Chapter 10

17.3K 181 3
                                    

Happy reading.😘

Chapter 10

Kasalukuyan ako ngayong nagi-in-code sa computer ng tumawag si Mama.

"Hello Ma?"

"Anak, halos kalahating milyon na ang babayaran natin sa ospital, di ko alam kung saan tayo kukuha ng ganob kalaking halaga" sabi ni mama habang umiiyak.

"Ma, okay lang ako na pong bahala." sabe ko upang tumigil na si mama sa pag-iyak.

"Anak, gastos mo na lahat. At alam kong kauumpisa mo palang sa trabaho"

"Ma, okay lang mangungutang nalang muna siguro ako at may ipon ako sa bangko kakasya iyon" sabe ko dahil naipon ko iyon noong nagtrabaho ako bilang isang aasistant of the principal noon.

Buti talaga di ako magastos na tao at buti nalang nakaipon ako.

"O-sige anak, ingat ka diyan"
"Opo ma" sagot ko at pinatay na ang cellphone.

Ngayon ay mas lalo akong di nakaka-alis sa trabaho dahil higit na kailangan ko ito ngayon.

-

Iniligpit ko na ang mga gamit ko at dali ng bumaba dahil panigurado kanina pa naghihintay mula sa baba si Chris.

Dinaanan kase ako kanina na sya na daw maghahatid sa akin.

At nauna ng lumabas dahil mas kakausapin pa daw siya sa ibaba

-

Bago ako lumabas sa kanyang sasakyan ay kinausap ko muna sya.

"Ahh Chris"

"Yes?" sagot nya.

"Mmm baka di muna ako maka-pasok bukas? At sa mga susunod pang araw" pag open up ko.

"Why? May problema ba?" tanong nya.

"Nope, wala naman. Si papa kasi nasa ospital. Kailangan ako doon" sabe ko. "Mga dalawang linggo lang or what aasikasuhin ko lang si Papa hanggang maka-labas ng ospital"

"Mmm. Sasama ako" sabe nya. At napatingin ako sa kanya.

"Ano? Hindi na, I mean alam kong busy ka" sagot ko. Habang sya ay wala namang emosyon.

"At meron ka pang schedule para sa mga products na darating next week kailangan ka doon" sabe ko.

"But..." natigilan sya.

"No but's" pagputol ko. "Saglit lang naman ako,  two weeks lang" mukha naman syang nakumbinsi mula sa kanyang reaction.

"Promise me one thing"

"Ano?"

"Wala kang lalapitang lalaking iba doon at dapat ako lang ang pwedeng humawak at manghalik sayo" na'ko naman.

"Understand?"

Kahit ayoko ay sumang-ayon nalang ako dahil baka mag iba pa ang kanyang isip at sumama sa akin sa probinsya.

Mukha pa naman syang di sanay sa init.

"So ahm. Gabi na, uwi kana"

"Kailan alis mo?" I saw the sadness on his eyes. Pero ayoko magpa-apekto baka di ko matiis at di nalang ako umalis.

"Maybe tomorrow?" Sagot ko.

"Anong oras?" tanong uli nya.

"Mga madaling araw nalang, mga 2 or 3 am?" mahirap kase mag-byahe pag may araw na, you know traffic" sabe ko ng may ngiti.

"Pwede ba akong makitulog ngayong gabi?" bahagya syang himikab. Parang nag-dadahilan lang ah.

"Huh? Bakit naman? Umuwi kana."

"Please?" nag puppy eyes pa sya. Nako naman dinaan nanaman nya ako sa kahinaan ko. Sa mga titig nya kasing iyon e.

"Bakit naman kita papatulugin sa tinutuluyan ko? E di hamak na mas maganda iyong tinutuluyan mo kaysa sa akin?" sabe ko.

"Dahil Girlfriend kita, gusto ko lang makatabing matulog ang babaeng mahal ko" natigilan ako sa huli nyang sinabe.

"A-ano? M-mahal moko?" Pag-kautal ko.

"Yup. Di kita liligawan kung di kita mahal" sabe nya kinilig naman ako.

"Since when?" tanong ko.

"Since the day i met you?" sagot nya.

"You mean sa bar?" tanong ko.

"Yup. Sa totoo lang binabantayan kita noon, dahil lasing ka, and you look hot by that day" sabe nya.

"Bat mo naman ako binabantayan e di naman kita kilala?" sabe ko.

"Tinanong ko din yan sa sarili ko pero di ko alam, di ko maiwasan, at sa araw din na iyon ay parang ang bilis ng tibok ng puso ko sayo" sabe nya."di ko nga lang alam noon na love pala iyon pero alam kong nahuli mo na ako noon palang" dagdag nya. Habang naglalakad pa-loob sa tinitirhan ko.

"Tapos..."

"Tapos ano? Pinagsamantalahan mo na ako?" pag-putol ko sa kanya.

"Haha hindi. Ikaw kaya ang may gusto non. Sabe mo pa nga sa akin na dalhin kita sa la..."

"Wait, wait" pag-putol ko.

"Pasok na tayo para makapagpahinga na"

Ngumiti lang sya, at alam ko na iyon no ang sasabihin nya na kagagawan ko kung bakit nakuha nya ako noong gabing iyon? Well okay lang mahal ko sya, at sabi nya mahal nya ako. Okay na siguro iyon basta't mahal namin ang isat-isa.

***

A/N: Next Chapter Spg?

#WantedSexytary

To be continued...

WANTED SEXYTARYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon