Chapter 20
"Pwede ba kitang maka-usap?" Tanong sa akin no Chris.
Narito kame ngayon sa garden nila Janelle at matamang tinitignan ang mga batang naglalaro na napamili namin sa mall kanina.
"Okay" maikli kong sagot, patay malisya akong di alam ang pag-uusapan kahit na alam ko na ang sasabihin niya.
"Si Christine, Uhm a-nak k ba siya?" tanong niya. Nakita ako sa kanyang mga mata ang naghalong saya at lungkot na para bang maiiyak pa.
"O-oo, anak mo siya" agad tumulo ang aking mga luha sa aking mga mata at agad din itong pinunasan. Ayokong makita niyang mahina ako at nasasaktan kahit iyon ngayon ang aking nararamdaman.
Naka-ngiti na siya ngayon at bigla akong niyakap ng mahigpit.
"Sorry" agap niyang sabe, I missed him, na missed ko iyong feeling na parang safe ka sa mga bisig niya. Pero alam kong hindi na kame pwede dahil nakita ko sa mall kanina na may kasama siyang iba.
"Mama, bat ka iiyak?" matamang tanong sa akin ng aking anak.
"Uhmm sorry baby" sinulyapan ko si Chris na ngayon ay nakatitig sa kanyang anak.
"Uhm baby, diba gusto mo na makita si Papa?" marahang tanong ko.
"Bakit po? Makikita ko na po Papa ko?" excited na tanong niya sa akin.
"Oo baby" tumalon talon siya sa sobrang saya at ako ay kaniyang niyakap.
"Kailan ko po siya makikita?" tanong pa niya.
"Ngayon na anak" sagot ko. Saka ako tumayo at tinignan si Chris na hangang ngayon ay naka-tingin pa rin sa anak.
"Baby, siya ang Papa mo" mahinahon kong sabe.
"P-papa" agad itong lumapit at niyakap saka bumuhos ang kaniyang mga luha. Napaka-lakas ng hagulgul nito at di ko napigilan ay napa-iyak na rin ako dahil sa sobrang saya ng aking anak.
"Baby" binuhat ni Chris ang anak at saka ito niyakap ng mahigpit.
"Papa wag mo kame ulit iwan huh?" umiiyak pa ring sabi ng aking anak
"Yes baby di ka iiwan ni papa" sagot naman nito. Sinungaling alam kong isang araw ay aalis ito at sasama sa girlfriend niya at dapat ay maka-usap ko si Chris na huwag paasahin ang bata dahil kawawa ito.
Nang maka-tulog si Christine sa bisig ni Christian ay agad na akong pumunta sa kwarto upang maayos ang hihigaan.
Iniisip ko pa ding kung sakaling umasa ang aking anak na makakasama ang kaniyang ama ay maaaring madagdagan ang lungkot nito at hanap hanapin ang kaniyang Papa.
"Ibaba mo na siya rito" pinampag ko pang muli ang kama at sumulyap sa kanila, napaka-ganda nilang tignang mag-ama.
Nang maibaba niya ay bigla itong nagising at umiyak.
"Papa wag ka aalis po Please?" tuloy-tuloy na iyak nito.
"Okay,okay baby wag kana iiyak tatabi na ako sayo oh" sagot naman nito at sumulyap sa akin.
Tumango lang ako at umalis na sa kanilang tabi at pumunta sa shower room upang maligo.
Pagka-tapos ko maligo ay naabutan ko si Chris na naka-tulugan na rin sa pagpapa-tulog muli sa anak.
Mabanayad akong umupo sa kama at tinitigan ang mag-ama napaka ganda talaga nilang tignan sana palagi nalang ganito at wag na matapos pero kahit na ganoon ay mali ako at aalis at aalis pa rin dahil merong ibang naghihintay para dito.Habang tinirignan sila ay bigla itong dumilat at tumingin ng deretso sa aking mga mata.
"Uhmm. Sorry di kana naka-uwi" sabi ko ng kinakabahan na feeling ko ay kanina pa namumula ang aking pisngi.
"It's okay, anak ko din naman ito" sagot nito.
"Uhm nakita kong may kasama ka sa mall kanina kaya okay lang kong iwan mo din kame" saka ako tumabi sa aking anak.
"Bella is a friend, walang kame" sagot nito, para naman akong naniniwala ano? Siya paba?
"Okay lang, pero wag ka naman sanang mag-papangako sa bata dahil sabik siya sayo" naluluhang sabi ko ngunit ibinaling ko sa iba ang aking atensyon upang di na ito tumulo pa.
"Hindi! hindi ko kayo iiwan pananagutan ko ang bata"
***
Maiksi lamang po ito. Balak ko sanang next week pa mag UD pero ayon nabasa ko comments niyo kaya salamat guys.
At meroon pa pala akong thesis na tinatapos you know me naman haha graduating na hahaha.❤😂
To be continued...
BINABASA MO ANG
WANTED SEXYTARY
RomanceIsa lamang akong mahirap at nais maiangat sa hirap ang aking mga magulang, hanggang nabago ang aking pag-katao ng makilala ko si Christian Leviste isang mayaman at gwapo na aking naka one night stand, at ang masaklap pa ay s'ya pa ang aking naging b...