Chapter 68

4.3K 265 102
                                    


Chapter 68

My stomach churned again as soon as the word 'buntis' reached my ears. Mabilis ulit akong bumaling sa lababo. But unlike earlier, wala na akong maisuka. My stomach's empty and yet, hindi ko mapigilan na dumuwal. Pakiramdam ko ay bigla akong nanghina.

My knees turned jelly and I could feel sweat dripping off my forehead. Hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa gilid nang lababo para hindi ako matumba habang patuloy pa rin ang pagduwal ko.

Naramdam ko ulit ang kamay ni Gyzelle sa likod ko. "Oh my gods, Shan. Kinakabahan na ako sa'yo. Dadalhin na ba kita sa hospital?"

I shook my head as I continued puking nothing.

"Shan, hija?" Narinig ko ang nag-aalalang boses ni Nana Amor. "Anong nangyayari sa'yo?"

"Hindi ko nga po alam, Nana," Gyzelle answered for me. "Bigla na lang po siyang nagsuka. Ang sabi niya yung amoy ng dala kong pinakbet. Nag-aalala na po ako, dalhin kaya natin siya sa ospital."

"Ang mabuti pa nga. Sandali at tatawag ako ng—"

"N-no." I managed to say when the churning of my stomach and the choking in my throat somehow eased. "A-ayos lang ako. This is nothing."

Ilang beses akong huminga ng malalim pagkatapos ay binuksan ko ang faucet at naglinis.

"Kaya k-ko," saad ko kina Gyzelle at Nana Amor hinawakan nila ako sa magkabilang braso at sinubukang alalayan ng umakma akong hahakbang papunta sa direksyon ng lamesa.

Pero wala sa kanila ang nakinig dsa akin. Hindi nila ako binitawan hanggang makaupo ako. I sagged on the chair. I thought I was already doing fine but the moment my eyes landed on the pinakbet, naramdaman ko na naman ang tensyon sa loob ng tiyan ko at mabilis na  umakyat ito papunta sa lalamunan ko.

I covered my nose and my mouth. Gyzelle, however, was quick to react. She put back the lid of the container.

"Gusto mo ba ng tubig?" Nana Amor asked.

I nodded, causing me to feel dizzy. Pinikit ko ang mga mata ko at lumunok ng ilang beses.

"Heto, hija," narinig ko ulit ang boses ni Nana Amor matapos ang ilang sandali.

I opened my eyes and saw a glass of water in front to me. Mabilis kong kinuha ang baso at sumimsim mula dito.

"Anong pakiramdam mo, hija?"

"M-maayos na po kahit paano, Nana."

"Sigurado ka ba na ayaw mong magpadala sa ospital," tanong ulit ni Gyzelle.

"Hindi na. Wala lang ito," sagot ko sa kanya bago ako bumaling ulit ka  Nana Amor. "Nasaan po si Hope."

"Nasa sala. Naglalaro ng mga manika niya."

"Pakipuntahan po muna siya, Nana." Nakita ko ang pagdadalawang isip sa mata ni Nana Amor na iwan ako so I said, "Ayos na po ako. Samahan niyo muna si Hope. Baka kasi bigla niya akong hanapin."

Sa huli ay wala na ring nagawa si Nana kundi puntahan si Hope. Naiwan kaming dalawa ni Gyzelle sa kusina.

She was eyeing me skeptically.

"I'm fine, Gy." Paninigurado ko sa kanya.

Umupo siya sa bakanteng upuan sa harap ko. "I still think you need to go to a hospital para makasigurado tayo na ayos ka nga. Ano iyon, bigla ka na lang naduwal pagkaamoy mo nang dala ko and it's not spoiled for that matter. Unless... buntis ka nga talaga which is impossible, right?"

Gyzelle's a good friend to me. Marami siyang alam tungkol sa akin, lalong-lalo na sa nangyari sa nakaraan ko.  And when Luke came, took over VMC and demoted me as his secretary, hindi siya nahirapan na pagtahi-tahiin ang lahat. She instantly figured out that our boss, the now owner of VMC is Hope's father. The color of Luke and Hope's eyes also made it easier for her. It was a dead giveaway.

Man in the RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon