CHAPTER 67: Road to Mt.Beniting

2.5K 54 11
                                    

Feya Reigh.

Ito ang araw na aalis kami para mag-out of town. Excited ang lahat ng mga kasama. Maingay sa labas ng bahay ko ngayon dahil sa mga tropa ni Kirro at ni Love at syempre pati ang mga kaibigan ko.

Si Blue, Thomson, Dave, Patrick, James, Kirro, Kylie, Troy, si Love at ako. Wala pa akong ideya kung saan kami pupunta dahil wala pang nababanggit sakin si Love at kahit sina Kirro. Hindi naman ako makapagtanong dahil busy sila.

"Love! Wala ka na bang nakalimutan?" hinihingal niyang tanong. Marahil ay nagtungo siya sa kung saan at tumakbo patungo dito.

"Wala na. Sila ba, okay na?"

"Yap. Akin na yung gamit mo, ako na maglalagay sa van."

Kinuha nga niya lahat ng gamit ko dito. Dalawang travelling bag lang naman ang dala ko. Yung isa ay puro damit ang laman at yung isa naman ay mga personal hygiene. Wala naman na akong nakalimutan kaya pwede na kaming umalis... kung ako na lang ang hinihintay.

Lumabas na ako ng bahay. Syempre hindi ko nakalimutang paalalahanan ang mga kasambahay at guwardiya dito. Mahirap na at baka may pumasok na akyat-bahay dito. Sinabihan ko rin na magbakasyon na muna sila kaso ayaw magpaawat e. Dito na lang daw sila at magbabantay. May tiwala naman ako dahil may mga pinagsamahan na kami.

"Love, asan yung iba?" tanong ko nang makita na silang dalawa lang ni James ang narito.

Nilibot ko pa ang paningin ko para hanapin ang iba.

"Nag-basketball muna sila. Ang tagal mo raw kasi e." asar niya.

Inirapan ko lang siya tsaka ako pumasok sa loob ng van. Nga pala, kila Kirro itong van at kasya ang hindi bababa sa 15. Mainam itong gamitin sa mahabanh byahe dahil komportableng higaan ang mga upuan. Excited na tuloy ako.

"Amag! Dun kami sa likod ni Hon." nagulat ako nang biglang sumulpot sa harapan ko si Kylie. Nasa likuran niya naman si Troy na na kay Love ang tingin.

Nasabi ko na bang minsan na ring nagselos si Love kay Troy?

Hindi raw siya naniniwalang magkaibigan lang kami. Tss! Ang hirap ipamukha sa kanya na walang namamagitan samin dahil nga malapit talaga kami sa isa't-isa. Kung si Love ay nagseselos dahil kay Troy. Si Kylie naman ay nagseselos dahil sakin. Hindi naman maiiwasan yon.

"Hon! Pumasok ka na!" sigaw niya.

"Wait lang. Na-jijingle pala ako." banggit niya at tsaka kumaripas ng takbo sa loob ng bahay ko.

Oh ayan ha! Bago umalis siguraduhing nakapagbawas.

Buntong hininga namang pumasok na lang sa loob si Kylie. Nang-aasar naman ang ngiti ko sa kanya.

"Sinama mo pa kami dito. Baka ma-out of place lang kami." wika niya nang makaupo siya sa second to the last na row sa likod.

"Hindi yan. Mababait sila at the same time super kulit din. For sure makakasundo niyo rin sila agad."

"Sana nga. Mahiyain pa naman ako."

Natawa ako ng bongga. Mahiyain daw e wagas nga kung makapiling close dati sa mga bagong classmate

namin. Tch. Don't me.

"Matagal pa ba? Pinapawisan na ko oh!" reklamo niya.

"Nag-basketball pa ang mga loko." tamad kong wika. "Bat ka pinapawisan? May aircon naman ah." dagdag ko pa.

"Ewan."

"Love, parating na sila. Jaan ka na ba uupo?" biglang dumungaw si Love sa may pintuan.

My Life as a Personal Alalay (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon