Kasalukuyan kaming inaayusan ng make-up artist at hairstylist na kinuha ni Kylie. Nasa bahay nila ako ngayon dahil pinilit niya na naman akong dito mag-sleepover kahapon.
8:00 ng gabi ang umpisa ng ball. Kalahating oras na lang at papatak na ito. Kailangan na naming magmadali ni Kylie.
"Wag kang didikit sakin mamaya ah. Baka sapawan mo ko. " nakangusong wika ni Kylie.
Kasalukuyan ng inaayos ang buhok niya. She's always perfect. Nilalagyan naman ako ng light make-up.
"Hindi ako aalis sa tabi mo kahit na mas maganda ka sakin. " pambobola ko sa kanya.
"Tss! Lumevel-up kaya yung ganda mo ngayon! Baka hindi na ko mapansin ng mga papabols ko kapag nakita ka. "
"Bahala ka. "
Natapos ang ilang minuto ay totally ready na kami para sa party. Nagpasalamat kami ng marami sa mga artist na nag-ayos samin. Mas lalo nilang nilabas yung ganda namin. Binayaran naman sila ng tama ni Kylie, pinakain na rin bago sila umalis.
Ngayon, nanginginig ang mga kamay ko sa sobrang kaba. Aalis na kami at pupunta na sa ball. Gaya ng sabi ko, first time ko lang magbihis ng ganito. Hindi ako confidently beautiful with the heart gaya ng iba pero dahil sa mga walang sawang pagpuri sakin ng mga artist, ni Kylie at pati na rin ng mga kasambahay ay tingin ko may ibubuga ako sa iba.
Hindi naman ako insecure. Sadyang inaalala ko lang ang magiging itsura ko sa harap ng maraming tao. Pati na rin ni Dexter Martinez.
Di ko pa siya nakikita nitong mga nakaraang araw. Di bale, isosorpresa ko na lang siya.
"Ate Fe, paki-bantayan na lang po si Copper ah. Salamat po. "
Yes, pinangalanan kong Copper yung tuta ko. Haha! Para may bagong makilala sina Silver and Gold. Mga elements ng periodic table.
"Amaaag! Lika na! " tawag sakin ni Kylie.
Na-goodbye kiss ako kay Copper at maingat na naglakad patungo sa sasakyan kung saan naghihintay ang excited na si Kylie.
Speaking of her, she's perfectly beautiful tonight. Para siyang barbie na nagkatawang tao. Daig niya pa ang mga sikat at sexy artista sa Hollywood pati na rin dito sa Pilipinas. Napaka-swerte ng lalaking magiging kanya. Bukod sa mabait ay maganda rin.
"Kinakabahan ako. " wika niya sa gitna ng aming byahe.
"Same here. "
"Be confident ah. "
"Mm. "
Nang makarating kami sa campus ay inalalayan kaming bumaba ng driver. Kita ko na agad mula sa langit ang mga light effects na meron sa loob.
Sa quadrangle ginanap ang grand ball. Sobrang laki at lawak nito. Triple nito ang lawak ng mansion nina Imma.
Gate palang ay meron na agad theme ng ball. May mga design at mga lights rin. Ang ganda. Bongga!
"Amag! Picture tayo! "
Hinila niya ako sa tabi niya. Sa likuran kasi namin ay ang title ng ball. Magandang pagpicturan.
Ngumiti ako sa harap ng DSLR. Mabuti na lang talaga at naiikot ang cam nito sa harap. Great Kylie.
"Ang gaganda nila. " wala sa sariling nasabi ko.
Nakanganga akong nakitingin sa nga nagdaraang estudyante suot ang kanilang ball gown. Halos hindi sila makilala dahil sa ganda nila ngayong gabi.
"Ang gwapo ni Kiefer Angeles. " bulong niya sakin.
BINABASA MO ANG
My Life as a Personal Alalay (COMPLETED)
Teen FictionEirro Wayne Ejercito is known for his rude and arrogant behavior, constantly belittling and yelling at the assistants who work for him, even extending his harshness to those serving in his mansion. On the other hand, Feya Reigh De Silva is carefree...