Chapter 14

15.4K 188 3
                                    

Chapter 14

Kakabalik ko lang galing probinsya at ito nanaman at napaka-traffic nanaman. Alam mo talagang nasa siyudad kana ng maynila e dahil sa mga usok na nanggagaling mula sa mga sasakyan.

***

Pagdating ko sa aking apartment ay agad na akong naglinis ng aking katawan dahil feeling ko dumikit sa akin lahat ng usok kanina sa biyahe, at mabuti na rin ito para makatulog ako agad.

Bukas ko na siguro sasabihin kay Chris na nakabalik na ako. Balak ko kasing isurpresa siya at gagawin ko iyon mamaya pagka-gising ko.

Teka ano nabang oras? E sa gabi na kase ako lumuwas kagabi.

Alas tres na pala ng madaling araw so mga okay na siguro sa akin ang limang oras para matulog. Nako nakakapagod.

Pumasok naman sa isip ko iyong sinabe noong kababata ko na trabaho sa ibang bansa. Maganda siya at malaki ang sahod pero okay na ako dito sa trabaho ko ngayon dahil ayoko rin namang iwan ang pamilya ko at si Chris no mahal na mahal ko kaya sila.

***

Pagkagising ko ng umaga agad na akong naligo at nagbihis para maka-punta na sa opisina nang makita ni loves kong pogi hehe.

***

Pag dating ko sa trabaho ay tinanong ko si Manong Guard kong andiyan naba si Chris.

"Ahh wala pa po Ma'am" sagot naman ni Manong.

"Ahh sige ho, maraming salamat" sabi ko nalang at umalis na.

Saan naman kaya iyon pumunta? Usually kase sya nauuna sakin e.

Paminsan minsan oo nale-late talaga pero iba ngayon e pakiramdam ko parang may mali?

Bigla tuloy aking kinabahan. Nako wag naman sana.

Pagtapos ng lunch ay umalis na ako sa trabaho dahil wala din namang magawa doon meron lang ibang mga papeles na dapat ayusin pero iyon lang.

Wala kase si Chris wala tuloy akong magawa dapat kase andito yun e , para may matrabaho ako.

Bigla ko tuloy siyang na miss.

***

Tambay muna ako sa park para naman mabawasan ang iniisip ko dahil dapat sana ngayon ko isusurpresa si Chris e pero wala siya.

Kung sa bagay di pa nga nya alam na naku-uwi na ako galing probinsya.

At hanggang ngayong dala-dala ko pa itong suman na binili ko pa samin.

Paniguradong masasarapan siya dito, ang sarap kaya nito.

Nakatanaw lang ako sa malayo ng mapansin ko ang isang lalake sa di kalayuan parang kilala ko siya mula kase sa pananamit at tindig ay parang si Chris.

Pero may kasamang babae e imposible naman na siya iyon. Di ko kase makita ang mga mukha nila dahil malayo at may nga naka-harang pa.

Curious talaga ako e, kaya di ko namalayang naglalakad na pala ako ngayon papalapit sa kanila.

Abay confirm nga sila iyon at bakit sila magkasama? At dito pa talaga sa park?

Nako ayoko muna mag-conclude paniguradong may malalim na dahilan yan.

Baka magkaibigan lang at namasyal lamang sila? Hmmm tama! tama! Lumabas lang sila pareho para makita mamaya ang fire works display.

Pinagmasdan ko lamang sila ng ilang oras. Grabe ko no? Akalain nyo yun? Ilang oras ko silang tinitignan at nasaksihan ko lang naman kong paano sila maghalikan? Na akala mo walang girfriend itong si boy.

Iyak lang ako ng iyak at nabitiwan ko ang aking pasalubong sana sa kanya ng biglang timingin sa gawi ko itong si Kim.

""J-aneile" saad nya na parang nambubwiset bigla namang tumingin sa akin si Chris at agad na bumitiw kay Kim.

"Uhmm baby its not what you think, please makinig ka muna sakin"

"Its not what i think? Huh? Oo mali nga ako dahil akala ko lumabas lang kayo para manood nyang letyeng fire works na yan, pero nakita ko? Sa harap ko? Hmm oo nga maling-mali ako" sabi ko at patuloy paring ng pag-agos ang aking mga luha.

"Please makinig ka muna sa akin" sabe nya ng nagmamakaawa.

"Sorry, Pero ayoko na, itigil na natin to" iyak pa rin ako ng iyak. "Malaya kana pwede mo na siyang puntahan, okay lang sakin kung saan ka masaya, okay lang sakin" patuloy paring umaagos ang aking mga luha.

"Nope, please makinig ka muna sakin" pag-mamakaawa niya.

"Ano? Mahal moko? Tangina naman Chris, kung mahal moko bakit mo siya kasama? Sige nga? Bakit?"

"I just..." yun lang at naputol ang kanyang sasabihin.

"Just ano? Kung talagang mahal moko sana di ka naghanap ng iba" sabe ko. "Ilang araw lang ako nawala may iba kana? Alam mo? Ikaw dapat sayo di talaga minamahal e, pero ang tanga ko lang at minahal kita" na agad ko namang pinagsisihan ang sinabe pero di ko na binawe dahi masakit din eh.

Sa totoo lang di ko naman talaga pinagsisisihan na minahal ko siya.

Naging masaya ako sa kanya at napasaya niya ako.

"Ayoko na" yun lang at umalis nako.

Ang sakit, ang sakit sakit na di man lang niya ako sinundan at pinigilan? Nakita kong tumulo kanina ang kanyang mga luha.

Ang sakig nun sa akin na umiyak siya. Pero kasalan din naman niya kung bakit ako nakipag-hiwalay.

Siguro di lang talaga kame parasa isat-isa.

***

Pag-sapit ng umaga ay agad na akong pumunta sa opisina ni Christian upang maipasa itong resignation letter.

Tapang ko no? Nagawa ko pang humarap sa kanya.

"Please Jane. Pag-usapan naman natin ito. Oo alam kong mali ako maling mali, pero wag mo naman akong iwan please" bakas sa kanyang boses ang lungkot.

Pero nakapagisip na ako ayoko muna siguro.

"Hayaan mo muna ako Chris, Please" sabi ko at nagunahan na ang aking mga luha sa pagpatak.

***

"Hello?" sabi ko sa kabilang linya.

"Oh hello napatawag ka?" sagot nong kababata ko mula sa kabilang linya.

"Uhmm meron paba iyong trabaho na inu-offer mo?" tanong ko sa kanya.

"Buti naman at naisipan mong itanong iyan nako wag ka mag-alala tutulungan kita sa pagpasok dito" sagot niya.

***

Ang daming tawag at text ni Chris sa akin at nagtatanong kung nasaan ako pero ayoko na.

Aalis na muna ako at sana pag balik ko okay na ang lahat, sana pwede pang maging kame.

Iyon ay kung nagbago na siya.

Mahal na Mahal kita Chris pero niloko mo lang ako.

Hindi pa siguro ito ang tamang oras at panahon para sa atin.

.....

Hey guys! Sana magustuhan niyo haha sorry late update busy kase sa school haha.😂

To be continued...

WANTED SEXYTARYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon