Chapter 7

19.5K 204 15
                                    

Chapter 7

Happy reading.😘

September 16 na ngayon at una nang bumate sila mama kinukulit nanaman akong umuwe daw para makapag-celebrate pero 'di kaya may work pa kase ako.

Saka na siguro ako uuwi sa probinsya pag Pasko.

Pagdating ko naman sa opisina ay wala lang pano nga ba nila alam ng birthday ko ngayon e, wala naman akong close ni isa manlang.

Minsan nga ang bored e, wala man lang maka-usap pero ayos lang ang mahalaga may trabaho ako.

At pinababayaan ko na lang sila dahil naiinggit ata sa akin dahil parati nalang kaming lumalabas ni Christian para kumakain.

"Kape" sabi ko kay Chris na abala sa kanyang laptop sa pagta-type.

"Yeah. Thanks!"

"Sige" sabi ko at lalabas na sana ng tinawag nya ko.

"Ah Jane"

"Yes?" sagot ko.

"Labas tayo mamaya, okay lang ba?" tanong nya.

"Uhm. Okay lang naman. San tayo pupunta?" tanong ko sa kanya.

"Dinner, at tambay muna tayo sa park?" sagot n'ya.

"Sige" pag-sangayon ko sa kanya dahil gusto ko din namang pumunta doon.

Its been a week na din kaya noong huli kong punta don.

Yun lang at lumabas na ako may sasabuhin pa ata s'ya ngunit naka-labas na ako at di nalang pinansin.

INAYOS ko na ang mga gamit ko dahil alam kong maya-maya lang ay lalabas na yung lalaking nilalang sa kanyang lungga.

Speaking of the devil haha joke lang, mukha s'yang anghel hahaha ang gwapo ng mukha.

"Are you ready?" tanong nya.

"Yup" sagot ko.

"Let's go?" Tumango ako, at kinuha nya ang bag ko at sya na ang nag-bitbit.

Gentleman din pala ito ngayon ko lang na laman haha.

Pero sabe noong si Jean empleyado n'ya sa akin noon daw di ganon si Chris sa dati nyang secretary madalas nga daw itong mapagalitan e, samantalang sa akin ibang-iba inasar pa akong may gusto sa akin.

Well totoo naman di ko nalang sinabe dahil baka kiligin pa ng sobra.

"Gutom kana ba?" Tanong sa akin ni Chris habang nagmamaneho.

"Di pa naman ikaw?" Tanong ko.

"Di'pa" sagot n'ya.

PAGDATING namin sa palagi naming kinakainan at agad na kameng um-order at kumain.

kahit kailan di ako magsasawa sa resto na ito dahil bukod sa masasarap ang sine-serve na pagkain ay mababait din ang mga staffs nito minsan pa nga binibigyan pa kame ng extra food  dahil sa palagi daw kaming kumakain dito pero sinabe ko nalang na 'masasarap ang kanilang mga pagkain' kaya lagi kame dito.

Si Chris naman kanina pa may ka-text sa kanyang phone.

"Okay ka lang ba? May problema?" tanong ko.

"Nope, its okay"

"Okay" sagot ko nalang at nagpatuloy sa pagkain. Enjoy ko nalang ito kunyare treat ni Chris ito para sa birthday ko.

PAGDATING namin sa park ay nakita ko agad ang dami ng bata na nagtatakbuhan malapit sa fountain. Ang sarap talaga tignan sana magkaroon din ako ng mga ganyang anak na ka bibo kagaya nila.

"Tara? Upo tayo sa damuhan" sumang ayon naman ako at umupo nalang.

"Salamat sa pagdala sa akin dito, pati na rin sa dinner" sabe ko.

"Huwag ka munang magpasalamat" sabe nya. "Tingin ka sa kalangitan"

Tumingin naman ako at nasilayan ko ang magaganda at ibat-ibang kulay ng ilaw ng mga fire works.

Well ang ganda naiiyak na'ko kase dream ko na makakita ng ganito kaganda na fire works display.

"Happy Birthday" sabi n'ya at doon na talaga ako napa-iyak dahil akala ko di n'ya alam akala ko matatapos nalang ang kaarawan ko ng di man lang nya binabati.

"Thank you, Thank you Chris" iyak ko at niyakap lang sya.

"Your always welcome baby" sabi nya. Time na siguro para sagutin ko s'ya dahil di naman ang panliligaw ang dapat patagalin kundi ang relasyon n'yo sa isa't-isa.

"Chris makinig ka minsan ko lang ito sasabihin" tumingin naman sya sa mga mata ko.
"Chris gusto din kita gustong-gusto kita." iyak ko. "tayo na"

Na tulala s'ya n'ong una pero nakabawi din naman. At tumalon-talon. Nakakatawa pala sya kiligin sobrang saya nya.

"YESS WOOOO KAMI NA" sigaw nya napatingin pa yung mga tao at ngumiti dahil sa pinag-gagawa nito haha.

"Janeile Alcantara my baby salamat ngayon ko lang naramdaman ang excite at galak na ito dahil sayo" sabe nya at bigla nya akong hinalikan. Di naman ako pumalag dahil gusto ko rin naman.

Ang lambo't ng labi n'ya ang sarap halikan. Ako na ang unang bumitaw sa mga halik dahil wala ata siyang balak na tumigil sa pag-halik.

"Sobra na" sabi ko.

"Pwede isa pa?" ngiti-ngiti nya.

"Heh, tama na sobra na"

"Please?"

Ako na ang humalik sa kanya dahil baka pag sya palalimin na naman n'ya napaka-rami pa namang mga tao ngayon lalo na mga bata. Baka makita pa kame.

PAGKAHATID n'ya sa akin ay agad na akong naligo at nahiga na dahil ala-una na rin nagtagal pa kame doon sa park at pinanood ang mga batang naglalaro habang nag kukuwentuhan.

Kwinento nya ang kanyang pagkabata na noon pala ay 'sa tito na n'ya sya tumitira dahil parehong busy sa trabaho ang kanyang mga magulang at madalas ring wala sa loob ng bansa.

Naalala ko pa kanina pag-labas ko ng sasakyan nya dali syang lumabas akala ko may naiwan ako sa sasakyan nya iyon pala gusto lang ng halik pinagbigyan ko nalang. Para kasing bata kong mag-tampo may nalalaman pang kunware iiyak na parang bata.

Iyon lamang at natulog na talaga ako dahil sa antok.

Bahala na bukas baka ma-late ako at tanghaliin ng gising pero okay lang naman siguro s'ya naman ang dahilan kaya ako napuyat at s'ya rin naman panigurado late din iyon.

***

#WantedSexytary

To be continued...

WANTED SEXYTARYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon