Chapter 72

5.1K 295 83
                                    


Chapter 72

"What?" Luke asked.

Halos hindi ko narinig ang boses niya. Para lang itong hangin na dumaan sa tainga ko. Pero kahit mahina ang boses niya, dinig na dinig ko pa rin ang hindi pagkapaniwala at pagkagulat.

"What are you talking about, Blaire? Tanong niya ulit nang hindi ko nagawang makapagsalita agad.

"Magkaka-baby na ulit tayo. I am six weeks pregnant."  Ang kamay ko ay hawak pa rin niya. I guided both  hands to my tummy. Sa kabila ng luha wala pa ring tigil sa pagtulo ay nagawa kong ngumiti.

He smiled, too.

"This baby is a blessing, Luke." tumingin ako sa tiyan ko at pati na rin siya.

"Yes, it is. I am happy," He whispered habang hinahaplos niya ang tiyan ko. "I can't wait to see her. Or him. I'll promise that I'll be the best dad in the world. For Hope and for this little buddy inside your tummy."

"Siguraduhin mo lang. Dahil kapag hindi ay mumultuhin kita," saad ko, trying to make the atmosphere lighter but I instantly realized that I said the wrong words.

His face darkened. "Stop making horrible jokes, Blaire. They're not funny." He said curtly.

I stiffled a sob. "I wish I am joking, Luke but I am not. I-i'm s-sick. I-i might die..."

"F*ck it, Blaire!" He cursed. Binitawan niya ang kamay ko at maharas siyang tumayo. He paced back and forth beside my bed while he raked his fingers through his hair. "F*ck it!"

Pinunsan ko ang luha sa mukha ko bago ko siya tinawag. "Luke... Please... Look at me..."

Ibinaba niya ang kamay niya sa kanyang gilid bago niya ako ulit tinignan."This conversation is over. Nalaman ko na ang gusto kong malaman. Malinaw na sa akin ang lahat. Huwag ka na ulit magbibiro ng ganoon. You are f*cking healthy."

I shook my head. "I am not healthy. Hindi ka ba nagtataka kung bakit nandito ako ngayon?" Itinaas ko ang isa kong kamay na may nakakabit ng ivy tube. "Hindi ka ba nagtataka kung bakit may ganito ako?"

From a dark and angry expression his face slowly change to apprehensive.

"May sakit ako sa puso, Luke. Nalaman ko lang ang tungkol dito noong buntis ako kay Hope. My pregnancy was not easy and when I gave birth to her, muntikan ng bumigay ang puso ko. Muntikan na akong mamatay noon. But somehow, I survived. Nabuhay ako pero pinayuhan ako ng mga doctor na huwag na ulit mabuntis. Mas magiging delikado, mas malaki na ang tsansa na hindi na ako makaligtas." I paused.

I covered my face with my palms. Humikbi ako nang humikbi. Hindi madali na magsabi sa taong mahal mo at mahal na mahal ka na pwede kang mamatay. Lalo na at habang nagsasalita ka ay kitang kita mo ang unti-unting panlalaki ng mata niya at paglatay ng takot at sakit sa kanyang mukha.

Hindi nagtagal ay naramdaman ko ang marahas na paghapit ni Luke sa akin. I ended up on his chest. Dinig na dinig ko ang mabilis at malakas na tibok ng puso niya. Niyakap niya ako ng sobrang higpit and started rocking our bodies back and forth. "You won't die, Blaire. I won't let you die. Hindi mo ako pwedeng iwan. Hindi mo kami pwedeng iwan." Saad niya sa basag na boses.

Ang mahihina kong hikbi ay naging hagulgol na.

"Shh... stop crying, Blaire. I won't let you die, okay. We'll look for the best doctors. Here or even abroad. Sigurado may solusyon. May lunas. Mabubuhay ka."

Kumalas ako sa yakap niya at bahagya lumayo para magtama ang mata namin. "M-my doctors said na para mabuhay ako... para mabuhay a-ako k-kailangan na..."

Man in the RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon