Chapter 9

17.6K 187 11
                                    

Happy reading.😘

Chapter 9

Kailangan ko na talaga siguro munang umuwi sa amin sa Probinsya para naman may ka-tulong si Mama sa pag-alaga kay papa. At may ka-tulong din si mama sa pagbantay sa ospital.

Alam ko kasing di maaasahan iyong magaling kong kapatid na si Elmer.

Puro na lang sya barkada, pero di naman sya iyong masamang anak at kapatid dahil alam naman nya ang kanyang limitasyon lalo na pag kapos kame sa pera tumutulong naman sya sa pamamagitan ng pagw-working student.

Minsan pa nga tinanong ko sya kung saan sya kumukuha ng pera na ibinibigay sa akin o kay mama basta sabe nya Good thing daw at gwapo sya at useful daw ang kanyang mukha. Tumatawa nalang kame ni mama pag-sinasabe nya iyon.

Well totoo naman maliban sa gwapo sya ay malaki din ang kanyang katawan na lalong nagpa-gwapo sa kanya. Idagdag mo pa ang tangos ng kanyang ilong, mapupulang labi, at makinis na mukha.

Well alam kong maraming babae ang magkakandarapa sa kapatid ko.

Iyon lamang at nakatulog na ako dahil din siguro sa kakaisip kay papa na sana gumaling na sya.

Nag-pray din ako na sana payagan ako ni Chris na umalis muna para maalagaan si papa.

E basta pipilitin ko nalang siguro sya at lalambingin para mapapayag.

-KINABUKASAN-

"Hey, Miss anjan ba si Christian sa loob?" Tanong no'ng babae sa akin.

"Uhh, Yes Ma'am? Sino po sila? May appointment po ba kayo?" Tinaasan lang ako ng kilay.

"Di ko na kailangan ng appointment, I'm Kim San Diego, your boss Girlfriend so why would I set an appointment to my own boyfriend?" Saad nya. Ako naman at napanganga lang dahil sa mga nalaman ko. Tama ba ang narinig ko? Na itong babaeng nasa harapan ko ngayon ay boyfriend ni Chris?

Nope. Ayoko muna mag-conclude itatanong ko nalang mamaya sa kanya. Tama yun nga ang dapat kong gawin.

"So nasa loob ba sya?"

"Y-yes" sh*t bat nautal ako?

"Okay" sabay alis nya.

Sa unang tingin ay aakalain mong parang isang angel itong si Kim, dahil napaka-ganda nito, siya ay sexy, makinis ang mukha, may matangos na ilong, magandang labi, at ang gandang taglay nito.

Pero hindi dahil kabaliktaran ang ugali nito, mula sa pagkausap sa akin kanina, mukhang masungit at parang...

"Ahh Janeile, pwede mo bang ibigay ito kay Sir? Asap!" sabi nung si Jr. Marketing head ng kumpanya.

"Ahh okay po"

"Salamat" sagot nya naman at tumalikod na sya at umalis.

Di ko alam kong papasok ba ako o mamaya nalang pero dahil asap sabe ni sir Jr. Siguro ibibihay ko ns dahil baka nga naman kailangan na at di pwedeng ipagpaliban.

Unti-unti ay binuksan ko ang pintuan at nakita ko ang babae na si Ms. Kim na nakatalikod mula sa akin na nahaharangan naman nito si Chris.

"Ano ba talaga ang kailangan mo Kim? Walang tayo" natigilan ako dahil sa sinambit ni Chris.

"But i love you, and i know that you love me too Christian" malumanay na sabe ni Kim.

"Well you're wrong, I don't love you Kim" matigas na boses ni Chris.

Awt's ang sakit non ahh kung siguro ay ako ang sabihan ng ganoon ng taong mahal ko? Baka marahil mabuti pang mamatay na ako.

"Please Christian bigyan mo pa ako ng Chance" impit na boses ni Kim.

"No, makaka-alis kana" sabe ni Kim.

"No Cristian, aalis ako for now but babalik ako, babalikan kita Cristian, higit pa sa kaibigan ang nararamdaman ko para sa iyo. I love you Christian" yon lang at umalis na si Kim.

Ako naman at nagtago muna sa likod ng pinto upang di nya mapansin.

Ang sakit non. Na may ibang nagmamahal na babaeng iba sa kanya.

Gusto ko kase ako lang, maramot ako lalo na sa mga taong mahal ko.

Pumasok na ako at inabot kay Chris ang mga papeles na ipinabibigay ni sir Jr.

"Whats that?" tanong nya.

"Ipinabibigay ni Sir Jr."

"Okay" yun lang at inabot nya na ang mga papeles ramdam ko namang wala na sya sa mood ngayong araw marahil siguro kay Kim.

"Uhmm. Sino si Kim?" tanong ko dahil di ko talaga mapigilan na itanong pakiramdam ko kase ay di nanaman maaalis sa isipan ko pag-di ko nalaman ang mga bumabagabag sa akin.

"A friend" sagot nya at di tumitingin sa akin.

"Okay" sabe ko nalang at tumalikod. Bago ko pa mabuksan ang pinto ay nagsalita sya.

"Dont worry about her, she's nothing okay?" Sabay lapit sa  akin ng may ngiti sa kanyang mga labi.

Hinila nya ako at hinalikan sa noo.

Tuluyan na akong napa-ngiti at tumingin ng deretso sa kanyang mga mata.

Sabe nila pag daw hinalikan ka ng isang lalaki sa iyong noo ibig sabihin daw non ay may respeto sya sayo at mahal ka raw nya.

So mahal na ba nya ko? Di naman masamang umasa pero sana lang, sana ay pareho kame ng nararamdaman.

"Go back to your work" sabe nya pero ako ay nakatulala lang sa kanyang maamong mukha.

Tinapik nya ng bahagya ang aking noo at humalakhak.

"Hey, bat mo ginawa yon?" sinamaan ko sya ng tingin.

"Alam kong gwapo ako, at wag ka masyado tumitig, ikaw din baka matunaw ako at mawala sa paningin mo."

Sabay impit na tawa.

"Tse, bahala ka sa buhay mo, matambakan ka sana ng trabaho" sabay walk out ko na.

Narinig ko pa syang humalakhak.

Hinayaan ko nalang sabihin ba namang matutunaw daw sya pag tinititigan ko?

Pati ba naman pag-titig bawal na rin?

Hayy na'ko naman sana matambakan iyong lalaking iyon.

Grrr kainis.

-

Tinignan ko sng schedule ni Chris at ang lahat ng mga ito ngayong week at next week .

So busy pala sya ngayong week na ito and next week din?

Di pa ako nakakapagpaalam ba aalis ako at hihingi ng vacation leave.

Nakakahiya man na manghingi ng leave dahil halos mag-aapat na buwan pa lang ako ay kong alisin ang hiya.

Dahil pamilya ko na ito at may sakit si Papa di ko kayang mawala iyon Mahal na Mahal ko iyon dahil sa pag-aaruga nya sa amin ng kapatid ko.

Ipapasa ko nalang muna siguro ang mga trabaho ko sa iba or re-sign nalang?

Kailangan ko talag kasing bigyan muna ng pansin ang pamilya ko lalo nat ganoon si papa.

Pero pagiisipan kong mabuti.

***

#WantedSexytary

To be continued...

WANTED SEXYTARYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon