Feya.
Dahil nga pupunta kami sa mall ni Imma ay agad na akong nag-ayos ng sarili. Katulad kanina ay hindi ko na pa rin naabutan si Abby sa kwarto.
Hindi ko alam kung iniiwasan ba ko nun o hindi. Balak kong mag-sorry sa kanya kapag nakita ko siya. Baka kasi nilalayuan ako e.
Pasadong alas dies ng umaga ang usapan naming oras ni Imma pero lagpas 30 minutes na wala pa rin siya. Ano bang paghahanda ang ginagawa niya?
Naghintay ako ng ilan pang minuto sa sofa hanggang sa marinig ko na ang mga yabag niya. Kaagad akong napalingon sa kanya.
"Ang tagal mo. " reklamo ko.
"Nakatulog ako. " walang gana niyang sabi.
Napanguso ako. Akala ko pa naman naghanda ng bongga! Natulog lang pala.
"Lika na nga. "
Nauna akong lumabas ng pinto kasunod naman siya. Nakahanda na agad ang kotseng imamaneho niya.
Pinauna ko muna siyang pumasok bago ako umupo sa front seat. Kaagad niyang pinaandar ang makina at malakas na bumusina para marinig ng guard at pagbuksan kami ng gate.
"Seatbelt. "
Nabigla ako sa bigla niyang pagsasalita. Nanggugulat siya ah!
"Malapit lang naman yung mall, kahit hindi na. " pag-ayaw ko.
"Kahit na. "
"Tch. "
Wala akong nagawa kundi sundin ang gusto niya. Mahirap na at baka sabihan niya na naman akong wala sa mundo ko ang ganitong bagay.
Sinimulan niya ng paandarin ang sasakyan. Sakto lang ang takbo namin.
"Bakit pala gusto mo kong samahan? " tanong ko sa gitna ng katahimikan.
"Trip ko lang. "
"May bibilhin ka e! Ano nga! "
"Ang kulit mo! Wala lang akong magawa! "
"Edi dapat nagtraining ka na lang. "
"Kailangan ko rin ng rest noh! "
"Kung ganon sana pinagpatuloy mo na lang yung pagtulog mo. "
"Naggising ako dahil naalala kita. "
Natahimik ako.
Ano ba! Bakit bigla na lang siya nagsasabi ng ganun? Hindi handa ang puso kong tumibok ng ganito kabilis! Waaah!
"Ehem... baliw ka talaga. " naiilang kong sabi.
"Baliw sayo? "
"Pwede ba. Tama na nga. "
"Bakit? Naiilang ka noh? Hindi ka ba komportable sa tabi ko ngayon? Balita ko kapag ganun daw ang nararamdaman ay may gusto ka rin sakin. "
Mangha akong napatingin sa kanya. Ang taas naman ng self-esteem niya para sabihin yon akin.
"Wow ah! Sayo pa talaga nanggaling. "
"Kabisado ko na galawan mo noh. "
Hindi na ako sumagot. Nag-iinit ang mga pisngi ko at feeling ko pulang-pula na ito ngayon. Grabeee! Nakakahiya!
"Gusto mo na rin ba ako? " wala sa sariling natanong niya.
Napalunok ako. Mahigpit akong napahawak sa seatbelt.
Ang totoo, meron nga akong espesyal na nararamdaman sa kanya. Sinong hindi ito mararamdaman e lagpas isang taon ko na siyang kasama. Napamahal na siya sakin sa madaling salita.
BINABASA MO ANG
My Life as a Personal Alalay (COMPLETED)
Teen FictionEirro Wayne Ejercito is known for his rude and arrogant behavior, constantly belittling and yelling at the assistants who work for him, even extending his harshness to those serving in his mansion. On the other hand, Feya Reigh De Silva is carefree...