Happy reading...
#WantedSexytary
Chapter 6
Its been a week na ng makabalik si Chris sa trabaho.
Ganon pa din naman hinahatid pa din nya ako sa pag-uwe at nag-ooffer pa siyang sunduin nalang ako tuwing umaga pero sinabi kong wag na dahil alam ko namang busy sya, at pagod din. At ilaan nya nalang ang oras ng pag-sundo sa akin sa pagtulog.
Para naman kahit papaano ay mayroon din siyang lakas.
Araw ng martes ngayon. At dahil maaga akong nagising ay naglinis na lamang ako ng aking tinutuluyan dahil di ko din naman nalilinis ito araw-araw.
***
After ko sa bahay ay dumiretso na ako dito sa opisina.
"Aga mo ata?" nagulat pa ako sa pagsalita bigla ni Tin sa tabi ko.
"Ahh maaga lang nagising" tugon ko.
May sasabihin pa dapat sya ngunit bumukas na ang elevator at agad na akong lumabas at tumuloy na sa aking desk.
Nag-text sa akin si Chris na di daw s'ya makakapasok dahil meron daw s'yang pupuntahan na isang kasal. Kasal daw ng kaniyang kaibigan.
Kaya ako naman ay ginagawa ko na lamang ang mga trabaho ko at inayos ang mga naantalang meetings.
***
Pagsapit ng gabi ay agad na akong natulog dahil sa pagod.
Nag-text pa sila mama na tawagan ko sila ngunit pagod na talaga ako nagreply nalang ako na maaga nalang akong tatawag bukas.
NAPABALIKWAS ako sa pagkakahiga ng biglang tumunog ang aking cellphone na ka-tabi ko pa pala.
Nakita ko si Mama ang tumatawag kaya agad ko ng sinagot ito.
"Hello Ma?" sabi ko.
"Anak akala ko ba tatawagan mo kame ng maaga?" tanong sa akin ni mama at dali-dali kong tinignan ang orasan.
Nakita kong alas dies na ng umaga hayss. Buti ns lang wala akong pasok ngayon. Dahil may pupuntahan ako ngayong araw.
"Ah Ma! Pagod kasi ako sa trabaho kaya nakatulog ako agad kagabi. At napasarap naman ang tulog kaya tinanghali ako" saad ko.
"O siya kumusta ka?" tanong ni mama.
"Okay lang naman ako Ma! Kayo? Kumusta na?" naiiyak na ata ako dahil miss-na miss ko na sila. Kaya ayoko sana sila kausapin e dahil iiyak lang ako.
"Okay lang kame Nak! Kailan ka bibisita sa amin?" tanong ni Mama.
" E Ma di ko pa alam kakaumpisa ko pa lang sa trabaho" sagot ko.
"E nak! Miss kana namin malapit na rin birthday mo" oo nga pala September na ngayon. So ilang araw na lang.
"Opo Ma! Di ko pa alam kung makakauwi ako" saad ko."Kumusta po pala si Papa? Okay naba sya? Magpapadala ako ngayon, nagbibihis na ako" sabi ko.
"Okay naman si Papa mo Nak! Osige hintayin yung padala mo naka-hiram din kasi ako ng pera sa Tita mo" sagot naman ni mama.
"E Ma! Bat pa kayo humiram? Sana tinawagan n'yo na lang ako"
"E nak! Alam ko naman na kauumpisa mo sa trabaho kaya okay lang Nak!"
"Sige po Ma! Pag may kailangan kayo tawag na lang kayo sakin" baka may masabi nanaman kase sila tita tungkol sa amin na halos lahat daw ng kailangan namin kinukuha sa kanila e di naman daw sila bangko na pinag-huhuthutan ng pera.
Sobrang sama ng loob ko noon pero pinabayaan na lang namin at ipinasa-Diyos nalang ayaw ko din naman kasi na bawal magtanim ng sama ng loob sa kapwa.
"Sige Nak! Salamat" ibinaba ko na yung Cellphone at dali ng nagbihis at dumiretso na sa malapit na padalahan.
***
Nag-grocery na muna ako bago umuwi dahil baka maubusan ako ng supply sa bahay.
NAPAGDISIYUNAN ko na lang na mag-luto na lag dahil na bo-bored na talaga ako dito sa bahay na nirerentahan ko.
Nag-browse muna ako sa facebook ko dahil matagal na din ng huli akong nag-open.
May mga notification ako galing sa mga tag galing kay Janelle, minsan talaga di ko maintindihan yon pati ba naman mga pictures nya ita-tag pa sa akin?
Matapos kong mag-open ay nag-out na ako at natulog na lang para naman may lakas ako bukas sa trabaho.
At the second time nagising nanaman ako sa ring ng cellphone ko.
Agad ko na itong sinagot at di na tinignan ang caller ID nito.
"Hello?" sabi ko sa cellphone.
" Hey" nagulat naman ako at agad na tinignan kung sino. At tama nga ako si Christian nga.
"Ow hello! Napatawag ka?" tanong ko sa kanya.
"Dinner tayo mamaya" utos iyon at di tanong. Kaya ano pa nga ba? May magagawa pa ba ako? Lagi naman s'yang ganyan.
"Hmmm sige, anong oras?" balik ko sa kanya.
"8 susunduin nalang kita" ewan ko ba pero parang na excite ako bigla.
"Okay" maiksi kong sagot dahil sa kilig.
***
KASALUKUYAN kaming kumakain ngayon sa isang mamahaling restaurant na malapit lang sa kanyang kompanya.
Nagulat nga ako kanina dahil alas siete palang ay naroon na s'ya sa tinutuluyan ko, di pa nga ako nakakapag-bihis e.
Kaya ano pang ginawa ko? Nagbihis na ako agad, nahihiya pa akong magbihis kanina dahil di ako sanay na may kasamang lalaki sa tinitirhan ko.
"Hey! Are you 'kay?" doon lamang ako nabalik sa huwisyo.
"Ah oo okay lang ako" pahiyang sagot ko.
"Hows your day?" tanong nya.
"Okay lang! Ikaw? Kumusta nga pala yung pinuntahan mo?" tanong ko.
"It was fine" ngiti nya sa akin.
"Mabuti naman" ngiti ko rin sa kanya.
Tawa lang kami ng tawa habang kumakain kame dahil sa mga kwento namin sa isat isa tungkol noong bata pa kame.
At ngayon ko lang ata sya nakita na tumawa ng ganito kaya sinulit ko na minsan ko lang kasi s'ya makitang tumawa ng ganito. He looks happy today.
Lumabas kame ng restaurant ng may mga ngiti sa labi.
Hinatid nya naman ako sa tinutuloyan ko tinanong pa nga nya ako kung safe ba ako sa tinutuluyan ko at nag offer pa na sa condo nalang tumira pero ayoko pa rin.
Bago sya umalis ay binigyan ko s'ya ng kiss sa kanyang pisngi na kanyang ikina-gulat.
Sabi ko naman na pasasalamat ko lang sa kanya sa araw na ito.
Iyon lang at dali na akong pumasok dahil kinikilig ako.
Higit pa ata sa pagka-gusto ang nararamdaman ko pero alam ko namang di nya ako mahal at gusto nya lang daw ako.
Kaya nga gusto ko na s'yang sagutin para naman magka-kilala pa kame ng lubusan.
***
So Hi✋ sorry again sa mga typos hihi.😂
#WantedSextary
To be continued...
BINABASA MO ANG
WANTED SEXYTARY
RomanceIsa lamang akong mahirap at nais maiangat sa hirap ang aking mga magulang, hanggang nabago ang aking pag-katao ng makilala ko si Christian Leviste isang mayaman at gwapo na aking naka one night stand, at ang masaklap pa ay s'ya pa ang aking naging b...