Chapter 64

3.6K 256 113
                                    


Chapter 64

Ilang minuto nang nakaparada sa harap ng Ledesma building ang taxi pero hindi pa rin ako bumababa. The taxi driver was kind enough to make me stay inside his car for a little longer. I was done crying but I didn't feel any better. Masakit pa rin. Sobra.

I closed my eyes. I took and expelled several deep breaths. "Sandali na lang po, Manong," mahina kong saad. Halos wala ng akong boses. My throat felt rough and dry.

Saglit akong nilingon ng driver at pagkatapos ay tumango siya. Nakita ko na naawa siya sa akin.

Yumuko ako at binuksan ko ang bag ko. Kinuha ko ang isang compact mirror at pagkatapos ay tinitigan ko ang repleksyon ko. Muntikan ko namg hindi makilala ang sarili ko.

My cheeks were pale but my eyes  were  red and swollen. I looked flushed and dishevelled. I looked like a total mess.

Kumuha ako ng tissue para punasan ang nagkalat na mascara sa ilalim ng mata ko. I put some powder and lipstick on in futile attempts to make myself look okay. More fitting.

But it's just impossible. Hindi ko kayang itago ang pamamaga ng mata ko. Kaya sa huli ay inilugay ko na lang ang buhok ko para kahit papaano ay maitago ko ang mukha ko.

Ibinalik ko ang salamin at make-up ko sa loob ng bag ko at kinuha ko wallet ko.  Nagbayad ako sa driver. Dinagdagan ko ang ibinigay ko sa kanya para sa abala at sa pagtatagal ko sa loob ng sasakyan niya.

****

I felt the curious glances that were thrown at me the moment I entered the building. Lalo kong niyuko ang ulo ko at binilisan ko ang hakbang ko papunta sa elevator.

Subalit maging ang mga kasabay ko sa elevator ay napapatingin din sa akin. I had to suffer an uncomfortable ride. Kahit anong yuko ko at takip ko ng buhok sa mukha ko ay hindi ko maitago ang pagiging miserable ko.

When the metal door slid open on the twentieth floor, I hurriedly stepped out. Hindi na ako dumaan sa lamesa ko. Agad akong nagmartsa papunta sa opisina ni Bethany para ibigay ang napirmahan ng papel.

"Come in!" I heard Bethany's voice after I knocked on her door.

I opened the door and got inside her office at once. I instantly saw her sitting in front of her desk. She was not looking at me. Her eyes were trained on the paper that she was holding.

Humakbang ako at tumigil ng nasa harap na ako ng lamesa niya. I cleared my throat.

"Beth," tawag ko sa kanya.

"Oh, Shan. Ikaw pala. Napapirma  mo ba?" Tanong niyang hindi pa rin tumitingim sa akin.

"Yes. Here it is," saad ko at pagkatapos ay inilapag sa harap niya folder.

Kinuha niya ang folder at sandaling tinignan. "Oh thank you, Shan! I owe you one!" Buong galak niyang sabi.

She looked up to me, smiling. Pero ang ngiti niya ay nabura at napalitan ng nag-aalalang ekspresyon nang makita niya ang itsura ko.

"W-what happened to you, Shan? Bakit namamaga ang mga mata mo?"

I shook my head. "W-wala. Okay lang ako." I tried to smile pero hindi ko nagawa. Kaninang nasa harap ako ni Luke at ni Laura ay ang dali para sa aking ngumiti. But now, I couldn't fake it any more.

"You are not okay, Shan?" Tumayo siya at lumapit sa akin. "Nakita mo na ba ang sarili mo sa salamin? You look..." Her voice trailed off. Hindi niya naituloy ang sasabihin niya. Malamang ay hindi niya maisip ang tamang salita na maglalarawan sa kasalukuyan kong itsura. "Sabihin mo sa akin, anong nangyari? Umalis ka dito na okay ka tapos pagbalik mo, namamaga na ang mga mata mo. May ginawa ba o sinabi sa iyo si Sir Luke? Siya ba ang nagpaiyak sa'yo? Shan, why won't you say a thing? Tell me, si Sir Luke ba?"

Man in the RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon