Chapter 27
"Tito Elmer kumusta po?" sabay takbo ni Christine at yumakap kay Elmer.
"Okay lang naman si Tito baby ikaw?"
"Okay din po" sinulyapan ko si Christian na madilim ang tingin kay Elmer marahil ay magseselos nanaman. Hindi ko pa din lasi sinasabing kapatid ko si Elmer.
"Oh ate, kumusta?" biglang tanong sa akin ng kapatid ko, bigla namang napaawang ang bibig ni Chris dahil sa narinig.
"Okay lang naman ako bunso" saka ko siya nginitian.
Ito namang si Chris ay parang di pa din malinaw sa kanya ang lahat kaya nilapitan ko siya.
"Kapatid ko siya" sabi ko saka ko siya hinawakan sa kamay at hinila palabas ng bahay.
"Elmer si Christian papa ni Christine, and Christian si Elmer kapatid ko" pakilala ko.
"Hello bro" nagkamayan sila at itong si Elmer ay inaya si Christian upang makipag-inuman sa mga kaibigan niya.
"Tara bayaw doin tayo" turo nito sa isang gilid kung saan naroon ang mga barkada niya.
"Mga brad si Christian Leviste bayaw ko" pagpapakilala niya dito.
Isa-isa silang nakipag kamayan sa kanila.
"Carter Jayrius Saavedra" unang pakilala nung isa at nakipag kamayan.
At sunod sunod silang nagpakilala kay Chris saka sila uminom.
Nakaraan ang ilan pang araw dito sa probinsya at ganoon pa din ang trato nila sa mapapangasawa ko sa kabila ng ginawa niya sa akin at alam ng pamilya ko iyon sa kabila noon tinanggap pa rin nila si Chris ng walang galit.
Ang sabi ng pamilya ko ay basta't kung saan ako sasaya doon rin sila.
Napag-usapan na din namin kung kailan namin balak mag-pakasal at sinabi naming bago matapos ang taon.
"Excited na ako sa kasal natin" niyakap ko si Chris habang nakahiga sa isang higaan na gawa sa kawayan.
"Ilang araw nalang din naman" sagot naman niya sa akin at mas hinigpitan ang yakapan namin.
"Kailan nga pala birthday mo? Hindi mo sinassabi sa akin kung kailan iyon" tanong ko sa kaniya, dahil hindi ko alam kong kailan baka kasi birthday niya na hindi ko manlang alam.
"Hindi na iyon importante"
"Bakit?" tanong ko.
"Hindi ako nagcecelebrate mula pa noon dahil wala namang may paki-alam sa akin.
"Pero meron na kame ng anak mo ngayon may dahilan kana para icelebrate iyon"
"I love you" tanging sagot niya lang, hindi ako sumagot sa sinabi niya at nanahimik lang.
"Wala manlang bang I love you too?" tanong niya.
"Wala hanggang hindi mo sinasabi kung kailan birthday mo" saka ako humalikipkip.
"Okay, uhm, April 16"
"Pareho pala tayong 16 ang ang date" sagot ko at ngumiti sa kanya.
"Asan na ang I love you too ko?" masungit niyang sabe.
Nilapitan ko siya at ikinis sa labi. "I love you too, Mister" saka ko siya kinindatan.
Hinalikan niya akong muli at mas pinalalim pa iyon. "Ooops tama na baka saan pa ito mapunta"
"Please paisa lang?" pakiusap niya.
"Ikaw sumosobra kana Leveste, ayokong maglakad sa altar na malaki ang tiyan"
"Okay okay" lumapit uli siya sa akin at hinalikan saka na kame bumaba upang mananghalian."Mama, Papa bat tagal kayo?" tanong ng aming anak.
"Naligo pa kase sila Papa anak" sagot nan ni Chris.
"Okay po" sagot nito at nagpatuloy ng kumain.
***
Napili namin ni Christian ang magpakasal sa St. Antoninus Parish Church.
Dito ako parating nagsisimba at dito ko din ipinagdasal na sana dito rin ako ikasal at ito nga at matutupad na iyon.
Inasikaso na rin namin ang wedding designer, reception mga besita at mga kamag-anak.
Ilang araw nalang, ang akala namin ay hindi laya ang isang buwang preparasyon para sa kasal pero kinaya namin lahat at tuloy na tuloy na iyon.
Sinurpresa pa ako ng mga kaibigan ko galing Manila pati na rin si Bella Denise Tiongson na kaibigan ko dito sa probinya.
"Okay girls andito na ang boys" sigawan sila ng sigawan at pumasok ang isang lalaking malaki ang katawan na sumayaw sayaw sa karap ko. Hinayaan ko lang naman dahil alam ko kung sino itong lalaking ito na naka-hubad sa harap ko.
"Pwedeng alisin mo na iyang maskara mo Chris?" masungit kong sabe.
"Hi baby" saka siya ngumiti sa akin.
"CONGRATS IN ADVANCE" sigaw ng mga kaibigan ko saka sila nainoman ng alak.
"Bakit ikaw ang andito?" tanong ko kay Chris.
"Hahayaan ko naman bang may ibang lalaki ang sumayaw sayaw sa harap mo?
"Kahit kailan talaga napaka seloso mo" sagot ko at saka ko siya niyakap.
"Uwi na tayo lasing na din naman ang mga kaibigan mo"
"Mabuti pa nga" sabi ko at tumayo na.
Nakasalubong namin ang kaibigan ng kapatid ko na si Carter at na papunta sa pinanggalingan namin.
At makalipas ang sandali ay buhat buhat na niya ang kaibigan ko na si Bella.
"Bitiwan mo nga ako" nagpupumiglas na sabi ni Bella.
"Lasing kana iuuwi na kita"
"Ano ba? Bakit ka ganyan? Diba iniwan mo ako? Sabi mo di mo ako mahal? Bakit ngayon? Andito ka?" at doon ko napatunayan ma meroong namamagitan sa kanilang dalawa.
"Tara na" aya ko kay Chris.
"Sa isang araw na ang kasal natin, ang bilis no?" tanong ko sa kanya.
"Oo excited na akong tawagin kang Misis at maging Leviste kana"
"Mas excited ako, matagal ko na itong pinapangarap"
"I love you Misis ko" saka niya ako siniil na halik.
"I love you too Mister" sagot ko at gumati ng halik.
And we make love all night naka ilang rounds din kame bago nakatulog.
***
Ty Says:Anong gagawin mo kung ikaw si wika?
Kung pinapalayas ka na ng sarili mong bansa?
Kung pilit mong ipinagsisiksikan ang sarili mo pero sinusuka ka na.
'Di na sila nahiya sa pagluwa ng sariling kanila, nanghalili pa ng iba.Anong gagawin mo kung malaman mong ikaw na'y itinatakwil?
Gising na sa Amin mga Namumuno ipag tanggol ang wikang sinambit ng ating mga ninuno Sapagkat ito ay pagka kilanlan ng ating pagka Pilipino...
Mabuhay ang wikang pilipino!!! Wag hayaan na tayo ay maging mang mang sa sariling atin.
"Bakit hindi nalang ang ibang dialect ang pag-aralan? Para naman hindi tayo aanga-anga pag may nakausap tayong bisaya aaminin kong na aaliw ako sa mga karean at d-dramas pero tutol ako sa balak nilang pag tanggal sa asignaturang Pilipino kailangan pang matutunan ng mga estudyante ang ating wika dahil ito ang ating pagkakakilanlang bilang Filipino"
BINABASA MO ANG
WANTED SEXYTARY
RomanceIsa lamang akong mahirap at nais maiangat sa hirap ang aking mga magulang, hanggang nabago ang aking pag-katao ng makilala ko si Christian Leviste isang mayaman at gwapo na aking naka one night stand, at ang masaklap pa ay s'ya pa ang aking naging b...