CHAPTER 36: He's Back!

2.4K 65 2
                                    

Few months later...

"Babe! Sorry na! Hindi ko naman alam e! "

Malakas na sampal ang ginawad ko sa kanya.

Sinaktan niya na naman ako sa pangalawang pagkakataon. Pero iba tong sakit na to e. Parang wala ng kapatawaran. Sobrang sakit to the point na gusto ko ng magpakamatay.

"L-let me explain, please? " naiiyak niyang sabi.

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya dahil baka maawa ako at patawarin ko na naman siya.

Napakalaki ng kasalanan. Baka hindi mo makaya pag nalaman mo.

"Pagod na ko, Dex... pagod na pagod na. Iniintindi kita araw -araw. Kahit na minsan wala ko sa sarili pinipilit ko pa ring maging okay para sayo pero niloloko mo lang pala ko? Napakasama mo! " buong lakas kong sinigaw yon sa mukha niya.

Wala na akong pakielam kung may makakita at makarinig dito samin sa parke. Nawawala ako sa sarili ko.

"H-hindi ko nasabi kase... natakot akong baka iwan mo ko. Natakot ako sa responsibilidad. "

Nalulunod ako sa mga luha ko. Hindi na kayang huminto pa. Nahihirapan na naman ako, palagi na lang.

"Kaya pala... kaya pala palagi siyang nandyan. "

"Sorry babe... I'm so sorry... "

Hinawakan niya ang braso ko pero nag-iwas ako. Pano niya ba to nagagawa sakin? Parang ang dali naman sa kanya na lokohin ako gayong mas labis ako kung magmahal samin. Ibang klase!

"Panagutan mo siya... manganganak na siya next month. " seryosong sabi ko.

"Ikaw ang mahal ko! Hindi ko kaya. "

"Bwiset ka! Ginusto mo yon di ba? Hindi mo kasi ako iniisip habang ginagawa niyo ang kababuyan niyo! "

"Mahal kita... patawarin mo na ko.. "

Umiling-iling ako. This time, buo na ang desisyon ko.

Kailangan ng isang ama ng batang yon. Kailangan rin ni Paula ng hahalili sa kanila.

So ano pala ako dito... magiging kabit ako pag nagpakasal sila. Ayokong angkinin yung bata dahil mukhang hindi naman ibibigay ng ina.

Tsk.. lagi na lang akong naiipit sa sitwasyong ito. Palagi na lang.. Hirap na hirap na ko.

"Iwan mo na ko... sumama ka sa kanya at magpakasal kayo. " nanghihina kong wika.

Kahit na hindi ko kaya. Hindi ko talaga kaya... pero umaasa si Paula sakin.

Kahapon lang ay nakipag- kita sakin si Paula. Nagulat ako dahil malaki na talaga ang tiyan niya. Umiiyak siyang lumapit sakin. Sinabi niya ang lahat-lahat. Doon ko lang din nalaman na palihim silang nagkikita ni Dex para ipa-check up siya. Doon ko lang din nalaman yung sitwasyon niya.

Kaya pala nung una palang ay nawinawiwirduhan na ako sa babaeng yon. Kaya pala panay ang pagsulpot niya sa kung saan.

Halos hindi ako makauwi nang araw na yon dahil sa nalaman ko. Hindi ako nakakain nang gabing iyon, hindi ako halos makatulog.

Nakiusap siya na iwan ko si Dex para sa kanila ng bata. Kinonsensya niya ako at nakonsensya naman ako.

Napakagaling ng tadhana! Saan ba ako lulugar sa kwentong ito? Hirap na hirap na ko.

"Ampunin natin yung bata. Please.. ikaw ang mas mahal ko. "

"Tumigil ka na. M-maghiwalay na tayo. "

Napahawak ako sa poste na malapit sakin. Nahihirapan na akong humingi dahil sa paghikbi. Sunod-sunod na agos ng luha ang lumalabas sa mata ko. Napakalaki ng epekto niya sakin.

My Life as a Personal Alalay (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon