CHAPTER 7: Loser

4K 100 1
                                    

EIRRO'S POV! 

 Training namin ng swimming ngayon, as a varsity dapat always nakikita si coach para hindi ka i-punish katulad ni James. Wahaha! Siya yung pinaparausahan imbis na ako. 

d^___^b bait ko talaga. 

"Wayneee! Backstroke, 10 run. Faster! " nagulat ako sa malakas na boses na umecho sa buong gymnasium. 

Hindi ko pinansin ang sinabi niya at malawak ang ngiti kong lumapit sa kanya.

 "Coach! Nice to see you. " masigla kong bati.

Mababakas mo sa mukha niya panggigil sakin. Hahaha.

 "Nag hot way bar ka na naman ba? Palagi kang absent tuwing monday. Hindi na ako natutuwa. " seryoso niyang sabi sakin.

Mata sa mata, walang mababakas na kalokohan. 

Dapat na ba kong matakot?

"Coach, nagpapractice naman po ako sa bahay. 50-meters at backstroke, breaststroke, at butterfly pa ang ginagawa ko. Tsk! Tsk! Tsk! Ang galing ko talaga. " puri ko sa sarili ko. 

 "Wala akong pakielam. Eirro Wayne, baka nakakalimutan mong papalapit na ang Summer Olympic Games. Next month na at wala ka pa ring training in open water. This friday we will go to Sierra Wanca. Isa iyong lugar na kung saan nagsasanay ang mga magagaling at tanyag na swimmer sa buong bansa. Doon ay matututukan ka nila. Maliwanag? " 

"Hindi na sa dati kong training complex? Doon na lang ulit, mas sanay ako don, coach! " angal ko.

"Mas marunong ka pa e! Ikaw na lang kaya magibg coach! "

"Para kasing hindi ko magugustuhan yang Sierra Wanca na yan! " reklamo ko pa.

"Wala akong pakielam! Final na yung sinabi ko. "

 "Fine-fine! Kailangan ko bang magdala ng damit dahil parang malayo ang Sierra Wanca na yan. " tanong ko. 

"Of course. Bring all your stuffs. " 

"Did you talk to James already? " 

"Yesterday, I did. So, change your clothes and do the 50 meters backstroke. "

Tumango lang ako sa kanya. 

"Wait, be careful, a new freshman experienced tendinitis awhile ago. Kinailangan niya pang dalhin sa hospital because of his condition. " nilagpasan niya na ako pagkatapos niya akong balaan. 

 'Tss! Freshman nga kase! Hindi pa sanay sa tubig! Tsk! Eh ako legendary na! Olympic champion pa! Hindi ko mararanasan yung tendinitis na yan. ' 

Agad akong nagtungo sa banyo para magpalit ng swimsuit. Hinanda ko rin yung mga swimming gears ko dahil di biro ang 50 metres long swimming pool.

Kapag sa open water na ako mas lalo akong mahihirapan. Although 10km lang ang required sa schedule ng POC. Pangalawang beses ko ng sasali sa Summer Olympic Games na open water swimming. Champion ako nung una at sisiguraduhin kong magchachampion ulit ako ngayon.

Nang matapos na akong mag-ayos ay dumiretso agad ako sa gymnasium. 

Naabutan ko si James sa pool doing dolphin kick style followed by backstroke style. Napapabilib ako ng isang to ah. Pero mas maangas pa rin ako kay David Berkoff, kidding! Well, Berkoff is my fucking idol.

Two pools ang meron dito sa gymnasium. The one is 50 metres long and 25 metres wide popularly known as long course pool. The other one is 25 metres only for the beginners. May time rin na dito ginaganap ang school-based swimming competition dahil organized ang mga gamit dito. 

My Life as a Personal Alalay (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon