CHAPTER 42: Hangover

2.7K 74 7
                                    

Eirro Wayne's POV

Pasadong alas otso ng umaga nang magising ako. Naramdaman ko agad ang bigat ng ulo ko. Tila may nagco-construction sa loob sa sobrang sakit.

Pinilit kong tumayo para makapag-ayos ng sarili. Maliligo ako ng maaga para mawala agad ang sakit nito. Mabuti na lang at sanay ako sa alak.

Lumabas ako ng kwarto ko pagkatapos kong maligo. Nagpaluto agad ako kay Manang ng soup, pampatanggal hangover.

Hindi ako gaanong gumagalaw para hindi ako lalong mahilo. Maayos lang akong nakasandal sa pang-isahang sofa. Gusto ko na tong mawala agad para may magawa ako ngayong araw. Balak ko pa namang magswimming ngayon.

Habang hinihintay ang soup ko ay binuksan ko muna ang TV. Nilagay ko ito sa sports channel. May laban ngayon ang paborito kong basketball team, GSW.

"Hijo, kumain ka na. "

Nilapag ni Manang ang soup sa center table tsaka umalis. Hindi ko agad ito kinuha dahil mainit pa. Mapapaso ang labi ko.

"Wayne, pinainom mo si Feya kahapon? " bungad agad sakin ni Kirro.

Ang aga-aga narinig ko agad ang pangalan ng bwiset na babaeng yon? Kung minamalas ka nga naman! Pinapasakit niya lalo ang ulo ko! Badtrip!

"Pagtatama lang ah! Hindi ko siya pinainom! Mga tropa mo ang nagpainom sa kanya! " sigaw ko.

"Kahit na, ikaw ang boss. Ikaw ang may responsibidad. Dapat pinigilan mo siya. " mahinahon niyang sabi.

"Pwede ba, wala akong pakielam sa kanya. Malaki na siya at kaya niya na ang sarili niya! " inis kong sabi.

Kinuha ko na ang soup ko tsaka ito kinain. Marahan ko pa itong hinihipan dahil baka mainit pa.

"Tsk! Di mo kasi alam kung gaano siya nahihirapan kapag may hangover siya. Hindi niya ba nabanggit na iniiyakan niya na lang ito sa sakit? "

Natahimik ako sa narinig ko. Hindi ko agad nasubo ang kanina pang iniihipan ko.

Seryoso ba siya don? E bakit pa siya uminom kung hindi naman pala niya kaya ang kasunod nito? Hindi ba siya na-orient na pagkatapos ng inuman ay hangover naman? Baliw ata ang babaeng yun e.

"Hayaan mo yun! Ginusto niya namang mag-inom at walang pumilit sa kanya. " angil ko.

Mahaba siyang napabuntong hininga. Bakit ba kasi siya nag-aalala sa Feya'ng yon? Hindi niya naman close ang alalay na yon.

"Dadalhin ko na lang siya sa ospital pagkagising niya. "

Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kanya. The hell? Ano niya ba ang babaeng yon para asikasuhin niya? Nakakainis na ah.

"Ako itong kakambal mo hindi mo maasikaso. Ibang tao pa talaga ang uunahin mo. " pagtatampo ko.

Inirapan ko pa siya at tumingin na lang sa tv. Lamang na ang team ko.

"Iba ka naman kase. Yung sayo ay kaya mo pero yung kanya ay hindi. Kailanman ay hindi niya kakayanin. " naiiling niyang sabi.

"Tsk! Sabi ko naman sayo di ba? Ginusto niyang mag-inom kaya hayaan mo siyang harapin ang consequence niya. " madiin kong sabi.

"Ang sama mo. " wala sa sarilig sabi niya.

Napataas ang kilay ko. Tama ba ang narinig ko? Sa kanya pa talaga nanggaling yon ha? Fuck!

"Masama na ba yon? Sinasabi ko lang ang totoo. " singhal ko sa kanya.

Sumusuko siyang nagpaubaya sa sinabi ko. Tumayo na lang siya sa sofa at walang salitang umalis.

My Life as a Personal Alalay (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon