> CHELSA'S POV <
SANA PANGHABAMBUHAY NA 'to. Sana forever ko nang hawak ang kamay niya. Sana di na huminto ang byaheng 'to. Ang OA umibig. Pero ganun talaga siguro. Kapag di ka naging OA pagdating sa love, baka di ka pa nagmamahal.
Nakikita ko kung gaano kasaya si Nate. Pa'no kung mawala na ako? Diyos ko, sana forever na ang mga sandaling 'to. Sana may forever nga talaga.
"Saan ba tayo pupunta?" tanong niya.
"Baba na tayo!" nakangiting sagot ko. Tapos hinila ko siya pababa nang huminto ang jeep.
"Saan ba talaga tayo pupunta?" muling tanong niya nang makababa na kami. Halatang clueless ang hitsura niya. Pero hinila ko na lang siya sa kung saan man kami dadalhin ng mga paa namin. Maging ako kasi di ko alam kung saan ba kami pupunta.
"Alam mo bang ang average life span ng mga butterfly ay halos one month lang?" seryosong sabi ko habang naglalakad kami.
"Haist! Yan ka na naman sa mga paruparo mo!" smirked niya. Hinampas ko nga! Tapos nakapormang kukutusan na naman ako! Lalaking 'to ang sweet sa 'kin.
"Sige! Kakagatin ko yang kamay mo!" banta ko sa kanya. "Makinig ka nga kasi!"
"Okay!" simangot niya.
"Kunyari ang relationship natin parang average life span lang ng butterlfy, one month lang. Kaya gagawa ako ng bucket list na gagawin natin for one month. Ten things to do with Nate."
"Okay? Pero di mo naman ako iiwang after one month, right?"
Hindi ako nakasagot. Napatigil ako sa paglalakad at tiningnan ko siya. Ngumiti ako. "Syempre, hindi…" sagot ko. Sana hindi na lang. Sana hindi… sa isip ko habang pinagmamasdan ang nakangiti niyang maamong mukha. Yung feeling na naging kami pa lang, pero parang patapos na.
Di ko alam kung ilang paruparo pa ang natitira? Lalagpas pa naman siguro sa isang buwan ang mga nalalabing araw ko. Pero gusto ko lang talagang maging memorable ang mga araw na kasama siya. Sana may kasunod pang isang buwan, matapos ang isang buwan.
"So ano ang number one?" tanong niya nang muli na kaming maglakad.
"Ito na yun! At yung iba, pag-iisipan ko pa." nakangiting sagot ko.
#1. GUMALA KASAMA SI NATE. PUMUNTA LANG SA KUNG SAAN AT MAGTRIP!
~~~
> NATE'S POV <
MAY LIST SIYANG gagawin ng mga gusto niyang gawin namin for one month. Nung una nabaduyan ako, pero parang na-excite na rin ako kung ano yung mga bagay na gagawin naming magkasama? May pumapasok pa sa isip ko kung ano ang pwede naming gawing dalawa. Pero hindi, masyado pa kaming bata para dun! Haist! Loko ka Nate!
At ito na nga ang first sa list, ang gumala kami sa kung saan at magtrip. Iba ang glow ng mukha niya. Parang napakasaya niya habang naglalakad lang kami ngayon sa gilid ng kalsada. Akala mo park ang nilalakaran.
Bigla siyang tumakbo, akala ko kung ano na? Iniwan niya pa ako. May nakita lang palang flyover.
"Tara bilis! Akyat tayo!" tawag niya sa 'kin. Talagang napakasaya niya at sinenyasan niya pa ako.
Napangiti na lang akong sinundan siya at hinila niya ako paakyat ng hagdan. Patakbo pa kaming umakyat. Pagkaayat namin, amazed na amazed siya mga nakikita niya. Mga taong tumatawid at mga vendor na nag-aalok ng kanilang mga paninda. Medyo nahihiya ako sa kilos niya. Pero napapangiti na lang ako – maging ang puso ko. Si Chelsa, ang babaeng gusto ko ay napakasaya. Hindi ko napigilang halikan ang hawak kong kamay niya. Nakangiting napatingin siya sa 'kin.
