Eirro Wayne's POV!
Nabalibag ko ang cellphone ni Abby, yung kasambahay ko, dahil sa galit at pag-aalala. Mahigit isang linggo rin akong nangangapa kung saan ko makikita si Alien.
May pangyayari pang pumunta ako sa room nila at nagtanong kung nasaan yung Alien na yon. Akala ko nga ay tinakasan niya ko. Pero pinanghahawakan ko kasi yung pangako niyang hindi niya ko iiwan kahit na anong mangyari.
Buti na lang at may silbi kahit papano tong kasambahay namin. Nakakuha siya ng contact at natawagan ang nagngangalang Amag sa contacts ni Alien.
Ang problema ko na lang ngayon ay kung saan hahanapin yung apartment niya. Ang daming apartment dito sa Laguna, hindi ko alam kung saan ako mag-uumpisa.
"Lolaaa! " sigaw ko habang taranta na papasok sa opisina niya dito sa mansion.
Nakangiti siyang bumungad sakin at inilahad agad ang swivel chair sa harap ng table niya. Tsk! May gana pa ba kong umupo e nawawala yung alalay ko!
"La, yung alalay ko nawawala. Kailangan kong malaman kung saang apartment siya nakatira. Now! " pabagsak kong pinatong ang mga palad ko sa lamesa niya.
"Hindi ko alam kung saan siya nakatira pero nasa 'kin yung mga papeles niya baka makatulong. "
Kaagad siyang tumayo at pumunta sa mga naka-file niyang mga folders. Hindi ako mapakali sa kinatatayuan ko. Masyado akong nag-aalala. Ilang araw na rin baka kung ano ng nangyari sa kanya. Tsk!
"La, pakibilis ng konti. " taranta kong sabi.
Nagpalakad-lakad na ko sa loob ng office niya. Hindi talaga ko mapalagay.
"Ano bang nangyayari? Uminahon ka nga! " puna niya sakin.
Tumigil ako sandali at malalim na huminga.
"La, mahigit isang linggo nang hindi ko nakikita yung alalay ko. Baka may masama ng nangyari sa kanya. "
"Here. " inabot niya sakin ang isang folder. "May address siya diyan. For sure makikita mo na ang hinahanap mo. " seryoso niyang wika.
"Thanks, La. "
Kaagad akong lumabas ng office niya. Tinakbo ko ang malayong parking lot namin at mabilis na pinaharurot ang kotse ko papunta sa address ni Alien.
Malilintikan talaga siya sakin kapag may nangyaring masama sa kanya.
Halos umusok ang gulong ko pagka-park ko sa madilim na bahagi ng gilid ng kalsada. Mabilis akong bumaba ng kotse ko.
"Excuse me, saan ko makikita ang address na to? " tanong ko sa nakasalubong kong matandang babae.
"Eto? Patingin nga. " kinuha niya sakin ang papel at masusing tinignan.
Tss! Kung ganito kabagal ang pagtatanungan mo ay baka hindi na ko makapagpigil na gibain lahat ng bahay dito sa mala-squatter na lugar na to.
"Hijo, diretsuhin mo lang ang eskinitang iyan tapos kumaliwa ka. Yun na yon. "
Mukha ba kong nangangaliwa? Hayss.. makaalis na nga.
"Thanks. "
Nagmadali akong pumunta sa kung saan itinuro ng ale yung eksaktong lugar ni Alien. Napatakip pa ko ng ilong dahil sa hindi magandang amoy.
Aish! Kadiri.
Huminto ako sa isang maliit na bahay na sa pagkakaalam ko ay ito na ang tinutuluyan ni Alien.
'Pano siya nangtatagal dito, hindi ko ata kayang tumira sa ganitong bahay.'
Madilim sa loob ng bahay niya. Hindi ko alam kung paano siya tatawagin. Bahala na.Magkakasunod na katok ang ginawa ko.
BINABASA MO ANG
My Life as a Personal Alalay (COMPLETED)
Teen FictionEirro Wayne Ejercito is known for his rude and arrogant behavior, constantly belittling and yelling at the assistants who work for him, even extending his harshness to those serving in his mansion. On the other hand, Feya Reigh De Silva is carefree...