Chapter 3

7.3K 142 10
                                    

Chapter 3

Ruthless

Matapos ang ilan pang oras ng pag-iisip ay nagpasya na akong bumangon mula sa kama. Yes, bumangon at hindi nagising. Tama ang hinala ko na hindi ako makakatulog kahit isang minuto.

I looked at the digital clock on the top of my bedside table. It said 4:07 in the morning.

I sighed. Ang kadalasang gising ko ay alas singko y medya pero dahil patuloy pa rin ang nararamdaman kong pagkabagabag ay useless na rin na magtagal pa ako sa kama.

I got out of my room and headed toward the kitchen. Umupo ako sa harap ng lamesa at napahilamos ako ng mukha. I have to think of some ways para hindi ako maapektuhan sa presensya ni Luke dahil sa totoo lang ay hindi lang basta pakabagabag ang nararamdaman ko kundi takot.

Takot kay Luke.

Takot sa mga bagay na maari niyang matuklasan.

Takot na mawala ang katahimikan na tinatamasa ko ngayon.

Takot na mawala ang pinakamamahal ko sa buong mundo.

Takot na mawala ulit ang lahat lahat sa akin.

Si Luke, he used to be my everything. The sun and the moon in my sky, the air that I breathe, the song that I sing. He was my source of happiness. He was my life. But along the way I lost him and I was left with nothing. I thought I would never survive, but I did.  Somehow, I did.

Hope came.

Dumating ang pag-asa sa buhay ko. Kahit natagalan man ako ay nagawa kong bumangon at magpatuloy na mabuhay.

Natuto akong mabuhay kahit wala siya. Nagkaroon na ulit ng liwanag, nakakahinga na ako at may musika ang buhay ko. Kaya ko na even though  I could not deny that I still do love him. Kahit ilang taon na ang nagdaan ay hindi ko pa rin siya nagawang burahin sa puso ko. In the dark and bruised side of my heart, he stayed.

Subalit hindi maganda ang naging paghihiwalay namin noon. I destroyed him and he destroyed me as well kaya kung may isa mang tao na ayaw ko nang makita ulit ay siya iyon.

Malinaw pa sa isip ko ang mga huling salitang binitawan niya sa akin. He promised me something and it was not a sweet and romantic promise of love. It was more of a threat.

At ngayon ay natatakot ako sa posibilidad na hindi pa niya iyon nakakalimutan.

God forbid him.

Limang mahabang taon na ang nagdaan at sana ay sapat na ang panahong iyon para makalimot siya. Para makapagpatawad. Sana ay ituring na lang niya akong isang estranghero, isang bahagi ng kahapon na hindi na dapat pang balikan. Masakit but I rather hope and pray sana ay ganoon nalang ako sa kanya.

Luke, my one great love. You are a part of the past. My sweetest dream ang my worst nightmare. Huwag na nating balikan ang nakaraan...

"O Shan, ang aga mo yatang nagising?"

Napaigtad pa ako nang may magsalita sa mula sa likod ko.

Lumingon ako and I saw a gray haired woman looking at me, si Nana Amor. Ang kasama ko dito sa bahay.

"Good morning po, Nana," Bati ko sa kanya. "Hindi po ako nakatulog."

Ngumiti siya pabalik sa akin bago dumiretso sa mga cupboard. Hindi nagtagal ay umupo siya sa katapat kong upuan na may dalang tasa mg umuusok na kape. Inilapag niya ang isa sa harap ko.

"Salamat po," I muttered.

"Hindi ka talaga sanay ano?" Saad ni Nana, hindi pa rin nawawala ang ngiti niya sa labi. "Ako rin ay ganyan noon pero huwag kang mag-alala anak, ilang oras na lang ang bibilangin mo at makikita mo na siya ulit. "

Man in the RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon