CHAPTER 1

14.5K 301 26
                                    

> NATE'S POV <



MONDAY, MONDAY, MONDAY. What a boring day? May amats pa ako. Sakit pa ng ulo ko! Hangover 'to, bro! Pero kailangan pumasok. Kailangan kong ma-maintain ang high grades ko. Lalo pa't graduating na ako. Para sa college makapili ng magandang school.



Nagtataka siguro kayo? High school, may amats? Nasan magulang nito?



Well, wag kayong magmalinis. Ito na tayo ngayong mga kabataan. Pero di ko sinasabing tama. Tungkol naman sa parents ko? Well, wala sila lagi sa bahay. Madalas nasa abroad sila sa kanya-kanya nilang business appointment at di nila alam ang mga kalokohan ko. May pagka-brat ako at medyo spoiled. Pero maintain ko naman ang high grades ko at kasama ako lagi sa top Lastly, yun lang ang inaalam nila sa buhay ko.



Di naman ako nagrerebelde. Di ko nga gets yung mga kabataang ganun? Yung magagalit sa parents nila kasi laging wala sa bahay at katulong lang o yaya ang kasama. Astig nga yun, di ba? Walang magpapangaral.



Mabait sina Daddy at Mommy. Kapag nandito sila madalas kaming mamasyal. Ramdam kong mahal nila ako. Nakakasakal nga kapag nandito sila kaya mas gusto kong wala sila. Lalo si mommy – parang baby parin ako kung ituring. Kailangan lang talaga nilang maghanap buhay para di bumagsak ang negosyo namin, at para sa 'kin din yun. Solong anak lang ako, bata pa ako hinuhubog na nila ako sa magiging ako someday. Marami silang advice lagi. At ang paborito kong advice nila, 'ENJOY LIFE!' kaya ito, Woooohhh! Enjoy-enjoy lang!