Binitawan ko siya at nagmuwestra akong, tuloy po kayo, mahal na prinsesa, at nag-bow pa ako sa kanya. Sa totoo lang mas nakakahiya na 'tong ginagawa ko. May mga napapatingin na sa 'min. Gwapo't maganda pa naman kami kaya pansinin. Di naman sa pagyayabang, ano?
Inisa-isa niya ang mga vendor. Tiningnan yung mga tinda at nagtanong ng presyo. Pero di naman bumubili. Adik talaga 'to, eh! Tapos titingin siya sa 'kin na hawak yung paninda, ako naman minsan umiiwas ng tingin na parang di ko siya kasama. Kaso hinihila niya ako. Loko talaga!
Pagbaba namin ng flyover, kita pa rin ang saya niya habang may kagat na kakanin. Halos lahat na pagkaing tinitinda gustong tikman. Tapos bigla na naman siyang tumakbo – may nakita palang bus na huminto.
"Nate bilis!" tawag niya sa 'kin nang makaakyat na siya sa bus.
Patakbo naman akong sumunod. Hawak kamay kaming naglakad papunta sa dulo ng bus. Parang akala mo rides sa theme park ang sasakyan namin sa tindi ng excitement niya. Sa pinakadulo kami naupo kahit na marami pang bakanteng upuan sa unahan. Naupo siya sa malapit sa bintana. Di ko naman first time sumakay ng bus pero matagal-tagal na rin nung huli akong makasakay. Buti aircon 'to at di mainit. Mataas na rin kasi ang araw.
"Dalawa po." At nag-abot siya ng isang-daang piso sa kundoktor kahit hindi pa kami ang sinisingil ng bayad. Para siyang kinikiliti sa kilig. First time niya daw kasing magbayad sa bus.
"Saan 'to?" tanong na lang ng kundoktor.
Tiningnan niya ako. Mukhang wala siyang idea kung saan kami ngayon pwedeng gumala. Eh, siya kaya ang sumakay ng bus?
"Sa Luneta po. Galing Philcoa." Sagot ko. Papunta kasi ng Taft avenue ang bus. Naisip kong dadaan yun sa Luneta kaya naisip kong pumunta kami dun.
Kumislap ang mga mata niya. "Talaga?" masayang tanong niya. Ngiti lang ang naging tugon ko at sumandal ako sa balikat niya. Naramdaman ko naman ang pagsandal ng ulo niya sa ulo ko. Mukhang mahaba ang byaheng 'to.
Hindi mawala ang mga ngiti ko. Napapapikit na ako sa sayang nararamdaman ko. Walang duda. Masaya akong kasama siya. In love na mga talaga ako sa kanya.
~~~
PAGBABA NAMIN NG bus, hila-hila niya na naman ako. Di naman halatang excited siya? Tapos para siyang batang tuwang-tuwa. Pero akala ko maglilibot kami agad. Ayun, may nakita siyang nagtitinda ng fish ball. Kain daw muna kami. Pero bago kain, selfie muna. At may cellphone pala siya?
"May cellphone ka pala?" tanong ko habang kinukunan niya ng pictures yung fishball at kikiam sa stick.
"Oo naman. Akala mo sa 'kin, poor?" irap niya sa 'kin. "Ikaw nga walang pera!" insulto niya sa 'kin. Pero insultong palambing.
Natawa na lang ako. "Sira ka talaga! Hinila mo kaya ako kaya naiwan ko bag ko. Nandun wallet at cellphone ko. Kaya kapag may nawala dun, babayaran mo." sabi ko sa kanya nang may pananakot.
Nang bigla niya kasi akong hilahin dun sa classroom palabas kanina, naiwan ko bag ko. Sa excitement ko na ayaw kong ipahalata, ayun nawala sa isip ko. Nung magbabayad na sa jeep tsaka ko lang naalala, eh ang layo na. Kaya kanina pa siya ang nagbabayad para sa 'ming dalawa. Pero utang ko daw.
Sa sinabi ko sa kanya parang wala siyang narinig. Hinila niya lang ako at inakbayan para magpa-pictures.
"Smile ka Nate! First photo natin 'to as a couple!" utos niya.
Ayun, smile naman ako na parang may pictorial. At with matching fishball pa talaga ang first picture namin as a couple. Tapos kain na, na may subuan pa. Napaka-ordinary lang. Pero para sa 'kin this kind of ordinary thing, ang most special.
Sa dami nang nakain niya akala ko magpapahinga muna kami. Pero ito kami naglilibot sa gitna ng arawan sa kabuuan ng Rizal Park. Picture-picture sa bawat kanto maging sa basurahan habang parehas kaming may hawak na dirty ice cream.
~~~
TALAGANG SUSULITIN NAMIN ang paggala. Nandito kami ngayon sa LRT station, nakapila sa bilihan ng card. Naks, box-office ang pila. At ako pa naman ang nakapila. At ngayon lang ako nakapila rito. Haist! Tapos siya nandun sa bilihan ng sago't gulaman!
Pagkakuha ko ng card wala na siya sa may palamigan.
"Nate bilis! Nandyan na yung tren!" sigaw niya. Nagulat na lang ako nandun na siya sa platform sa sakayan. Napakunot-noo ako.
Pa'no siya napunta dun? Natanong ko sa sarili ko. Haist! Pasaway 'tong gf ko! Lalo tuloy akong nai-in love. Natatawang pumasok na lang ako at nilapitan siya. "Pa'no ka nakapasok dito?" pabulong na tanong ko sa kanya.
"Nakisabay ako dun sa mama." At may tinuro siyang lalaki. "Narinig ko na kasi yung tren, eh. Ang tagal mo."
"Nakapila kaya ako." Napasalubong ang kilay ko na pinagtawanan niya lang.
Excited na naman siyang pumasok sa tren. Yung ngiti niya abot tainga. Samantalang yung iba simangot dahil sa siksikan. Nakatayo lang kami pero wala siyang reklamo. Nakangiti pa rin siya. Napapaisip tuloy ako, kung saan bang planeta galing ang babaeng 'to? Parang galing siya sa ibang mundo at wala sa mundong pinanggalingan niya ang mga nakikita niya rito sa Earth. Parang lahat bago sa kanyang paningin. Ewan, pero ang cute niya lang. Siguro laking mayaman tulad ko kaya di niya pa naranasan yung mga ganito.
Kami naman kasi ng tropa, madalas magtrip kaya naranasan ko na ang buhay kalsadang tulad nito. Haist! Namiss ko tuloy yung tropa. Pero okay lang, kasama ko naman si Chelsa.
Magkaharap kami at kung todo alalay naman ako at protekta sa kanya. Pero yung gusto kong protektahan wala naman problema. Nakangiti pa kahit natutulak na.
~~~
SA MOA KAMI pumunta. Lakad-lakad, tamang window-shopping lang. Bili ng makakain, kung anong magustuhan. Naglaro sa arcade at nagparamihan ng ticket na makukuha. Lakas ng kumpyansa ko sa sarili kong matatalo ko siya, pero ayun talo ako. Ending pinagtawanan ako.
"Saan tayo kakain?" tanong niya. Di namin namalayan, alas-dose na pala ng tanghali. Pero kanina pa kaya kami kumakain ng kung ano-ano.
"Ikaw, kung saan mo gusto?" sagot ko.
"Hmp! Ako kayang magbabayad kaya dapat ikaw ang tanungin ko!" pouted niya. Haist! Ipamukha bang wala akong pera. Kanina pa 'to!
"Kaya nga ikaw ang mag-decide kasi ikaw ang may pera. Tsaka babayaran ko naman, hah!" sinamaan ko nga ng tingin.
"Dapat lang! Ikaw kaya ang boyfriend! First date natin, wala kang pera!" tapos pinagtawanan na lang nanaman ako at iniwan ako sa paglalakad.
Hinabol ko siya at inakbayan. "Date na pala 'to? Di dapat nakaakbay ako." Nakangiting sabi ko.
"PDA ka! Makaakbay? Magkumpare lang?" at inalis niya ang kamay ko. Pero hinawakan ko ang kamay niya at holding hands kaming naglakad.
"Ayos ang date natin, nag-umpisa ng 7 am. Dapat matapos 'to 7 am din." May pagkapilyong sabi ko.
"Baliw ka!" hampas niya sa braso ko.
"Baliw agad? Di ba pwedeng nagmamahal lang?" biro ko.
"Korni mo!" ayun, hampas na naman siya. Halata namang kinikilig. Sobrang pula niya kaya.
"Asus! Kinikilig!" tukso ko sa kanya at sinundot siya sa tagiliran niya. At nahuli ko naman yung kiliti niya.
"Hala! Hindi kaya! Kainis ka!" natatawang tanggi niya.
Narito na kami sa isang fast food chain, dito niya napiling kumain. Gusto niya raw kasi ng pritong manok. Kanina pa siya nakasimangot sa 'kin. Gusto niya kasi subuan ko siya. Ang dyahe kaya ang daming tao. Gusto niya rin akong subuan, kaso umiiwas ako. Haist! Ito talagang mga ganitong eksena ang pinakanaiinisan ko sa romantic movies. Ba't kailangan magsubuan, may kanya-kanya namang kamay?
"Aaahh?" siya at inaalok akong subuan. Bata lang? Umiwas ako pero nagpumilit.
Kulit talaga! "Kung di lang kita mahal." Impit ko. Tapos tingin sa palibot, sabay subo ng inaalok niya tapos nguya agad.
"Ang cute mo!" natatawang mahinang sabi niya.
"I know. Oh, ikaw naman." Ako. Tapos ngumanga siya. Eh, ang laki ng kanin at manok na sinubo ko. Ayun, para nang mapupunit ang bibig niya. Eh, makaganti lang. Kanina pa ako pinagtatawanan nito, eh.
Tawang-tawa talaga ako. Tapos susubuan niya sana ulit ako. Eh, tumanggi na ako. Kaya simangot siyang nakatingin sa 'kin. Parang ako na ang lalamunin ng buo. Pero ako, tinitigan ko siya ng buong puso. Gusto kong iparamdam sa kanya kung gaano ako kasaya ngayon at kung gaano ko siya kamahal. Nagulat pa siya nang bigla kong hawakan ang mukha niya. Pero may kinuha lang akong butil ng kanin at isinubo ko yun. Ayun, napayuko siya sa sobrang kilig.
~~~
NAPAPABUNTONG-HININGA NA ako kanina pa. Ang tagal na kasi ni Chelsa sa restroom. Nag-aalala na ako. Baka kung ano na naman ang nangyari sa kanya. Parang gusto ko nang pasukin ang restroom ng girls. Haist! Kaso baka kung anong makita ko sa loob?
Upo. Tayo. Lakad konti. Upo. Tayo.
Ilang minuto na, di pa rin siya lumalabas. Nag-aalala na talaga ako. Nasa akin ang bag niya at nandito ang pera at cellphone niya. Di naman niya siguro ako tatakasan? At wala naman siyang rason para gawin yun.
~~~
GABI NA NANG lumabas ako ng mall. Mag-isa lang ako. Wala si Chelsa. Pina-check ko sa janitress yung CR at pumasok rin ako dun, pero wala siya. Halos malibot ko ang MOA sa kakahanap sa kanya, pero di ko siya makita. Maging sa parking lot pinuntahan ko na. Nagpatulong rin ako sa security at nanawagan.
Nasaan ka? Nasaan ka ba? Yun ang paulit-ulit kong tanong sa isip ko. Mangiyak-ngiyak na ako.
BINABASA MO ANG
The Girl From Nowhere
Fantasía~[COMPLETED]~ INIBIG NIYA AKO. INIBIG KO SIYA. PERO BIGLA SIYANG NAWALA. Ganun nalang ba yun? Matapos niya akong paibigin at matapos ang masasayang pinagdaanan namin iiwan niya ako? Ginago niya ako. Ni di ko alam ang dahilan. I REALLY HATE HER! BUT...