Chapter 2

7.8K 139 11
                                    

Chapter 2

Spaces in Between

Mag-aalas dos na ng madaling araw pero gising pa rin ako. Bukod sa hindi ako dinadalaw ng antok ay ayaw ko ring ipikit ang mga mata ko dahil sa oras na ginawa ko iyon ay agad kong makikita ang mukha niya at ang mga mata matalim na nakatitig sa akin.

Ilang beses ko nang naipanalangin sa Diyos na sana ay panaginip lang ang lahat ng nangyari kanina. Na sana ay hindi totoo na nandirito sa Baguio si Luke. Na sana ay hindi siya ang bagong may-ari ng kompanya na pinagtatrabahuhan ko. But I was wide awake. Kahit anong hiling ko ng sana, I know that everything that happened earlier were not a part of a dream. They were the reality....

----

Kasabay ng malakas na pagbuhos ng ulan ay ang mabilis na pintig ng puso ko. I didn't want to see him and yet I could not take my eyes off him.

I stood immobilized and I  was just staring at him with disbelief.  Ilang beses ko pang ikinurap ang mga mata sa pagbabakasakali na ilusyon lang ang nakikita ko. But he did not disappear. He was real, in flesh, in front of me.

Para akong napunta sa nakaraan. Hindi ko akalain na sa loob ng halos limang taon ay muling magtatagpo ang landas naming dalawa. I thought and I already accepted that I would never see him again after that fateful night pero heto kami ngayon. Standing next to each othe, breathing the same cold  air. Sharing gazes.

Oo, nakatingin siya sa akin pero wala akong mabasang kahit anong emosyon sa mukha niya. It was just those cold and blank amber eyes of his and nothing more.

"Sir," someone called him and that broke the spell. I saw the woman in the business suit approached Luke while was holding an umbrella. "Let's go inside, Sir?"

Inalis ni Luke ang tingin niya sa akin and that was it. They walk past me and they headed towards the three storey VMC building. Sinundan ko sila ng tingin, hindi ko alintana na basang-basa na ako.

"Miss?" Someone spoke.

Wala sa loob na lumingon ako. Standing beside me was the man who also emerged from the black SUV. At nakangisi siya sa akin.

That brought me back to reality. Noon ko rin lang napansin na hindi na ako nababasa ng ulan. Iyon ay dahil pinayungan niya ako which was useless dahil wala na yatang parte ng katawan ko ang tuyo. I suddenly felt cold. I began trembling and my teeth were chattering.

"Okay ka lang ba?" Tanong niya sa akin.

"O-oo," even my voice was shaking.

"Tara na sa loob? Nauna na sina, Sir," saad niya at muling ngumisi.

Bigla akong nahiya sa nangyari. "I'm sorry," said then I bowed my head.

I heard him chuckled. "Okay lang, nasanay na rin naman ako."

Nagsalubong ang mga kilay ko. I did not get what he said. "W-what?"

Lalon lumawak an ngisi niya. "I said sanay na ako sa mga babaeng natutulala sa harap ni Sir Luke. And believe me, this always happen kaya wala ka dapat ikahiya."

Gusto kong pabulaanan ang iniisip niya pero sa huli ay hinayaan ko nalang. Magkasabay kaming pumasok sa building.

"By the way, I'm Dean Flores." Pagpapakilala niya sa sarili niya. Inilahad niya ang kamay niya at mabilis ko iyong tinanggap.

"Shan Avila," I said while we were shaking hands.

"Nice to meet you, Miss Avila," he said and I smiled.

Man in the RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon