Feya.
Wala ako sa mood ngayong araw na to. Mas matagal pa siguro ang simangot ko kesa sa pagngiti ko. Wala akong gana sa mga bagay bagay. Balak ko sanang ngayon gawin ang painting ni Abby kaso bigla akong tinamad. Parang gusto lang ng katawan ko ngayon ay magpahinga.
"Feya, tawag ka ni Sir Wayne. " ani Ate Jamie, isa sa mga kasambahay.
Tumayo ako sa mataas na upuang pinag-upuan ko. Tinatamad akong nagtungo sa sala kung saan siya nandun kada umaga.
"Hoy, lika dito. " tawag niya sakin.
Nag-init agad ang ulo ko sa tawag niya sakin. Excuse me? I have my name! Very unique name! Grrr!
"Bakit? " iritado kong tanong.
"Sumama ka sakin sa SWF. Tatlong oras lang din ako don. "
Pa-cool lang siyang nagsasalita habang nakasandal. Nakataas pa ang mga paa niya sa center table. Psh! Yabang!
"Di ba nga sinabi ko na sayo na ayoko. 100% sure na ko kahapon e. " inis kong sabi.
"Why? "
"Basta. "
"Kawawa naman si Kel, I'm sure na malulungkot yon dahil hindi ka niya makikita. " asar niyang sabi.
Nakagat ko ang ibabang labi ko sa sobrang inis. Ang sarap niyang gawing punching bag! Ngayon pang wala akong gana! Wag niya kong subukan.
Si Kel nga ang dahilan kung bakit ayoko ng pumunta don tapos yun pa ang inaalala niya. Nice!
"Ow.. you're doing that again. " wika niya habang nakatingin sa labi ko.
Napairap na lang ako sa hangin. Pakielam niya ba sa hobby ko? Lahat naman ng tao napapa-lipbite ah! Letse!
"A. Yo. Kong. Su. Ma. Ma. Period! " madiin kong sabi.
Nagtiim ang bagang niya sa inis. Amazing! Parehas na kaming naiinis ngayon. Pero iba ako magalit kapag pinilit pa ko ng Imma'ng to!
"Magsisisi ka kapag di ka sumama. " seryoso niyang sabi.
Nangisi ako. So? Anong gagawin niya sakin? For sure naman na hindi niya ko kayang saktan ngayon. Pwede ko siyang ipakulong noh!
"May kailangan ka pa ba? Aalis na ko. " banas kong tanong.
Nawawalan ng pasensya siyang tumingin sakin. Masamang masama ang tingin niya. Yung mapapasabi ka na lang na ' tingin palang, patay ka na' . Pero dahil naiinis din ako ay hindi alo nagpaapekto sa titig niya sakin. Sa katunayan ay nilabanan ko pa ito.
"Umalis ka na. Wag kang magpapakita sakin ngayong araw. " galit niyang sabi.
Napabuga ako ng hangin at walang salitang umalis sa harapan niya.
Nagtungo ako sa likod ng mansion para bisitahin si Copper. Hindi pa rin nawawala ang magkasalubong kong kilay. Ang panget ng araw ko ngayon!
"Baby Copper ko... help mo naman si mommy. Pasayahin mo ko. " nakanguso kong sabi dito.
Nakaupo lang ako sa damo habang nakakandong sakin si Copper. Naka-schedule ko siyang paliguan bukas. Buti pa siya mukhang masaya ngayon. Tch!
"Lika, ipapasyal kita. " sambit ko at kinuha ang tali niya.
Makulit ang mga buntot niya habang ang dila ay nakalabas. Mukhang excited siya dahil makakalabas na naman siya.
Habang naglalakad kami ay nakasalubong namin sina Silver and Gold. Parang namayat ata silang dalawa. Pansin ko rin ang pagiging mahina ni Silver ngayon. Tanging si Gold lang ang patakbo-takbo sa buong garden. Malungkot lang na nakahiga dito si Silver, kawawa naman. I feel his sadness.
BINABASA MO ANG
My Life as a Personal Alalay (COMPLETED)
Teen FictionEirro Wayne Ejercito is known for his rude and arrogant behavior, constantly belittling and yelling at the assistants who work for him, even extending his harshness to those serving in his mansion. On the other hand, Feya Reigh De Silva is carefree...