Chapter 59

3.7K 218 87
                                    


Chapter 59

I looked at him. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang  sinsiredad. Alam ko at nararamdaman ko na bawat salitang lumabas sa bibig niya ay totoo at galing sa puso.

Hindi ko akalain na ang mga salita na sobrang tamis ay pwede pa lang magdulot ng labis na sakit sa puso.

Kailangan na niyang malaman ang totoo. Kahit hindi pa rin ako handa na ipaalam ang tungkol kay Hope, sa palagay ko ay wala na akong pagpipilian ngayon. Sasabihin ko  sa kanya. Kailangan na. It's the only way out. For him. And also for me.

"I have to tell you something. M-may kailangan kang malaman," nahihirapan kong saad. Pakiramdam ko ay may bumabara sa lalamunan ko.

"What is it?" He asked and smiled at me adoringly. He's gazing at me with admiration and it's causing me to ache more.

Sinubukan niyang abutin ang kamay ko na nakapatong sa ibabaw ng lamesa pero mabilis ko itong inalayo.

"M-may anak na ako," mabilis kong saad bago pa manghina ang loob ko.

"W-what?" He asked. His smile on his face disappeared and it was quickly replaced with a frown. "C-can you say it again? 'Yung sinabi mo ngayon lang. Mali yata ang pagkakadinig ko."

"I think you heard me right. May anak na ako. A daughter. And she's almost five years old."

Hindi siya nagsalita. His expression did all the talking. First, it was disbelief and then confusion and finally, it was hurt that washed all over his face.

"You are married?" His voice was barely audible.

"W-what? No. No, Dean."

Lalong lumalim ang kunot sa noo ni Dean. "You have a kid but you are not married."

I nodded. "I am a single mom. My daughter's in Baguio."

"Where's the man who fathered your kid?"

Hindi ko sinagot ang tanong niya ito. I just shrugged my shoulder.

"Hindi ka ba niya pinanagutan? Iniwan ka ba niya ng malaman niya na buntis ka?"

"No. Naghiwalay na kaming dalawa bago ko pa nalaman na buntis ako. Hindi niya alam na may anak kami dalawa."

Ilang sandali ulit namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Ang mata niya ay nasa akin pero ang atensyon niya ay wala. Alam ko na may malalim siyang iniisip.

"I don't think that that's a problem," he said later on. "Just like what I've said earlier, I love you, Shan. Kahit na sinabi mo na may anak ka na, it didn't change my feelings for you. I still love you."

Napasinghap ako. Hindi ko inasahan  na ito ang magiging tugon niya sa pinagtapat ko sa kanya.

Ako naman ang natahimik at hindi makapagsalita. Inalis ko ang mata ko sa kanya. My eyes wandered around the restaurant that we're in.

Kanina, bago sumapit ang lunch break ay pinuntahan niya ako sa lamesa ko. He asked me if I could have lunch with him.

Tinanggihan ko siya noong una, tulad ng lagi kong ginagawa mula ng magkaayos kaming dalawa ni Luke. Pero hindi tulad noong nakaraan ay mas naging mapilit siya. He said that he has something important to tell me.

Nagdalawang isip ako. Wala si Luke. May meeting siyang pinuntahan. Alam ko na sa oras na malaman niya na sumama ako kay Dean ay hindi siya matutuwa.

But Dean is my friend. Mula umpisa ay naging mabuti siya sa akin. Sa huli ay napapayag din niya ako na sumama sa kanya.

Little did I know that the 'something important' he's gonna tell me is has feelings for me. He told me that he fell for me, that he loves me. And he also said that he has every intention to pursue me hanggang maging girlfriend niya ako.

Man in the RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon