CHAPTER 64
> NATE'S POV <
Pasaway na Chelsa. Kanina ko pa siya kinakausap sa isip ko di siya sumasagot. Busy ba ang line? Or Mahina ang signal? Haist! After dinner, nag-ayos ako ng sarili, naligo at tatlong beses nag-toothbrush. Inayos ko rin ang kwarto ko at hinanda yung kahon na may gifts ko sa kanya na sinuli niya para isuli sa kanya. Gulo 'no? Inayos ko sa gilid ang kurtina ng bintana para agad ko siyang makita kapag dumating na siya. Balak ko narin sanang buksan, kaso sayang ang aircon. Pero wala akong balak na kung ano, hah. Haist! Wag green!
NASAAN KA NA?
Tanong ko sa kanya sa isip ko. 9 na kasi ng gabi at kanina pa ako naghihintay. Paglingon ko sa bintana nang biglang bumilis ang tibok ng puso ko, nakita ko siyang nakalutang sa hangin at pumapagaspas ang pakpak niya. Madilim pero nakilala ko siya, at nauna siyang nakilala ng puso ko. Agad akong tumayo sa pagkakaupo ko sa kama at tinungo ang bintana. Di naman ako masyadong excited.
"Haist, shit!" inis na sambit ko. Ang epic lang, dahil mukhang na-stock ang lock ng bintana. Di ko mabuksan!
OKAY LANG.
Narinig kong sinabi niya sa isip ko. Napaatras nalang ako nang makitang nasa tabi ko na siya. "H-Hi, Chelsa."
"Hi, Nate." Natawa siya sa pagkagulat ko. Haist! Di ko talaga mapigilan na kabahan sa powers niyang teleportation. Piling ko may kasama akong multo.
Kanina nang ipagtapat niya ang tunay niyang pagkatao, sa totoo lang marami akong katanungan. Pero ba't ganun, natatakot akong malaman ang lahat? Ewan, parang naduduwag ako sa mga pwede ko pang malaman. Dati pa, marami na akong katanungan tungkol sa pagkatao niya. Sa mga kakaibang nangyayari sa kanya. Tulad nga nung naririnig kong nagsasalita siya sa utak ko, yung bigla niyang pagkawala nun sa mall at ang pagdurugo ng ilong niya, ang paru-parong dumarapo sa kanya at sa nangyayaring pagkamatay nito. Di ko makuhang pag-usapan yun, hinihintay ko siyang magkwento. Pero kanina, nang may ipagtatapat pa siya, naduwag akong malaman kung ano yun. Natatakot akong may kinalaman yun sa mga panaginip ko at sa mga kwento niya nun tungkol sa babaeng nakasalalay ang buhay sa alaga nitong paru-paro. Pati yung bucket list niya nagagawin namin sa loob ng isang buwan, inuugnay ko rin sa pwede niyang ipagtapat. Kamatayan. Kamatayan, ang pumapasok sa utak ko at talagang natatakot ako.
Tawang-tawa talaga siya nang makitang nagulat ako sa biglang pagsulpot niya sa tabi ko. Pinagmamasdan ko siya ngayon. Di talaga ako makapaniwala, napakaganda niya. Inangat ko ang kamay ko at hinawakan ang purple niyang pakpak. Di nalalayo sa pangkaraniwang pakpak ng paru-paro ang hitsura nito. May mga kumikislap ngalang sa pakpak niya na nakakahumaling pagmasdan. Napangiti ako nang mahawakan ko 'to. Di ko maipaliwanag ang nararamdaman ko, ang strange ng feeling habang hawak ko 'to. Pero syempre may konting kaba.
"Hindi 'to panaginip," Sabi niya at hinawakan niya ang mukha ko.
Tumango-tango ako hawak ang kamay niya na nakahawak sa mukha ko. "Pero parang di parin totoo." Ngiti ko.
"Maganda ang panahon, maraming bituin at malamig ang simoy ng hangin sa labas."
"Niyaya mo ba akong lumabas, Chelsa?" ngumiti siya. "Kaso saan tayo dadaan? Di ko mabuksan ang bintana."
Lumapit siya sa'kin. Hinawakan niya ang mga kamay ko at pinatong sa magkabilang-balikat niya, at hinawakan niya ako sa magkabilang-baywang.
PUMIKIT KA.
Sabi niya sa isip ko. Sinunod ko siya.
~~~
"Dumilat ka." narinig kong sinabi niya.
BINABASA MO ANG
The Girl From Nowhere
Fantasia~[COMPLETED]~ INIBIG NIYA AKO. INIBIG KO SIYA. PERO BIGLA SIYANG NAWALA. Ganun nalang ba yun? Matapos niya akong paibigin at matapos ang masasayang pinagdaanan namin iiwan niya ako? Ginago niya ako. Ni di ko alam ang dahilan. I REALLY HATE HER! BUT...