Chapter 49

3.6K 194 73
                                    


Chapter 49

I was too early. It was only 7: 02 in the morning but I was already in the office. May iilan nang tao sa lobby kanina na dumating ako. May dalawa rin akong nakasabay na empleyado sa elevator but they both got out on the fifth floor. When I reached the twentieth floor, there was no one. Ako ang pinakaunang dumating na empleyado sa palapag na ito.

I cleaned my table and busied myself among the pile of documents that needs to be sorted out. Pero sobrang tahimik ng paligid and it somehow made me feel uncomfortamble. Lumilipad ang isip ko. I could imagine different scenarios. Ang mga pwedeng mangyari mamaya kapag dumating na si Luke.

What kind of Luke would I have to deal with today?

Indifferent?

Ill-tempered?

Angry?

Or the Luke that kissed me senseless?

Mariin kong kinagat ang labi ko. I should pretend like I don't care and I'm unaffected by what happened the last time. I should act like I'm invincible when it comes to him. Iyon naman ang pilit kong ginagawa mula ng magkita kami ulit pero sobrang hirap pala. Kung noon ay magaling ako pagdating sa pagpapanggap at sa pagpeke ng nararadaman, ngayon ay na-realize ko na hindi na.

Lalong dumiin ang pagkakakagat ko sa labi ko at nagpatuloy ako sa ginagawa ko.

"Good morning!"

Muntikan na akong mapatalon sa gulat nang may marining akong malakas boses. Automatikong napahawak ako sa dibdib. My heart was beating hard and fast.

"Naku ma'am, sorry! Nagulat ko po ba ka'yo?"

Nag-angat ako ng mata para tignan ang kung sino ang may-ari ng boses. Nakatayo malapit sa lamesa ko ang isang lalaki. He looked young, palagay ko ay mas bata kaysa sa akin.  Hindi pamilyar ang mukha niya sa akin pero base sa suot niyang kulay asul na overall at sa cart na may mop, trash bin at kung ano-ano pang panlinis, agad kong napagtanto na galing ang lalaki sa maintainance department.

Hindi ko nagawang sumagot. Nagawawala pa rin ang puso ko.

"Ma'am pasensya na po talaga!" Natataranta niyang sabi. "Pasensya na po talaga!"

I shut my eyes. I took several deep breaths until my heartbeat was back to normal. Nang magmulat ulit ako ng mata ay nakita ko ang nag-aalala at kinakabahang expression. Halos mawalan ng kulay ang mukha. Marahil ay iniisip niya na magagalit ako sa kanya. Tipid akong ngumiti to assure him that I am not mad.

"It's okay," saad ko habang minamasahe ko pa rin ang dibdib ko. "Huwag ka na lang ulit sisigaw ng ganoon. Nagulat talaga ako. I almost had an heart attack."

Marahas siyang umiling. "Hindi ko na po uulitin, ma'am. Promise! Pasensya na ulit." Saad niya sa nanlalaking mga mata. Itinaas niya pa ang  kanan niyang kamay na para bang nanunumpa.

My smiled widened.

"Anong sadya mo dito?" I asked him.

Nagkamot siya ng ulo. Napansin ko rin ang pagpula ng pisngi niya. "Lilinisin ko po ang opisina ni Sir Luke."

I frowned. "Hindi ba dapat after office hours niyong nililinis ang building? Bakit ngayong umaga ka nagpunta dito?"

"Ah... Opo ma'am. Alas otso po ng gabi kami naglilinis kapag  wala na pong tao. Kaso noong Biyernes po na umakyat ako dito ay nadatnan ko pa po si Sir dito. Pinaalis niya po ako eh..."

"T-talaga? Natatandaan mo pa ba kung anong oras iyon?" Hindi ko maiwasang itanong.

"Lampas alas nueve na po ng gabi ma'am. Ako po kasi at iyong dalawa kong kasama ang naglilinis sa nineteenth at dito sa twentieth  floor. Huli po talagang nililinis itong office ni Sir. Mukha nga pong mainit ang ulo ni  Sir noong madatnan ko kaya nung sinabi niyang umalis ako ay agad ko siyang sinunod."

Man in the RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon