Happy reading...
#WantedSexytary
Chapter 4
Araw ng linggo ngayon at balak kong magsimba. Dali-dali akong naligo upang maabutan ko pa ang first mass.
Ganon nalang ang pagkabigla ko ng pag-babas ko ng bahay ay mayroong isang gwapong lalaking naka-sandal sa kaniyang sasakyan.
"Anong ginagawa mo dito?" Bigla kong tanong sa kanya.
"May lakad ka?" Sagot nya.
"Ahh masisimba lang, bakit?" Maligaya kong saad sa kanya.
"Samahan na kita?" Ngisti nya sa akin.
Na'ko sana araw-araw kong makita ang ngiti nyang ito, merong araw kasi na pang biyernes santo ang kaniyang mukha.
Ipinagbuksan nya ako ng sasakyan at umikot na rin at umalis kame papuntang simbahan.
Di ata nagsisimba itong taong ito para kasing nabigla sya kaninang sinabi kong mag-sisimba ako. Ahh basta isasama ko sya para naman mabawasan ang kaniyang mga kasalanan.
"Uhm. Wala ka bang ibang gagawin ngayong linggo?" Basag ko sa katahimikan.
"Wala gusto kitang makita ngayon kaya pinuntahan kita" ayon nanaman yung mapuputi nyang mga ngipin. Gwapo talaga. :-)
"Wag mo naman ako masyadong pakiligin hehe" nahihiyang sabi ko.
"What?" Sagot naman nya.
"Ahh wala, sabi ko nakikiliti ako dito sa seatbelt ko" sagot ko nalang.
Pagkababa namin sa kanyang sasakyan ay pinagtitinginan kame ng mga tao, lalo na ng mga babae. Aba'y gwapo naman talaga itong lalaking katabi ko.
"Let's go?" Ngiti nya ulit, masaya ata itong lalaking ito at kanina pa ngumingiti, ibang iba kasi sya sa mga nakaraang araw, di lang talaga ako sanay.
Tinanguan ko na lamang sya at nauna na sa pag-lalakad.
Agad nya naman akong sinabayan sa pag-lalakad at hinawakan pa ang aking kamay.
Babawin ko sana, ngunit napansin nya atang babawin ko yung kamay ko kaya hinigpitan nya pa lalo sa pag-kakahawak.
Kilig-kilig naman ako sa pag-lalakad dahil para na talaga kaming mag-syota, may mga babae pa ngang halos mabali na ang mga leeg kakatingin sa Greek God na katabi ko.
Well sorry nalang sila dahil akin lang sya. Di pa man kami pero akin lang sya.
***
PAGTAPOS ng simba ay dinala nya ako sa isang Thai Restaurant na'ko sigurado mahal nanaman ito.
"Ah Chris, pwede namang sa iba na tayo kumain, mukha kasing mahal dito" tumingin lang sya sa akin, fine sya nanaman ang masusunog lagi naman e, at sya naman ang gagastos.
"Ahh Chris, asan ang mga magulang mo?" tanobg ko sa kanya.
"Nasa Paris" simple nyang sagot.
"Sino kasama mo dito sa Pilipinas?" tanong ko ulit.
"None, mag-isa ko lang nakatira sa condo unit ko" sagot nya.
Na'ko kawawa pala itong si baby boy mag-isa sa buhay.
"Bat di ka nalang sumunod ka kanila?" nako nagiging madaldal na ata ako masyado.
"Wala, may hinahanap pa ako dito sa Pilipinas" ano daw? Hinahanap? Sino naman kaya?
"Sino? Maari ko bang malaman?" tanong kong muli para naman maliwanagan ako no.
Baka kasi yung pinapahanap nya kilala ko o kaya naman baka matulungan ko sya, diba?
"Wala yon" sagot nya.
"Bilis na sabihin mo na malay mo diba kilala ko?" sagot ko.
"Di mo sya kilala" sagot nya ulit, ang kulit din naman ng lahi nitong lalaki na ito, sana man lang marulungan ko sya sa paghahanap diba?
"Malay mo nga lang diba? Bilis na baka kilala ko, o baka matulungan pa kita magtatanong tanong ako sa mga kaibigan ko, baka sakaling kilala nila" sagot kong muli.
"Alright" sinasadya nya bang bitinin ang sasabihib nya? Tagal naman kase e.
"Sino?" inis na tanong ko ulit sa kanya.
"The girl in the bar"
Maiksi lamang po ito hihi.😂
Sorry po talaga hahabaan ko na lamang po sa next chapter. Thanks😘Sorry nga pala sa mga typos hehe.
Happy reading...
BINABASA MO ANG
WANTED SEXYTARY
RomanceIsa lamang akong mahirap at nais maiangat sa hirap ang aking mga magulang, hanggang nabago ang aking pag-katao ng makilala ko si Christian Leviste isang mayaman at gwapo na aking naka one night stand, at ang masaklap pa ay s'ya pa ang aking naging b...