CHAPTER 83: Wedding Vows

1.8K 53 1
                                    

Feya Reigh's POV

Matapos ang isang buwan na paghahanda para sa kasal ay sa wakas magaganap na ito ngayong araw. Pinili naming sa simbahan makasal dahil tulad ng sinabi ko ay gusto kong ang Diyos mismo ang makasaksi ng aming pag-iisang dibdib. Nais kong sa tahanan ng Diyos makasal nang sa gayon ay mas lalong maging malapit ang pamilya namin sa Kanya.

Siya lamang bukod tangi ang nagplano nito sa buhay naming dalawa ni Imma. Siya lamang at kami ang kumikilos.

Nakaharap ako sa isang malaking salamin dito sa isang kwarto ng hotel. Puno ng make-up, sandals, gown at mga accessories ang buong kwarto. Nakakasilaw din ang mga ilaw na gamit sa pagme-make-up.

Kasama ko si Kylie dito ngayon at nag-aayos din. Ang ibang bride's mate ay sa iba nagpaayos. Colour blue ang napili naming motif ng kasal. It reminds me a hundred memories with Imma. Blue is my favourite colour also.

"Kinakabahan ako. " wika ni Kylie.

Natawa ako. "Hindi naman ikaw ang ikakasal. Bakit ka kinakabahan? " natatawang tanong ko.

"Makikita ko si Trolls don. Nahihiya pa rin ako sa kanya. Nakipaghiwalay ako na iniisip niyang walang kwentang dahilan. " napahilamos siya sa mukha.

"Wag kang mag-alala, hindi naman ikaw ang titignan non. May nagugustuhan na yon ngayon noh! " sambit ko na kinatahimik niya.

Napatulala siya at hindi nakaimik. See? May nararamdaman pa rin siya kay Troy. Ewan ko ba kung bakit siya nakipaghiwalay gayong ang ganda-ganda ng samahan nila. Nakakapagsisisi talaga ang ginawa niya.

"Sa tingin mo.. may pag-asa bang magkabalikan pa kami? "

Mangha akong napatingin sa kanya. "Seriously? After mong makipag-break, makikipagbalikan ka? " naguguluhan kong sabi.

"I love him very much. May matibay na dahilan ako kung bakit ko nagawang makipag-break. "

"And what is your reason then? "

"Si dad, you know that he's so strict. Si Mom lang ang nakakaalam ng relasyon namin ni Trolls. One day, nalaman ni Dad at hindi siya nagdalawang isip na sabihin sakin na makipaghiwalay ako kay Trolls. Dahil kung hindi, itatakwil niya ko bilang anak. Napakababaw ng dahilan niya para lang itakwil ako kaya nagtanong ako kung bakit kailangan niya kong itakwil e hindi naman siya naaapektuhan sa relationship namin ni Trolls. That time, he told me the truth. Ang pamilya pala ni Trolls ang nakabili ng lupang sakahan na gusto ring bilhin ni Dad. Gusto niyang patayuan ng resort yon pero malaki ang ibabayad ng mga Perez kaya sila ang nakabili. Nagtanim si Dad ng sama ng loob sa kanila kaya nung malaman niya na Perez si Trolls ay pinalayo niya ako. " mahaba niyang sabi.

Hindi ako nakaimik agad. So ayun pala talaga ang tunay na dahilan niya. Pero kung itakwil man siya ay may tatakbuhan siya at si Troy yon. Mayaman at mabait sa lahat. Bakit hindi niya ipinaglaban?

"I know what's you're thinking, kaya hindi ko naipaglaban ang relasyon namin dahil magpapakamatay si Mom once na mabuwag ang pamilya namin. Ayokong mangyari yon.. sino ba namang gustong mangyari yon diba? Nakakatakot. Kaya sinakripisyo ko na ang pagmamahalan namin ni Trolls para lang sa pamilya namin. "

Halos hindi ako makahinga sa nalaman ko. Ang hirap pala ng pinagdaraanan ng best friend ko ngayon. Hindi niya man lang nabanggit ito sa akin. Wala akong kwentang kaibigan.

"Sana sinabi mo kay Troy ang totoong dahilan kung bakit ka nakipaghiwalay. Dahil hanggang ngayon ay naghahanap pa rin siya ng kasagutan sa mga katanungan niya. Hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin siya."

"Alam ko ang ugali niya.. ipaglalaban niya ang tama. Pero once na manggaling na mismo sa bibig ko na hindi ko na siya mahal... kusa na siyang iiwas at lalayo. "

My Life as a Personal Alalay (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon