Chapter 21

16.5K 175 105
                                    

Chapter 21

Araw ng Sabado ngayon at pa-biyahe kame papuntang panggasinan upang doon iraos ang kasal ng aking kaibigan.

Magkakasama kame nina Christian at Christine sa isang Kotse bale ang set-up ay si Christian ang nagd-drive ako sa tabi niya sa sa front seat at si Christine naman sa likod.

Napakalikot at halos lumudag pa sa nakikita niyang tanawin na nakikita.

"Papa Mama, look oh" sabay turo sa mga taong may buhat na mga palay. "Bubuhat din silang palay mama tulad nina lolo" sabi niya.

"Oo baby, yan kase ang kabuhayan sa probinsya" saad ko.

"Alam mo po Papa si lolo
ang galing mag-buhat ng palay"

"Ganon ba baby? Magaling din ako mag-buhat ng palay" pag-mamalaki nito.

"Talaga po? Pero mas magalimg si Tito Elmer mag buhat" Dumilim ang mukha ni Chris at nagtatanong na tumingin sakin.

"Mas magaling pa din si Papa baby" sabay tutok na sa dinadaanan.

Paglipas ng 6 na oras ay naka-rating na kame sa bayan ng Bolinao Panggasinan. Napaka daming bilihin na maaring ipasalubong sa aking pamilya sa Nueva Ecija.

"Mama picture mo'ko sa dagat please?" agad na sambit sa akin ng aking anak pagkababa palang ng sasakyan.

"Sure baby teka kunin ko lang Cellphone ni Mama" sabay bukas ko sa aking Sling bag na dala.

Sabay kaming tumakbo sa dalampasigan at agad na itong kinuhanan ng litrato "Okay baby pag sabe ko ng tatlo talon ka huh?" sambit ko. "One..Two..Three" sabay pindot sa Camera.

Ng makuhanan ay saka ko palang naramdaman na nasa tabi ko na pala si Christian na maligayang pinapanood si Christine.

"Papa dalawa naman tayo" aya ng anak.

"Sure" sabay lapit dito at kinarga. Sabay silang ngumiti at sabay pindot sa aking cellphone.

Tinitigan ko muna ang kanilang litrato bago ko ipakita sa kanila ang aking kuha. Napaka ganda sa mata na makita ang aking anak na masaya sana nga di na ito matapos dahil ayoko na ulit umiyak ang aking anak nang dahil walang ama sa tabi.

"Mama okay ka lang po?" kanina pa pala sila naka-tingin sa akin, nakakahiya.
Hindi tuloy maiwasan na mamula ang aking pisngi dahil sa kahihiyan.

"Yeah baby" sabay ngiti sa kanya.

"Kayo naman" sabe ni Christian, na tinutukoy ay ang pagkuha sa amin ng litrato.

Ibinigay ko ang aking cellphone at kinuhanan kame ng mga dalawang pictures.

"Tatlo naman po tayo" paki-usap sa amin ng anak.

Naka-tinginan na muna kame ni Chris bago sumang-ayon. "Oo naman baby" sagot ko.

"Ahh kuya pakuha naman kame ng litrato" sa tingin ko ay isa itong staff ng isla.

"Sure Ma'am" sagot nito.

Nasa gitna namin si Christine at nasa mag-kabilang gilid naman kame. Ngunit medyo magkakalayo ang agwat, i mean medyo may space ako sa mag-ama.

"Ma'am lapit po kayo kina Sir, para makuha po kayo ng mas maganda" saad ng lalake.

Dumikit ako sa kanila at umakbay sa akin si Christian tignan ko muna ang kamay nito bago ako humarap sa Camera at ngumiti.

"Papa Mama akap nyo po ako please? Habang picture" ano? Aakapin? Di ko ma-imagine kung anong kalalabasan kung ganoon ang set-up namin sa litrato.

"Ah baby...."

"Of course baby" sagot ni Christian na nagpahinto sa aking sasabihin tinignan nya pa ako ng nakakalokong ngiti sabay baling sa anak. Sinamaan ko naman sya ng tingin at syempre walang choice kung di sundin ang gusto ng mag-ama.

Bale ako ang unang yumakap sa anak ko sabay akap din ni Christian sa akin at sa aking anak. Di ko alam kung anon ang itsura ko ngayon habang magkayakap kame.

Kung anu-ano ba naman kasing kalokohan nitong si Christine por que alam niyang meron kaming alitan ng kaniyang ama e parang binagbabati pa kame.

Okay na po Ma'am, na'ko ang saya saya po ng pamilya n'yo Ma'am and Sir, halatang mahal na mahal n'yo po ang isa't-isa" sabay abot sa akin ng cellphone ko sabay alis.

Sumulyap naman ako sa mag-ama na ngayon ay ngingisi-ngisi.

"Ano naman nginingisi-ngisi nyo jan?" sabay irap kay Chris.

"Mama are you blushing?" sabe ulit ng aking anak.

"Kinikilig kase si Mama anak" sagot naman nitong si mokong.

"Hindi no" sabay walk out para maka-iwas sa kahihiyan. Inaamin kong kinikilig ako pero ayoko lang aminin.

Pagka-akyat ko sa aming tinuluyan na hotel ay agad na akong naglinis ng katawan at pagtapos ay agad ng lumabas. Naabutan kong nag-uusap iyong dalawa at nakinig ako kung ano ang kanilang pinag-uusapan.

"Mahal mo ba Mama ko?" tanong ng aking anak. Matagal bago siya naka-sagot.

"Mahal na mahal anak" sagot nito na nagpatigil ng pintig ng aking puso.

"Papakasalan mo ba siya?" balak ata nitong anak ko na maging reporter balang araw.

"Sa ngayon baby hindi muna marame pang dapat ayusin si Papa" sabay ayos sa buhok ni Christine.

"Pero papakasalan mo po?"

"Yes baby, papakasalan ko si Mama"

Lumabas ako ng C.R na kunwareng walang narinig.

"Oh ano naman pinag-uusapan nyo?" nagkatinginan ang mag ama at sabay na ngumisi.

"Wala po Mama" maligayang sagot ng aking anak.

"Okay" maikling sagot ko.

"Mama swimming tayo nila Papa bukas pagtapos na kasal ni Ninang huh?"

"Oo naman anak" sagot ko.

Nang maka-tulog si Christine ay siya namang labas ni Christian sa C.R na naka-tapis lang ng tuwalya sa kaniyang balakang di ko tuloy maiwasang di maglakbay ang aking mga mata sa matitipuno nitong katawan at braso at pababa na rin sa....

"Enjoying the view?" agad nahinto ang aking mata dahil sa sinabi ng masarap na ulam I mean sinabi ni Christian.

"Hoy hindi no! Asa ka ilan lang abs mo no" sabay iwas ng tingin sa kanya dahil feeling ko umaapoy na sa init ang mukha ko.

"Bakit ilan ba nabilang mo sa abs ko?" ngisi nanaman nitong si Mokong.

"Uhm anim lang" sagot ko.

"Oh e tinignan mo nga?" sabay tawa niya.

"Bat ba kase lumalabas kang ganyan lang" irap ko sa kanya.

Nang maka bihis siya ay agad na itong tumabi sa amin pumaharap siya at sabay akap sa amin ni Christine.

"Ano ba? Kamay mo nga" kunware ay galit na sabi ko. Pero ang sarap sa feeling ng yakap niya eh.

"Wag kana maingay, baka magising ang anak natin" natin ang sarap sa earss charot, kinlig naman ako sa sinabi niya.

"Tsk" sagot ko nalang sabay pikit ng mata.

To be continued...

WANTED SEXYTARYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon