CHAPTER 16: Hurtful!

3.4K 92 0
                                    

Feya Reigh's POV! 

 Isang oras rin ang binyahe namin bago makarating sa St. Joseph Memorial Park. Hindi pala alam ni Imma kung saan ito kaya nagtanong pa kami sa mga taong pakalat-kalat sa kalsada. Mabuti na lang ang mabubuti sila, naawa ata sila sa itsura ng kasama ko kaya wala silang ginawang masama samin. 

 Mga nakapilang streetlights ang sumalubong samin. Ipinarada ni Imma ang kotse niya di kalayuan sa gate ng sementeryong ito.

Nauna akong bumaba bago siya. Inalalayan ko siyang makababa dahil sa itsura niya ay hindi niya kayang maglakad.   

Naiintindihan ko ang nararamdaman niya. Mabigat din sa loob ko ang mga nalaman ko. Kahit ako ay hindi rin kinaya pano pa kaya siya. Mali rin ang Daddy niya na sisihin siya. Sobrang bata pa ni Imma nung mga panahong iyon at wala pa siyang alam sa mga nangyayari.

Nakakaawa lang sobrang tagal itinago kay Imma ang bagay na iyon. Paniguradong hindi nga siya makokondisyon sa laban niya bukas. 

Nagpractice pa naman siya ng halos dalawang linggo pero mukhang mauuwi rin pala sa wala ang lahat. Ang hirap ng sitwasyon niya. Sana ay umayos agad ang kalagayan niya. Ang hirap ng makita siyang ganyan.

Hindi ako sanay na mahina siya sa harapan ko. Wala man lang akong magawa para matanggal ang sakit na nararamdaman niya. 

"Excuse me, sir and ma'am. Saan po ang punta niyo? " bigla kaming hinarang ng security guard na mukhang papauwi na. 

"Manong guard, dadalawin po namin yung Mommy niya. Jane Ejercito po ang pangalan. " paawa kong sabi. 

"Hanggang alas siyete lang ang dalaw dito. 8:01pm na, bumalik na lang kayo bukas. " 

 Halos pagsakluban ng langit ang mukha ni Imma ngayon. Lumapit siya kay Manong Guard at nagmakaawang papasukin kami sa loob. 

 "Please... kahit ngayong gabi lang. Gusto kong makita ang puntod ni Mommy. Ilang taon ko siyang hindi nadalaw! Ilang taon ko siyang hindi nakasama! Kahit ngayong gabi lang parang awa mo na. " nagsimula na naman siyang umiyak. 

'Lalaki ba talaga to'

Wala akong nagawa kundi ang mapakagat na lang sa ibabang labi ko para pigilang tumulo ang luha ko. Hirap na kasi akong makita siyang ganyan. Nadadala ako sa emosyon niya.

Kahit kayo ang nasa posisyon ko ay mahihirapan din sa nakikita niyo. Patakbo akong lumapit sa kanila at pinigilan na si Imma sa ginagawa niya. Alam kong hindi siya mapagbibigyan ni Manong Guard kahit na naaawa ito sa kanya. 

"Sir Eirro, umuwi na lang tayo. Bukas na bukas din ay dadalawin natin ang mommy mo. " naiiyak kong wika. 

 Tinanggal ko na ang mga kamay niya sa uniporme ng gwardiya at tinanguang mauna na siya. Sumunod agad sakin si kuya nang matanggal ang pagkakahawak ni Imma sa kanya.

 "B-bakit mo pinaalis? Pupuntahan ko pa si Mommy diba? Kakausapin ko pa siya. " 

 Halos madurog ang puso ko sa itsura niya ngayon. Lantang-lanta na ang katawan niya kakaiyak. Namumugto na ang mga mata niya at basa na rin ng pawis at luha ang polo. Magulo ang buhok at sobrang nakakaawa tignan. Parang hindi siya ang Eirro Wayne na nakilala ko ngayon. Tila ibang tao ang kasama ko.

"B-bukas babalik tayo. Makinig ka naman! " 

Wala akong nagawa kundi ang masigawan siya. Hindi kasi makuha sa maayos na usapan. Gusto ko ng magtigil muna siya kakaiyak dahil parang hindi ko na makilala ang nasa harapan ko ngayon. 

 "Sir Eirro, pwede bang kumalma ka muna? Nahihirapan na rin kasi akong makita kang ganyan e! Wag ka namang selfish! " 

 Madiin kong pinunasan ang luha ko at lumapit sa kanya. Tinulungan ko siyang makatayo sa pagkakasalampak at pinagpagan ang damit niya 

My Life as a Personal Alalay (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon