Feya Reigh's POV
Galit na naman sakin si Imma. Hindi niya na naman ako pinapansin nitong mga nakaaraang araw. Kapag magkakasalubong kami ay parang hangin lang akong napadaan sa gilid niya.
Hinayaan ko na lang muna, kung ipipilit ko ang sorry ko sa kanya ay baka lalong uminit ang ulo niya sakin. Papalamigin ko muna yung ulo niya kahit isang linggo lang.
Pangatlong araw na kasi ngayon simula nang mabasag ko yung batman niya na gawa sa crystal. Halata namang mahal yun, kulang pa ata yung perang naipon ko sa bangko para ipambayad dun.
Humilom na rin yung sugat ko gawa ng mga bubog na dinampot ko. Maya't maya pinapahiran ng ointment para hindi magkamarka.
Di ko alam pero para sakin ang babaw ng dahilan niya para hindi ako pansinin. Magkaayos pa kami bago mangyari yon pero heto na naman. Itinuturin niya lang akong hangin.
Wala akong magawa kundi tanggapin ang pagtrato niya sakin ng ganun, ako rin naman ang may kasalanan.
"Feya, magpipinta ka na naman ba? " tanong ni Abby.
Nandito kami ngayon sa loob ng kwarto. Inaasikaso ko ang mga paintings na nagawa ko. Meron na kong limang natapos na paintings simula nung binilhan ako ni Troy. Lahat ay puro mga bagay o lugar na importante sakin.
Kahapon ko lang natapos ang huli kong pininta, larawan iyon ni Papa at Mama na nasa picture frame na palagi kong kinakausap. Napabilib nga ako sa sarili ko dahil magkahawig ang mga ito.
Ngayon naman naiisipan kong ipinta ang kuha kong larawan kay Copper. Hindi ko kasi siya maiipinta ng maayos kung live ko yung gagawin. Makulit pa naman ang mga aso.
"Kailan mo ba kasi ako ipipinta? " nagmamakaawang tanong ni Abby.
Natawa ako sa itsura niya.
"After kong ipinta si Copper, promise ipipinta na kita. " siguradong sabi ko.
Lumawak ang ngiti niya. Halatang na-eexcite ang gaga.
"Promise mo yan ah! Di na kita papansinin pag tinalkshit mo ko! "
"Baliw. "
Lumabas na ko ng mansion at dumiretso sa likod nito. Doon ko na napagpasiyahang gawin ang obra ko. Tahimik at maaliwalas ang paligid. Makakapagpinta ako ng maayos.
Hindi pa man lumalapat ang paint brush ko sa canvas ay may boses ng tumawag sakin. Si Ate Angie, isa sa mga kasambahay.
"Feya, pinapatawag ka ni Sir Wayne. " yun lang ang sinabi niya sabay alis.
Ni hindi man lang ako hinintay magtanong. Mukhang nagmamadali siya. Hindi ako agad nakakilos, parang huminto ang paligid ko.
Seriously? Siguro ay papatawarin niya na ko. Finally.
Nagmadali kong hinubad ang apron na suot ko. Inilapag ko muna ang mga materials na hawak ko at nagmadaling nagtungo sa kung saan man si Imma.
Malawak ang ngiti kong tumungo sa kanya. Nasa may sala pala siya, kasama niya si Sir Zayne na nakabihis ng pang-opisina. Naka-pambahay lang naman si Imma.
"Sir Eirro, bakit mo ako pinatawag? " nakangiting sabi ko.
Na-eexcite akong kausapin niya ulit ako.
"Sumama ka sakin sa SkateWorld. "
Nawala ang ngiti ko sa aking narinig. Hindi naman sa hindi ko ito gusto pero mayroon sakin na ayokong sumama sa kanya doon. Paano ko ba sasabihin na ayokong sumama?
"Ahmm--- "
"Bawal kang tumanggi. Baka nakakalimutan mo, may atraso ka sakin. " seryoso niyang wika.
BINABASA MO ANG
My Life as a Personal Alalay (COMPLETED)
Teen FictionEirro Wayne Ejercito is known for his rude and arrogant behavior, constantly belittling and yelling at the assistants who work for him, even extending his harshness to those serving in his mansion. On the other hand, Feya Reigh De Silva is carefree...