Chapter 18
After 5 years....
"Mama, ligo pa tayo please?" sumamo ng anak ko sa akin.
Meet Christine Jace, my 5 years old baby. Yeah baby, baby ko pa din siya.
Kahit minsan ay ayaw na niyang ipatawag sa kanya ang baby pero ayoko. Big Girl na daw kase.
"Mamaya na baby, baka sipunin kana anak" sagot ko.
"Mommy please" nag-puppy eyes pa. Isa pa itong mga matang ito na diko kayang hindian dahil sa mga asul at mapungay na mga nito na nakuha niya sa kanyang ama.
Pati ang mukha, kutis, at ilong ay nakuha sa kanya ang ama. Ang pag-galaw lang ata ang nakuha sa akin at ang isip.
"Oh why my Princess? Bat ganyan mukha mo?"
"Tito Mer" tawag ng anak ko sa kanyang tito na si Elmer. "Ligo po tayo, doon oh" sabay turo sa mababaw na parte ng ilog.
"Sige pero saglit lang tayo huh? Baka sipunin kana" sagot naman ng kanyang tito.
Kahit kailan talaga spoiled ang anak ko sa tito niya. Mula sa mga laruan at mga gamit ay nakukuha nito dahil sa kapatid ko.
"Opo" tinignan pa ako ng kapatid ko at sinabing siya na ang bahala at kumain na daw ako dahil paniguradong di ako nakakain dahil sa kakulitan ni 'Tin.
Ring.... Ring....
Janelle calling...
Accept... Decline...
Napaka nice timing nitong kaibigan kong ito. Palagi nalang. Pero sinagot ko din dahil matagal na kaming di nakakapag-usap. Pumunta ba namang U.S noon dahil broken hearted.
"heChristine Jace ot ko sa tawag.
"Hello, friend" sagot niya sa kabilang linya.
"Oh napatawag ka ata?" Tanong ko.
"Wow ayaw mo ba ko tumawag?" Tanong niya.
"Joke lang friend, I missed you" sabay halakhak.
"Kaw talaga friend, I missed you too" halakhak niya rin.
"By the way, punta ka sa kasal ko huh sa next, next week na yun." sabi niya sa kabilang linya.Handa na ba ako sa pagbabalik sa maynila? Paano kong makita ko siya doon? Paano kung kunin niya sa akin ang anak ko?
Di naman sa idinaramot ko ang anak ko pero takot ako, takot ako na mawala ang anak ko sa tabi ko.
Pero awang awa ako sa anak ko dahil lagi siyang umuuwi ng luhaan dahil binubully daw siya ng kaniyang mga kaklase na walang Papa.
Kaya lagi siyang naghahanap sa kanyang Ama na alam ko namang walang pakealam sa amin dahil may mahal na iba, baka nga mag-asawa na sila ngayon eh.
Pero sige susubukan kong ipakilala at kung tanggapin niya man ay okay. Pere ang kinakatakot ko ay ang hindian niya ang anak namin. Na baka sabihing sa ibang lalaki ito.
"Friend andiyan kapa ba?" tanong ng kaibigan ko.
"A-ah oo, oo pupunta kame ng anak ko." sagot ko. Nakita ko namang palapit na ang mag tito na tawa ng tawa.
"Oh siya baba ko na friend, eat daw ako nitong bebe ko" sagot ng aking kaibigan at sabay halakhak. Ibinaba niya agad at patuloy pa rin ako sa pagtawa sa huli niyang sinabe kahit kailan talaga.
Pagkauwi namin ay agad ko ng inayos ang mga gamit namin.
Kinausap ko na rin sila Mama sa balak kong pag-punta ng Maynila upang umatend sa kasal ni Janelle.
Pumayag naman sila basta nag enjoy lang kame, at iwasan na ang lalakeng iyon kung sakali mang mag-tagpo kame roon.
Dalawang linggo bago ang kasal ni Janelle ay bumyahe na kame pa-maynila para na rin maipasyal ko man lang ang aking anak doon at masukatan na rin para sa mga susuotin namin sa kasal.
"Mama don po ba Papa?" tanong ni Christine. Ayaw ko pa sana sagutin pero.
"Oo anak" simpleng sagot ko.
"Mami-meet ko na po" baling ulit sa akin ng aking anak.
"Tignan natin baby huh? Baka busy iyon ngayon e" sagot ko pero sa loob loob ko ay gustong-gusto kong sabihin na dina sila magkikita dahil may ibang mundo na ang kanyang ama.
"Sige po Mama" simple niyang sagot at tumingin ulit sa bintana.
"Friend, Tin wow ang gaganda niyo ahh" tili ng aking kaibigan.
Dito kame dumiretso sa kanilang bahay dito muna kame dalawang lingg lang naman at ayaw kame payagan nitong kaibigan ko na mag-rent nalang ng apartment para sa amin ng anak ko pero ayaw niya.
"Syempre po, tita ninang" sagot ng anak ko na masayang masaya.
"Pasok na kayo at makakain na" sabi ng kaibigan ko
Nang makapasok kame aya agad na kaming dumiretso sa kanilang dining area upang makakain.
"Ganda po ng bahay niyo tita ninang" ngiti-ngiti ng anak ko.
"Gusto mo ba mamaya tour kita? O kaya kasama mo si Vince" Vince siya iyong anak nila ni Judah na panganay.
"Ayoko po kay Vince tita ninang" sagot ng anak ko na nalukot ang mukha.
"Bakit naman?" tanong ulit ni Jan.
"Badboy po yun e, sabi po liligawan daw po ako, eh ang bata-bata pa namin" Wow sabagay nga naman bata pa sila para sa ganoong bagay.
"Asan pala ang anak mo friend?" tanong ko.
"Hay panigurado tulog pa iyon, pero kung nalamang andito si Tin paniguradong tatakbo yun papunta kay tin" sabay kaming tumawa dahil kahit na badboy ang anak nito na kay bata-bata ay tiklop iyon pag-dating kay Christine.
Pagtapos namin kumain ay pumunta sa aming kuwarto at nagpahinga lang kaunti at lumabas.
Narito kame ngayon sa garden habang pinagmamasdam ang mga batang nag-aaway nakakatuwa kase itong si Vince, lapit ng lapit kay tin. Ito namang anak ko ay lumalayo lang at iniirapan ang kalaro.
"Wag ka nga hawak sakin, bad ka" narinig ko pang sabe ng anak ko.
"Eh gusto nga kita sabe eh" sagot naman ni Vince.
Nagpatuloy lang sila sa ganoon at pinabayaan ko lang minsan lang kase magkaroon ng kalaro ang anak ko na di siya binu-bully.
"Alam mo Christine kamukha mo tito Christian pareho kayo mata"
To be continued....
BINABASA MO ANG
WANTED SEXYTARY
RomanceIsa lamang akong mahirap at nais maiangat sa hirap ang aking mga magulang, hanggang nabago ang aking pag-katao ng makilala ko si Christian Leviste isang mayaman at gwapo na aking naka one night stand, at ang masaklap pa ay s'ya pa ang aking naging b...