Chapter 22
Pagtapos ng gabing pag-amin sa akin ni Chris ay halos di muli ako pina-tulog ng aking damdamin.
Okay naba ako? Sa totoo lang hindi pa, bakit? Dahil Una oo mahal ko pa siya, Pangalawa gulong-gulo pa rin ako dahil napakarami ng nangyari sa aming dalawa ata paano si Kim? Diba? Di ko pa nga alam kung ano ng nangyari sa kanilang dalawa at ayokong maging katulad nila, ang maging mang-aagaw.
"Mama tara na po andiyan na si Papa" aya sa akin ni Christine balak kasi naming mamasyal ngayon at mag-simba.
"Okay baby, andiyan na, nasuot mo naba iyong bago mong shoes?" tanong ko sa aking anak.
"Opo mama look oh ang ganda" napaka lawak ng kaniyang ngiti na ngayon-ngayon ko nalang ulit nakita syempre alam kuna ang dahilan kung bakit ganyan siya ulit kasaya.
"Okay, tara na?" hinawakan ko ang kaniyang kamay upang sabay lumabas sa bahay nila Jan.
Nakita naman namin si Chris sa labas na naka sandal sa kanyang sasakyan.
"Papa" tawag pansin ni Tin sa kanyang ama.
"Hello baby" saka ito hinalikan sa pisngi. Tumingin siya sa akin saka lumapit saka, saka...
"Uyy si Mama nagba-blush" sabay halakhak ni Tin. Mas lalo naman akong pinamulahan dahil sinabe sa akin ng aking anak at napaka-lapit ng mukha niya mula sa akin.
"I missed you" Missed daw? Eh kagabi lang kame huling nagkita ah? Missed agad?
Pero missed ko din siya haha.
"Buti pa tara na?" pag-iwas ko. "Baka ma-late pa tayo sa first mass" nakita ko naman sa kanyang mga mata ang lungkot bago sumunod sa amin at sumakay sa kaniyang Limousine.
Pag-dating namin sa simbahan ay agad na kaming pumwesto sa bandang harapan upang mas madinig at maunawaan namin ang sasabihin ni Father.
"Ngayon po ang ating topic ay ang pagmamahal, bakit napakaraming nagpapakasal na maghihiwalay lang rin?" Sabi ng Pari. "Dapat nating pakakatandaan na ang pagmamahal ay sagrado dahil humarap tayo sa panginoong Diyos nangako tayo bilang iisa"
"Kaya sa mga may pamilya o partner ngayon sa simbahang ito, sanay huwag kayong papasok sa isang relasyon na parang kayo lamang ay napipilitan because nothing more painful than freeing your love while your dying kaya sabihin mo ngayon sa taong mahal mo brother's and Sister's na Mahal kita"
Nakikita ko sa gilid ng aking mga mata na nakatingin sa akin si Chris, ayokong humarap, ayoko pa.
"Mahal kita" bigla niyang sabe doon ako napatingin sa kanya ngunit nagiwas siya ng tingin at tumingin kay Christine.
"Mahal kita baby" saka sila nagyakapan. At akala ko ako? Akala ko ako ang kaniyang sinabihan pero ang anak niya pala hmfp.
Nang matapos ang simba ay subog naman naming pinuntahan ay ang park, ang park na naging saksi sa aming pagmamahalan.
Pigil ang aking mga luha sa mga masasayang ala-ala na nangyari dito sa lugar na ito.
"Mama okay ka lang po?" sinulyapan ko pa muna si Chris bago sumagot."O-kay lang ako baby" nautal ko na sagot. "Tara na?" dinala namin siya sa dati naming puwesto ni Chris na damuhan.
"Ang ganda po dito Mama, Papa" galak na galak na sambit ni Tin.
"Nagustohan mo ba anak?"
"Nagustohan mo ba anak?"
Sabay na sabi sa amin ni Chris, humagikgik naman si Tin sa reaction naming dalawa.
"Opo ang ganda po dito mama, papa" sagot nito.
Inumpisahan na naming ilatag ang maliit na kumot upang doon maupo at ilagay ang aming mga baon na pagkain.
"Ma,Pa pwede po ba akong maglaro doon?" tinuro nito ang mga batang naglalaro malapit sa fountain.
"Sige basta huwag kang lalayo huh?"
"Thank you Mama" malawak na ngiti nito.
Pinanunuod lamang namin si Christine na pasayang nakikipaglaro sa mga bata. Napaka tahimik namin ni Chris sa panunuod sa aming anak.
"Uhm kain tayo?" alok ko sa kanya sa niluto ko kaninang adobong manok.
"Mamaya na sabay-sabay na tayo" saka siya ngumiti aa akin ayon nanaman eh yung mga nguting iyon napaka ganda sa matang tignan.
"Okay" simple kong sagot.
"Naalala mo pa ba noon? Noong panahon na malungkot ka malungkot ako tapos dito tayo nagd-date" panimula niya, napa-angat naman ako sa kanya ng tingin.
"Dito mo ako sinagot noon" napasinghap siya na para bang naiiyak. "At dito mo din ako iniwan at hiniwalayan" nakita kong tumulo sa kaniyang kaliwang mata ang luha. "Tapo..."
"Stop, tama na" umiyak na ding sabi ko.
"Please hayaan mo akong magpaliwanag"
"Tama na Chris napaka dami mong sinasabing kasinungalingan"
"No baby magpapaliwanag ako para sa anak natin" baby? natin? Oo nga't siguro ay nagkamali siya pero hindi ko pa rin kaya, hindi pa kaya ng puso ko na patawarin siya oo mahal ko pa siya di naman nawala yun eh pero napaka rami ng nangyare.
"Huwag muna ngayon please lang Chris 'wag muna ngayon" tuloy-tuloy paring pag-agos ng mga luha sa aking mga mata.
"Okay, please wag kanang umiyak, ayokong makita kang umiiyak" agap niya saka ako hinalikan sa noo. "Pero hayaan mo sana akong maging ama sa ating anak, babawi ako promise doon na kayo tumira sa akin and that's final"
Tumango lang ako at di naman nagtagal ay umuwi na rin kame upang mailigpit na ang aming mga gamit upang lumipat.
"Friend salamat huh? Salamat sa pagpapatuloy niyo sa amin" naiiyak kong sambit sa kaibigan.
"Nako okay lang yun ano kaba?" naiiyak niya ring sabe. "Pero kung sinaktan ka uli niyang si Christian tawagan mo ako huh? Ako mismo ang kukurot sa singit niyan" nag-tawanan kami ng nag-tawanan hanggang sa maka-alis kami.
"Papa maganda po sa bahay mo?" tanong ng aming anak.
"Oo baby, nakahanda na iyong kwarto mo excited kana ba?"
"May sarili po akong kwarto?" maligayang tanong ni Tin sa kanya.
"Of course baby" nahihiya naman akong mag-tanong kung may sarili ba din ba akong kwarto? Pero okay lang sa akin kung tatabi nalang ako sa aming anak.
To be continued...
BINABASA MO ANG
WANTED SEXYTARY
RomanceIsa lamang akong mahirap at nais maiangat sa hirap ang aking mga magulang, hanggang nabago ang aking pag-katao ng makilala ko si Christian Leviste isang mayaman at gwapo na aking naka one night stand, at ang masaklap pa ay s'ya pa ang aking naging b...