Advice ko nga pala sainyo, guys. Kung gusto n'yong wag kayong pakialaman sa mga trip n'yo sa buhay ng parents n'yo, di pataasin n'yo grades n'yo!



~~~

"HI, NATE!"



"Hello, Nate!"



"Good morning, Nate!"  



Greet ng mga schoolmate ko pagkababa ko palang ng kotse. Hanggang sa maglakad ako sa hallway papuntang classroom bawat makasalubong ko babati sa 'kin.



Di ko kilala ang iba sa kanila. Actually, karamihan sa kanila. Yung mga girls kilig na kilig pa. Eh, syempre mag-smile back ba naman ako sa kanila. Nagtitilian pa sila. At ngayon may mga hawak pa silang puso? Minsan nakakairita narin. Sumasakit kasi panga ko sa kakangiti. Pero syempre di ko pinapahalata.



By the way, let me introduce my awesome self! Nabanggit narin naman nila ang name ko, at lagi nilang binabanggit yun.



I'm Nate. Nate nalang, okay? Mr. popular, campus celebrity, campus crush, cool guy, rich kid. Self-proclaimed, 'The Famous Nate'! Humble lang. Marami akong trip sa life. Basta ang alam ko lang, walang masamang magpakasaya!



And one more thing, ayaw kong nagugulo ang buhok ko!



Pagpasok ko sa room, as I expected, hi!, hello! ang mga classmate ko. May mga hawak din silang puso? Pati yung mga boys? May mga gunting at pandikit din?



Assuming lang pala ako. February na nga pala ngayon. At JS Prom na pala sa Saturday. Naghahanda pala sila para sa party.



Siguro lahat sila gusto ako ang maging date? Pagyayabang ko sa isip ko habang nakatingin sa mga girls na nakangiting nakatitig sa 'kin. Pero sorry nalang sila, may babe na ako.



"Hi, babe!" speaking of, siya si Cristy. My love of my life, my gf.



"Hi, babe!" ako sabay yakap sa kanya.



"Excuse me!" galing sa unfamiliar voice sa likod namin ni Cristy ko.



Umusog kami at dumaan ang babae. Nakaharang pala kami sa pinto. Pero, teka? Classmate ba namin siya? May classmate pala kaming weird? Di makita ang hitsura dahil sa nakatakip na mahabang buhok niya sa mukha. Well, I don't care!



Bakit ko ba naman kikilalanin ang lahat ng classmate ko? When eventually, we all be apart after we graduate. No need to know them, it's a waste of time.



32 kami sa klase. Pero halos kalahati lang sa classmate ko ang kilala ko; yung iba kilala ko sa pangalan lang, yung iba sa mukha lang, at yung iba totally strangers para sa 'kin. Tulad nung babaeng dumaan kanina. Yung mga nakakasama ko lang sa mga trip at yung mga tropa ko lang talaga ang masasabi kong kilala sa classmate mga ko.



"Our Prom King and Queen!" si Jasper, tropa kong maloko. Paupo na sana kami ni babe habang magkahawak ng kamay bigla-bigla na lang sumigaw. Napahinto tuloy kami sa unahan ng klase. Nagpalakpakan pa ang lahat at naghiyawan. Napangiti nalang kami. Itong Jasper na 'to! Agaw eksena talaga lagi 'to, eh!



"Pa'no n'yo naman nasabing kami ang magiging King and Queen?" kunwaring nahihiya pang tanong ko. Pero alam ko naman na kami naman talaga yun.



Yumakap sa 'kin si babe. "Bakit may iba pa ba?" malambing ang tinig niya. Napangiti na lang ako.



"Kiss!" tukso ulit ni tukmol na Jasper na 'to!



Doon talaga sa tuksong yun nahiya na ako. May respeto kasi ako kay Cristy. Nagki-kiss naman kami pero smack lang. At hanggang dun lang. At ayaw kong gawin yun sa harap ng iba bilang respeto sa babe ko. Baka kung ano isipin ng mga tao sa kanya. Tsaka ang babata pa namin. Lalong lumakas ang hiyawan ng lahat, nagpalakpakan, nagsigawan at may sumipol pa.



At may isang walang pakialam na umagaw ng pansin ko. Si 'Excuse me girl', yung babaeng dumaan sa harapan namin ni Cristy kanina. Nakaupo siya sa pinakadulo. Nakatanaw siya sa labas. Na-curious ako kung ano tinitingnan niya, mga paruparo? Napakagandang mga paru-paro. Binaling ko sa kanya ang tingin ko. Nakangiti siya na para bang nakikipag-usap siya sa mga paruparong yun, ang weird?



Pero ang pinaka-weird na nangyari. Nang bigla siyang humarap sa 'kin. Nagkatitigan kami, kakaiba feeling na yun. Oh, shit! Di ko maalis ang tingin ko sa kanya. Nabingi ako sa ingay ng sigawan at palakpakan ng lahat. Nakatitig pa rin kami sa isa't isa ng werdong babae na yun na para bang kami lang ang tao sa loob ng classroom. Yun pala ang hitsura niya? Di naman masama. Nasabi ko sa sarili ko. Buti sadyang malakas ang boses ni Jasper. Napukaw ang diwa ko at nabaling ang tingin ko sa kanya.



"Kiss na!" sigaw niya.



Niyapos ako sa leeg ni Cristy. "Kiss daw, babe?" Pilyang sabi niya sa 'kin.



Nakangiting humarap ako sa kanya. Ewan ko, pero parang biglang gusto kong halikan si Cristy at makita iyon ni Excuse me girl? Kaso biglang dumating ang panot naming prof na di ata marunong ngumiti. Natawa nalang kami at ang buong klase, at agad na kaming naupo. Natigil lang ang tawanan nang hampasin ng stick ni panot ang blackboard. Salubong na naman ang kilay nito at naka-duck face pa. Maghilig siguro sumelfie?

The Girl From NowhereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon