya. "Ikaw, anong ginagawa mo rito?" tanong ko – umiling lang siya. Nakita ko sa mga mata niya ang lungkot. Parang kakaiyak niya lang. "Ba't basa ka?" tanong ko ulit. Pero may idea na ako kung bakit siya basa.



"Galing kaming swimming tapos dumaretso na ako rito sa school." Seryosong sagot niya. Sira, ang stupid naman ng taong maniniwala. Pero alam kong biro niya lang yun.



"Nagpapatuyo ka?" tumango lang siya. "Di dapat doon ka sa arawan."



"Ayaw kong umitim."



Tumayo ako. "Hintayin mo ako dyan." Naglakad na ako – pero binalikan ko siya. "At ba't di nakatali ang buhok mo?" sita ko sa kanya.



"Pakialam mo?" irap niya.



"W-Wala lang." Tinalikuran ko na siya.



Pumunta ako ng locker room. May ekstrang damit kasi ako sa locker ko at towel na reserba kapag P.E. class namin. Pagkakuha ko, napansin ko ang locker ni Chelsa. Bukas ito at basa din ang mga gamit sa loob. Napabuntong-hininga na lang ako sa inis ko.



Pabalik na ako sa roof top, at para akong tangang patago-tago para walang makakita. Hanggang marating ko sa taas. Haist! Fugitive ba ako? Paglabas ko ng pinto, nakatingin na siya sa 'kin. Nilapitan ko siya at naupo sa tabi niya. Pinunasan ko ang basang buhok niya. Napakatahimik ng paligid. Ang mga mahihinang tinig mula sa baba sa labas ng building at huni ng mga ibon lang ang naririnig namin. Nakatingin lang kami sa isa't isa habang masuyo kong pinupunasan ang basang buhok niya.



"Sana umulan." Sambit ko.



"Bakit?" tanong niya.



"Wala lang. Naisip ko lang." sagot ko.



"Akala ko pa naman pick-up?" May pagbibiro sa tuno ng boses niya. Pero kita ko sa mga mata niya ang nagbabadyang pagpatak ng luha.



Tuluyan nang pumatak ang luha niya. Binitawan ko ang towel at pinunasan ko ang luha niya sa mukha habang nakatitig pa rin kami sa isa't isa.



"Bored ka na naman ba sa life mo, kaya ginagawa mo 'to?" tanong niya.



"Oo." Diretsong sagot ko. "Single na kasi ako. Kaya naghahanap ako ng bagong girlfriend. Pwede ka ba?"



"Tigilan mo nga ako!" napalakas ang boses niya at tumayo siya. Pero syempre pinigilan ko siya.



"Maghubad ka na." Pagpigil ko sa kanya. Tapos…



PAK!      



Bigla niya akong sinampal. Talagang nagulat ako dun!



"Anong problema mo!" gulat na tanong ko. Napaatras siya na nakayakap sa sarili niya na parang sinasabing, kuya, wag po!.



"Grabe ka! Nate, naman!" sigaw niya. Sama niya pa makatingin.



"Haist! Ano bang nasa isip mo?" tinaas ko ang damit na kinuha ko sa locker. "Magbihis ka! Ito ipapahiram ko sa 'yo. Basa ka, di ba? Haist!"



Natahimik siya, nakayuko siyang lumapit at mabilis na kinuha ang damit. Nagtago para magbihis.



"Sakit nun, hah! Haist! Ano bang iniisip mo?" sita ko nang makabihis na siya habang nakahawak pa rin ako sa mukha ko. Nakaupo na kami ngayon. Piling ko pulang-pula ang mukha ko. Parang malakas pa sa suntok ni Kristan yung sampal niya.



"S-Sorry na."



"Ang lagay, ganun na lang?" nilapit ko ang mukha ko sa mukha niya. Napalunok siya at mas mapula na ata ngayon ang mukha niya sa mukha ko.



"Tigilan mo nga ako!" iwas niya.



"Ngayon pa ba, na wala na akong girlfriend?" Malambing na pagkakasabi ko at linapit ko ulit ang mukha ko. Pero sa totoo lang wala naman akong balak na kung anong gawin. Gusto ko lang talaga siyang asarin. Pero sa mga sinabi ko seryoso ako.



"Wala kang pinagkaiba sa kanila. Natutuwa kang pagtripan ako." Simangot niya.



"Iba ang natutuwa sa masaya. Masaya ako…" mas linapit ko ng konti ang mukha ko sa mukha niya. "masaya ako kapag nandyan ka." seryosong pahayag ko.



Napatingin kami sa may pinto nang may marinig kaming ingay na paparating, dalawang babaeng nag-uusap. Agad kong hinila si Chelsa at nagtago kami sa gilid. Malas pang naiwan ko yung towel na nalaglag sa sahig. Nang babalikan ko na bigla nang bumukas ang pinto kaya di ko na nakuha. Kita sa pwesto namin ang nalaglag na towel. Sana lang wag na nilang mapansin yun.



"Talagang ginawa n'yo yun sa Chelsa na yun?" boses ni Cristy – tama nga ang hinala ko.



"Oo. Para siyang basang sisiw kanina." Kundi ako nagkakamali, boses ni Joyce yun.



"Basta walang makakaalam na may kinalaman ako sa ginagawa n'yo. Kahit ni isa man sa tropa namin – specially, Nate."



Napatingin ako kay Chelsa nang marinig ko ang sinabi ni Cristy. Sila pala ang nasa likod nito. Tininggnan ko siya na parang paghingi ko ng tawad. Pero ngumiti lang siya – ngiti na tinatanggap niya ang mga pangbu-bully sa kanya.



"So, totoo bang wala na kayo ni Nate?" tanong ni Joyce.



"For now. Pero alam kong babalik din sa 'kin si Nate." Kumpyansang sagot ni Cristy.



"I believe in you. At di rin ako papayag na mawala ang CriNate. At lalong di ako papayag na dahil sa babaeng yun."

                                                         

"Just stick to the plan."



"Make her life a living hell!" Sabay nilang sabi. Tapos tawanan sila.



Hinawakan ko ang kamay ni Chelsa at nginitian ko siya.



"Yung promise mo?" si Joyce.



"Masyado ka namang atat." sagot ni Cristy.

                                            

"Ay, thank you!" napatili si Joyce. Di namin nakita kung ano yung binigay ni Cristy.



"Let's go?"



"Okay! I'm so happy talaga!"



"Wait." Si Cristy.



"Bakit?"



Nakita kong lumapit si Cristy sa upuan kung nasan yung towel. Kaya napaatras kami baka makita kami. Sumilip ako, nakita kong papalingon si Cristy sa pwesto namin.



"Ano yan?" tanong ni Joyce.



"Wala. Parang pamilyar lang kasi ang kulay ng towel na 'to?"

                                  

"Marami naman towel na ganyan."



"Siguro nga. Tara na."



Narinig na namin ang pagsara ng pinto. Buti di kami nakita ni Cristy at nakatago kami. Nakatingin lang kami sa isa't isa na maghawak ang kamay. Kanina habang nagtatago halos magkayakap kami. Ayos pala maglaro ng tagu-taguan?



"Wala na talaga kayo?" tanong ni Chelsa. Tumango lang ako. "Anong nangyari?" muli niyang tanong. Di ako agad sumagot. Hinila ko siya sa upuan at naupo kami.



Nagbuntong-hininga muna ako bago simulan ang kwento ko.

The Girl From NowhereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon