CHAPTER 60: Sige na nga!

2.5K 86 8
                                    

Feya Reigh's POV

"Hoy bilisan mo na dyan! Magagalit na naman sakin yon si Kylie! "

Lagpas alas otso nang makaayos na ako. Samantalang itong si Troy ay nandun pa rin sa banyo. Ang usapan pa naman namin ni Amag ay 7:30 am dahil mamimili pa kami ng gown na size namin. Ako lang ata yung hindi naka-attend sa meeting e. Sinukatan lahat ng bride's maid pero ako hindi. Goodluck na lang kung may magkasya sakin don.

"Bilis! Iiwan na talaga kita! " sigaw ko.

Sumasakit yung gums ko sa kanya. Na-sstretch ng todo.

"Napaka-ingay mo naman! Nagbibihis pa yung tao e! "

Napanganga ako nang makita ang suot niya.

"Saan mo nakuha yang damit mo? " gulat kong tanong.

Naka-polo siya at naka-maong na black. Simple pero ang lakas ng dating. Saan naman kaya niya yan nanakaw? Charr.

"Umuwi ako sa bahay. "

"ANO?! E BAKIT HINDI KA PA DON NALIGO? " mangha kong tanong.

Weirdo siyang nakatingin sakin at inirapan pa ko. Aba! Ang tinde!

"Gusto kong maligo sa normal na banyo. Sawa na kasi akong gumamit ng shower. " mahangin niyang sabi.

Lumapit ako sa kanya at binatukan siya. Hindi siya umiwas kaya natikman niya ang hagupit ko.

"Aray! Masama bang magsabi ng totoo?! "

"Hindi naman! Epal ka kasi! Ang yabang mo! "

"Argh! Umalis na nga tayo! "

Inunahan ko na siya sa paglabas. Siya na ang bahalang mag-lock ng apartment ko. Basta ako nag-eemote.

"Hoy! Humawak ka sakin. Baka masagasaan ka. "

Tumaas ng kaliwang kilay ko sa kanya. Ano tong sinasabi niya? Ginawa pa kong bata.

"Hawakan mo sarili mo. Nababaliw ka na. "

Naghintay pa kami ng ilang minuto bago may dumating na taxi. Dapat gagamitin namin ang kotse niya kaso ayaw niyang magdrive. Ang tamad din ng mokong na to minsan.

Tinuro namin sa driver kung saan kami ibababa. Pinabilis ko siya sa pagmamaneho dahil tinadtad na ko ni Amag ng texts and calls. Lagpas kalahating oras na kaming late. Ako lang pala.

"Muntik na kong ugatin dito sa tagal mo! " bungad niya nang makita ako.

Hindi maipinta ang mukha niya sa sobrang inis. Hahaha! Namiss ko ang hangal na to.

"Sorry na. Nagka-LBM kasi ako e. "

"Letse! Wag mo kong okrayin! Lika na nga! Baka maubusan ka pa ng size. "

"By the way kasama ko si Troy. "

"Oh hi Trolls! Very long time no see. "

Nakipag-hand shake siya pero hindi ito tinanggap ni Troy. Tinitigan niya lang ito.

Okay ayan na naman sila. Kaya ayokong nagkukrus ang landas nila e.

"Wala ka pa ring pinagbago! Bakit ba may lalaking tulad mo! " taray niya dito.

Kinuha ni Kylie yung kamay ko at hinatak ako sa kung saan. Naiwan namin si Troy pero alam kong susunod yon.

"Violet yung kulay ng gown natin. Ganun din ang barong ng mga lalaki. Nasunod ang motif na gusto ni Paula kesa kay Dex. "

Nandito kami ngayon sa isang napakagandang room. Puro gowns and suit ang nandito. Pang-kasal o kahit ano pang occasion. Ang gagara ng mga damit.

Narinig ko palang ang pangalan nilang dalawa ay nanghihina na ko. Tsk! Bakit ba kasi ganito kadaya ang nararamdaman ko? Ang unfair dahil hindi na ganito si Dex ngayon.

My Life as a Personal Alalay (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon