Chapter 43

3.5K 158 67
                                    


Chapter 43

The taxi driver pulled to a stop outside my apartment building.

Mag-aalas onse na ng gabi at sobrang pagod na ako. My limbs were almost useless and the Manong Driver did not even bother to help me with my luggages. Pinanood lang niya ako habang inilalabas ko ang mga gamit ko mula sa taxi niya pagkatapos ay humarurot na siya paalis.

Gamit ang likod ng kamay ko ay pinunasan ko ang pawis sa noo ko. Kailangam ko pang buhatin ang mga gamit ko  sa ikalawang palapag ng building. Puno na kasi ang mga apartment sa first floor at sa second floor na lang may bakante.

I sighed. If I only a choice, I would definitely look for a much better place. Inilibot ko ang mata ko sa paligid. Dikit-dikit ang mga bahay. Maraming tao sa daan kahit maghahating gabi na at maingay din. May mga bata pang naglalaro sa kalye. I could not believe that the parents allowed their kids to wander on the street in the wee hours of the night.

I mean, the community is not the safest.

It's not my ideal place  live in.

And my apartment itself was very small. May isa itong maliit na kwarto at masikip na banyo. Ang living room at ang kitchen ay walang partition. Dean was reluctant kaninang tumingin kami dito pero wala rin siyang nagawa when I eventually decided na dito na lang muna ako mangupahan.  Bukod kasi sa paglabas ko sa kanto at isang sakay na lang para makarating sa office ay ito na rin ang pinakamura sa lahat ng tinignan namin. Not that it was cheap. Actually, mahal lang ng kaunti ang tinitirahan namin sa Baguio. But fact is bahay ang inuupahan namin sa Baguio with three bedrooms and spacious living room and kitchen. My porch pa nga at garden.

But now is not the time to be picky. Alam ko kasing mula ngayon ay kailangan ko na ring maging practical. Kailangan kong magtipid sa lahat ng pwedeng paraan.

When I was still in VMC, I was earning roughly forty thousand a month. Sobra na iyon para sa mga expenses namin ni Hope. Kaya kong ibigay ang mga gusto ng anak ko but I tried my best not to spoil her. I don't want her to grow up like me, a rotten spoiled brat. 

I also get to save some money in the bank pa. Pero ngayon na secretary ako, maswerte na siguro kung aabot ng fifteen thousand kada isang buwan ang sahod ko.

"Miss Ganda!" I almost jumped when I heard someone shout.

Wala sa loob na lumingon ako sa pinanggalingan ng sigaw. Sa mismong tapat ng apartment building ay isang sari-sari store. There were a bunch of guys seating on the benches in front of the store. Each of them were holding one  bottle of beer and their eyes were all trained at me.

"Hi Miss Ganda!" Ulit ng isa sa kanila sabay kaway sa akin.

I just gave the guy a tight smile but did not greet him back.

"Wow pare, in-snob ka!"  Another man uttered. He even elbowed the man who greeted and waved at me.

Kinabahan ako ng tumayo ang lalaking tumawag sa akin ng 'Miss Ganda'. Tumawid siya ng daan at papunta sa direksyon ko.

I frantically picked my luggages up.

"Miss Ganda, tulungan na kita!" Mabilis niyang alok nang makitang aalis na ako.

"Salamat pero huwag na," tanggi ko.

"Sige na. Mukha pa namang mabigat iyang mga gamit mo," he insisted.

Akma kong bubuksan ang bibig ko para tanggihan ulit siya ng dumating ang landlady ko.

"Hoy,  tigil-tigilan mo nga itong bago kong boarder. Humanap ka ng ibang mauuto mo!"

Man in the RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon