Feya Reigh's POV
Marami akong dahilan kung bakit gusto ko ng umalis sa mansion. Una, gusto ko munang mapag-isa at hanapin ang sarili ko. Pangalawa, ayokong sisihin ni Imma ang sarili niya dahil sa nangyari sakin.
Alam kong kada nakikita niya ang mga pasa at galos ko ay siya ang iniisip niyang may gawa noon. Ayokong saktan niya ang sarili niya. Pangatlo, gusto ko ng maghanap ng trabaho. Gusto kong i-grab yung opportunity na binigay sakin ni Nay Belen. Tutulungan ko ang kaibigan niya na muling buhayin ang kompanya. At may naiisip na kong makakatulong samin.
Pang-apat, tama si Nay Belen, hindi habambuhay ay sa mansion lang ako iikot at sa pagiging alalay kay Imma. Gusto ko naman na magkaroon ng saysay yung buhay ko. Para na rin sa mga magulang ko.
Pang-lima, dahil kinausap na rin ako ni Madam Villa ng tungkol dito. Gusto niyang layuan ko na si Imma dahil nakikita niya akong bad influence sa apo niya na hindi ko naman pinaniwalaan.
Ngayong araw na ito ang discharge ko sa ospital. Wala naman akong mga gamit na kailangang dalhin dahil naitapon na lahat. Itong mga gamot lang at ointment ang dala ko pauwi sa apartment ko.
Kasalukuyan akong nakikipag-usap sa cashier ng ospital. Sinabi niya sakin ba fully paid na raw ako na hindi ko naman matanggap. Sigurado akong si Imma na naman ang nagbayad ng expenses ko. Kahit kailan talaga siya.
"Ah sige po, salamat. "
Nagsimula na kong maglakad palabas ng ospital. Hindi na masyadong masakit ang katawan ko. Itong tiyan ko lang talaga ang binanatan ng sobra. Feeling ko ang pangit ko na.
"Ms. Feya, ako po ang maghahatid sa apartment mo. Pinadala po ako ni Sir Eirro Wayne. "
Napanganga ako sa sumulpot sa unahan ko. Naka-uniform ito na pang-driver, ngayon ko lang siya nakita ah.
"Ma'am Feya? " muli niyang tawag.
"Ahmm paki-sabi sa kanya na hindi na ako magpapahatid. Kaya ko na. " pagtanggi ko.
"Utos niya po sakin na kapag hindi ka raw po pumayag ay pupunta siya sa apartment niyo at dun siya matutulog. "
Hindi ako makapaniwalang nagbuntong hininga. Ano na namang nakain ng Imma'ng yon?
"Hello sir? Ayaw pong pumayag e. "
May kausap siya sa phone ngayon. At kahit hindi niya sabihin kung sino yon ay sure naman ako na si Imma yon.
"Kakausapin ko nga. "
Nilahad ko ang kamay ko sa kanya para kunin ang phone. Binigay niya naman to sakin.
"Ano ba tong trip mo? " iritado kong tanong.
"Alien ko... mamimiss kita. "
Natigilan ako. Ramdam na ramdam ko ang lungkot sa boses niya.
Huminga ako ng malalim para hindi mahawa sa emosyon niya. Hindi niya na mababago ang desisyon ko.
"Papauwiin ko na tong driver mo. Kayang kong bumyahe mag-isa. " matigas kong sabi.
"Pero hindi ka pa magaling. "
"Maayos na ang kalagayan ko. "
"Ako na lang maghahatid sayo, hintayin mo ko dyan. "
"Hindi na. Aalis na rin ako, magpahinga ka dyan dahil alam kong pagod ka rin. " inalis ko ang pag-aalala sa boses ko.
"Iniisip ko kung magiging okay ka lang bang mag-isa sa apartment mo. "
"Sanay na sanay na kong mag-isa bago ka pa dumating. Bye na. "
Pinatay ko na ang tawag at pabagsak na binigay sa driver ang phone niya.
BINABASA MO ANG
My Life as a Personal Alalay (COMPLETED)
Teen FictionEirro Wayne Ejercito is known for his rude and arrogant behavior, constantly belittling and yelling at the assistants who work for him, even extending his harshness to those serving in his mansion. On the other hand, Feya Reigh De Silva is carefree...