CHAPTER 69

4.7K 95 26
                                    

CHAPTER 69

> CHELSA’S POV <

“Pwede bang matulog tayo ngayon ng magkakatabi?” si mama. Nasa sala kami at paakyat na sila ni papa sa kwarto nila nang sabihin niya yun. Nagkatinginan kami ni ate at tumango ako kay mama.

“Basta ayaw kong nasa gitna ako.” Si ate, bilang pagsang-ayon niya.

Masaya kaming sabay-sabay umakyat sa hagdan. “Ma, pa, kunin ko lang po yung unan ko. Nahihirapan akong matulog kapag wala yun.” Tumango sina mama at pumasok ako sa kwarto ko.

Pagkapasok ko sa kwarto ko napasandal ako sa pinto pagkasara ko nito. Nanlambot ang mga tuhod ko at napaupo ako. Hindi man sabihin ni mama at pilit niya man itago, nakikita ko parin sa mga kilos niya ang pagkabahala. Na kung siguro alam niya kung nasaan si Nate susugurin niya ito at agad-agad iaalay ang buhay para mawala ang sumpa ng kamatayang naghihitay na sa’kin sa loob ng mga nalalabing araw.

Natanggap ko na namamamtay na ako pero talagang natatakot parin ako. Pinipilit kong wag matakot dahil gusto kong mawala nang nakangiti. Pero kapag naiisip ko ang araw na yun, di ko mapigilang manlumo. Awtomatikong nanginginig ang buo kong katawan kasabay ng butil ng mga luha mula sa aking mga mata. Gusto kong yakapin ang lupa at maramdaman ang mundo. Upang maramdaman ko at iparamdam sa mundo, na nabuhay ako. Gusto kung tipunin ang lahat ng mahal ko sa buhay at magpaalam. Gusto kong sabihin sa kanila na sana di nila ako makalimutan. Natatakot akong maging isang nakalimutang alaala na lamang. Baka sa darating na ilang taon wala nang makaalala na nabuhay ako at baka wala nang magbanggit ng pangalan ko. Sana man lang manatiling buhay ako sa alaala nila kapag nawala na ako. Hindi ko alam kung bakit kailangan ko pang isipin ang mga bagay na yun na parang gusto kung ikulong nila ako sa alaala nila. Napakasakim kung iisipin, na parang ayaw ko silang bigyan ng pagkakataon na magpatuloy sa buhay. Pero kasi napakasakit ring isipin na makalimutan ka nalang. Na para ka nalang isang hanging minsang dumaan.

Nagseselos ako sa buhay na magkakaroon sila na ipinagkait sa’kin ng sumpa. Iniisip ko pa kung iiyakan ba nila ako at kung ilang araw, o aabot ba ng buwan at taon na magluluksa sila sa pagkawala ko. Ano kaya ang hitsura ko kapag nasa kabaong na ako? Ano kaya ang pag-uusapan ng mga tao kung sakaling dumalo sila sa burol ko? Pero magkakaroon ba ako ng burol? Mamamatay kaya ako tulad ng normal na tao na bigla nalang binawian ng buhay o tulad ng mga paru-parong nagsasabi kung ilang araw nalang ang nalalabi ko sa mundo? Mag-iiba kaya ang kulay ko at unti-unting magiging abo tulad nila? Nakakainis! Nakakagalit! Naiinis ako sa sarili ko bakit ko ba biglang naiisip ngayon ang mga bagay na ‘to! Siguro normal na pinagdaraanan ‘to ng mga taong nasa binggit na ng kamatayan. Ito siguro ang side effect nun, ang takutin ang sarili at mag-isip ng mga walang kabuluhan.

~~~

Magkakatabi kaming ngayon sa kama nina mama at papa, at si ate. Sa kanan ko si ate, si mama naman sa kaliwa ko at katabi si papa. Buti malaki ang kama nila at nagkasya kaming apat. Hawak ni mama ang kamay ko. Si ate naglalambing ata at niyayakap ako. Pero di ko alam kung lambing ba talaga yun, di kasi ako makahinga sa higpit ng yakap niya. Si papa nakangiting kanina pa kami pinagmamasdan.

Umayos ng higa sina ate at papa. Hawak parin ni mama ang kamay ko. Lahat kami ngayon nakatingin sa kisame. Hindi ko na maalala kong kailan kami huling natulog na magkakatabi. Nakangiti ako, pero naiyak nalang ako bigla. Hinigpitan ni mama ang hawak sa kamay ko. Alam kong alam niyang umiiyak ako. Si ate naramdaman ko ang pagkilos niya at tumagilid siya patalikod sa’kin. Dahil nakadikit ang katawan naming dalawa, naramdaman ko ang panginginig ng katawan niya, alam kong umiiyak siya. At  nararamdaman ko rin ngayon ang pagluha nina mama at papa.

The Girl From NowhereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon