TaeRin 6: My Beautiful Enemy

139 3 0
                                    

TaeRin 6: My Beautiful Enemy

(Yerin POV)

One week na ang nakalipas, matapos yong ball, at dahil dun naging close kami ni Taehyung, as in minsan nalang kami nagsasagutan, karamihan nga dun eh biruan lang. Ewan mukhang nature na namin ang magsagutan. Ito papunta kami nina Umji, Eunha at Jungkook sa palistahan ng sasali sa couple activity na magaganap during the field trip/ camping, magpapalista kasi sina Jungkook at Eunha . Nakita din namin dun sina Sowon, sasali din pala sina Sin B at Jhope.

After nilang magpalista ay pumunta muna kami ng canteen, wala pa naman kaming klase ngayon, habang kumakain kami ng burger na binili namin kanina ay bigla nalang may sumulpot sa tabi ko sabay sabing.

"Di man lang ako sinabihan na dito pala kayo pupunta"sabi ni Taehyung sabay pout pa sa harapan namin

"Bakit nagtanong kaba? At tsaka kakarating mo lang diba?"ako naman

"Aizxst whatever, here basahin mo" sabi niya sakin at may pinakita siya saking papel binasa ko naman ang nakalagay dun.

"Beauty pageant? Next week? Oh ano naman yan?"tanong ko sakanya

"Sali tayo"siya

"What? Ayoko nga"

"Sige na please. Alam mo pagsumali tayo dito for sure mananalo tayo dahil were both have beautiful faces and also smart, are you agree with me?"siya at nagpuppy eyes pa

"Alam mo di mo ako madadala sa pagpupuppy eyes mo, basta ayoko"ako

"Alam mo Yerin sumali kana, sayang nga beauty and brain mo"si Umji

"Oo nga" sang ayon ng dalawang boys

"Kahit na basta ayoko period"ako

"Kahit na tumangi ka sasali ka parin" sabi ni Eunha tsaka siya tumingin kay Taehyung at may binigay na papel "Yan na yong form mo sa pagsali mo sa pageant, kami na nagfill up ni Umji, para di kana makatangi" sabi ni Eunha sabay kaladkad kina Umji at Jungkook, at ayon natakasan na nila ako.

Napatingin ako sa tabi ko, tumingin din siya sakin, tapos nagmadali siyang tumakbo at di ko na nga siya nahabol. Tapos the next day nalaman ko nalang na kasali na ako sa pageant, wala na talagang tangihan to, hay buhay nga naman, di ko alam kung bakit ako nagkaroon ng kaibigan na tulad nila.

~~~

(One week later)

"I love you Yerinnie" sabi niya sakin

"I love you Ta---"

*Lo-lo-lo-love bug--- Lo-lo-lo*

Naputol yung maganda kong panaginip, yon na eh, makikilala ko siya, kaso sinira naman ng tumatawag sakin pagtingin ko si Eunha, problema nito?

"WHAT?" I yelled at her

"Pwede po pakibabaan ng boses, ang aga aga"suway niya sakin

"Yon na nga eh, ang aga aga ng bubulabog ka ng tulog"ako

"Baka po nakakalimutan mo ms. Jung may pageant ka po ng 8 am at it's already 5:30, you must prepare, dadaan kita dyan sainyo ng 6:30 am dapat tapos kana or else---"di ,ko siya pinatapos, mangba-black mail lang yan

"Oo na, magpe prepare na nga"ako

"Good girl, madali ka lang palang kausap"siya

"Yeah, yeah"ako. "Ok I hanging up"sabi ko tapos inend ko na yong call, at nagprepare na, at by 6:30 am ay naghihintay na ako kay Eunha sa labas ng bahay.

After some seconds ay dumating na yong family car nila so sumakay na ako, pagpasok ko nagulat ako ng tapikin ako sa balikat ni Umji, di ko siya napansin, at ayon nag usap lang kami ng kung ano ano habang nagbabyahe. After 20 minutes ay nakarating na kami sa school ayon kanya kanya kami ng bitbit habang papasok ng school buti nalang di pa matao, sabagay mamayang 8 pa ang pageant at 6:55 am palang. Dumiretso agad kami sa dressing room at naabutan namin dun yong ibang kasali sa pageant, masasabi kong ang gaganda nila, parang gusto ko na tuloy umayaw feeling ko kasi matatalo ako, ang ganda talaga nilang lahat.

Bangchin Short StoryWhere stories live. Discover now